CHAPTER ONE - TANDANG MALIIT

3.7K 73 28
                                    

" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE

CHAPTER ONE - TANDANG MALIIT

"Oh Lewis may kailangan ka ba?" Masuyong tanong ng taga-luto ng mga Calvin na bahagyang itinigil  ang pagkain.

"I want to eat po nana." Sagot nito na halata namang iyun ang balak.

"Oo naman baby anong gusto mong lutuin  ko para sa'yo?" Muli ay tanong nito.

Hindi ito sumagot pero nakatingin sa ulam nilang

"I want that small fish nana." Sagot nito na hindi na hinintay ang sagot nito. Inilahad ang mga  braso para maipaupo ito sa upuan.

Ito ang bunsong apo ng kanilang amo, pero ito ang pinamamakulit. Mabait naman ito kaso kapag wala sa mode ay maldito.

"You want this baby? Pero maamoy ang small fish, gusto mo pa rin ba?" Baka sakaling tanong nito. Hindi naman sa ayaw nila itong  pakainin dahil kahit bata pa ito'y  amo pa rin naman nila ito pero natatakot kasi sila na baka magalit ang amo nilang matanda.

One of the best employer in town  ang mag-asawang Sheryl at Roy, mababait din naman ang mga anak ng mag-asawa pero kung sino pa ang mababait sila pa ang nauunang nammatay. Dalawang taon na ring namayapa ang panganay  na anak ng kanilang amo ang mag-asawang Collin at Cheska. Bihira lang din naman kasing dumalaw doon ang babaing anak ng mga ito dahil may sarili na rin itong  pamilya. Pati ang isa sa kambal  ay nag-asawa na rin at nasa probinsiya ito kasama ang asawa. Ang tangi nilang kasama sa bahay ay ang magkapatid na Lewis Roy II at Collin Rhayne saka ang mag-asawang Sheryl at Lewis Roy I.

"No nana I want to eat that small fish because it's yummy. Dont worry I'll  wash my hands after we will finish  our food." Sagot nito na parang matanda na salubong ang kilay.

Hindi na sila tumutol pa dahil kapag sinabi nito ang isang bagay, hindi ito titigil hanggat hindi nakukuha kagaya ng oras na iyun.

Tahimik itong kumain kasama nila, bata man ito sa edad pero madisiplina sa sarili iyun nga lang ay may pagkamaldito talaga.

"I'm done nana, I want to wash my hands baka maamoy ni grandpa." Magalang nitong sabi.

"Are you full already? Maybe you want more baby." Magiliw ding sagot ng kusinera.

"Thank you nana, tomorrow again I want small fish." Tugon ng anim na taong si Lewis.

"Pero hindi kami magluluto ng small fish  bukas baby masama din kasi sa health kapag palagi." May pag-aalalang sambit nito.

At tama nga sila, nag-iba ang expression ng mukha nito kaya inunahan na lang  nila ito.

"Ahm baby magluluto ako ng tortang talong bukas kasi hindi puweding araw-araw ang small fish hindi maganda sa kalusugan natin. Saka baka pagalitan kami ni grandpa ko na dito ka laging kumakain?" May ngiti sa  labi na aniya ng isa sa mga kasambahay ng pamilya Calvin.

Sa narinig ay muling  nabuhay ang maaliwalas na mukha ng batang si Lewis Roy.

"Call me po kapag kakain kayo ate ha I'll  eat here again. I love your food. I'm  going na to take shower bago ako maamoy ni grandpa. Thank you again." Sagot nito saka nagmartsa palabas sa kusina.

Pagkaalis nito ay saka pa lamang  nakahinga ng maluwag ang mga kasambahay.

"Grabe itong si sir Lewis Roy II aba'y  daig tayo sa tuyo. Wala namang problema kasi malinis naman pero nakakahiya kasi na pagkaing katulong ang kinakain." Aniya ng isa.

"Masanay na tayo sa kanya mga kapatid, simula ng nakakakilos na siya na nag-iisa kadalasang dito na siya sa kusina kumakain. Hindi ko lang alam kung alam nila sir ang tungkol diyan. Mabait naman siya kaya hayaan na lang natin kung dito niya gustong kumain." Saad ng kusinera na sinang-ayunan nilang apat.

ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon