CHAPTER FOURTEEN

896 41 14
                                    

" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE


CHAPTER FOURTEEN - LIVING IN THE PROVINCE

Province of Abra has a twenty-seven municipalities, Bangued is the capital of the province where Tandang Maliit can locate his root of origin.

"Magandang araw po sa inyong lahat, ako po si Lewis Roy. Nandito po ako para humihingi sana ng tulong kung okey lang po sa inyo." Panimula ng binata.

"Magandang araw din sa iyo Lewis Roy. Kung kaya ba namin ang tulong na sinasabi mo aba'y bakit hindi. Anong klaseng tulong ba iyun?" Tugon ng kapitan ng barangay na nilapitan ng binata.

Nakatira siya sa isang apartment, mas ninais niyang mangupahan para makakilos siya ng maayos. Nais sana niyang makipanuluyan sa tahanan ng mga magulang ng dati nilang kaklase na si Debbie pero naisip din kasi niya na baka mapag-isipan siya ng masama at walang maniniwala sa kanya kapag doon siya maninirahan. Halos tatlong linggo na rin siya sa probinsiya, at sa loob ng tatlong linggo na iyun ay wala siyang sinayang na panahon. He started with the captain of the barangay. Ito ang kinausap,  kinaibigan para sa planong pagbukas sa mga loteng nakapangalan sa mga ninuno.

"Ganito po kasi iyun capitan, magpapatayo sana ako ng building para sa negosyo. Kailangan ko po sana ang mga trabahador para isagawa ito. Huwag po kayong mag-alala dahil wala pong malulugi, magpapasahod naman po ako ng tama. May mga kakilala ka po bang maari kong pagtrabahuin kap?" Sagot ni Lewis.

"Dito sa probinsiya marami tayong makukuhang mga karpentero, pero hindi ba mas magandang sa mga construction company ka dumulog para naka-package ang lahat?" Tugon ng kapitan.

"Wala naman pong problema diyan kap, may kaibigan po akong engineer at siya po bahala sa designs. Ang sa akin lang po ay mga trabahador para masimulan po sana sa mas lalong madaling panahon." Magalang na sagot ni Lewis.

Wala naman kasing problema sa mga engineers at supplies dahil kabilaan ang mga construction companies ng pamilyang pinagmulan. High quality pa ang mga ito.

"Sa ngayon  Lewis wala pa akong maihaharap na karpentero pero hayaan mo't magtatanong ako sa mga makilala ko. Ipahanda mo na ang mga kakailanganin mo lalo na ang supplies para sa ipapatayo mong building. Siya nga pala completo na ba ang mga papeles ng building na ipapatayo mo?" Tugon ng kapitan.

"Opo kap kompleto po lahat ng dukumento niyan sa akin, at kagaya ng ibang negosyo bago ito magsimula ay permit na lang po ang kulang." Saad naman ng binata.

"Mabuti naman kung gano'n Lewis, para maging maayos ang lahat. Saan mo nga pala gustong magpatayo ng building iho?" Muli ay tanong ng kapitan.

"Diyan lang po sa bakanteng lote diyan kap, malapit siyan sa petron gasoline station dito sa Poblacion." Sagot ng binata.

Hindi nalingid sa binata ang naging reaksyon ng kapitan sa narinig mula sa kanya although wala naman itong ibang sinabi iyun nga lang ay mag-iba ang expression ng mukha nito.

"May problema po ba kap?" Kaya naman ay tanong niya dito.

"Wala naman Lewis pero may itatanong lang ako sa iyo kung okey lang ba." Tugon nito.

"Opo naman po kap, ano po ba iyun?" Sagot ng binata.

"Sigurado ka ba sa lugar na papatayuan  mo ng building para sa negosyo mo? Hindi sa pakikialam pero kilala mo ba kung sino ang makakabangga mo kung  sakali mang ipagpatuloy mo iyang plano mo?" This time ay pagkabahala na ang nababanaag sa mukha nito.

"Opo kap dahil ang lupaing iyan ay matagal ng nakatiwangwang. Pag-aari po iyan ng yumao kong abuelo pero dahil mas gusto ng mga kapatid ko ang ipagpatuloy ang kani-kanilang trabaho ay matagal ding walang namahala diyan. About makakalaban po ay wala naman po siguro dahil pag-aari naman ng pamilya namin iyan." Pahayag ng binata.

ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon