CHAPTER TWENTY-THREE

939 48 25
                                    

" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE


CHAPTER TWENTY-THREE  - THE POLITICS IS A DIRTY GAME

Kumbaga sa isang pilekula, sumugod ang pamilya Calvin at pamilya Aguillar-Smith ng nalaman ang nangyari sa dalawa. Kung ang matandang Calvin ay panay ang dasal para sa recovery ng babaing muling sumalba sa apo, kabaliktaran naman sa ina ng dalaga.

"Kailan ka pa matuto Darlene Faith? Naku! Kahit nasa tamang edad ka na kung ganyan katigas ang ulo mapapalo kita!" Nag-aalburutong wika ni CM.

"Relax CM ko, nakalimutan mo na yatang sa'yo nagmana sa katigasan ng ulo ang dalaga natin ah." Pang-aasar naman ni Daylan, hindi naman totally pang-iinis pero nais lang niya itong pakalmahin dahil umuusok ang bunbunan.

"Isa ka pa! Kung hindi lang nakakahiyang paluin ang batang iyan matagal ko na siyang pinalo. Look nasa pagamutan na naman siya. Pang-ilang beses na ba siyang nadala sa pagamutan dahil sa ganyan ha? Tapos sabihin mong relax ako. Naku baka ikaw paluin ko niyan." Palakad-lakad na abot hanggang langit ang galit.

Actually,  hindi naman siya galit dahil sa ginawa nitong pagsalba sa binabantayan pero sa tuwing  itinatawag ng mga kasama na nasa pagamutan ay hindi niya maiwasang atakihin ng nerbiyos.

"Come here darling, alam ko namang hindi madali ang ganitong buhay pero nakalimutan mo na yatang we belong to the law makers family. Pang ilang henerasyon na ba ang anak natin sa pagiging alagad ng batas? Si grandpa daring FBI at abogado, gano'n din ang kuya ko na si Jameston, sa pamilya ninyo sina grandma Rene, grandpa Art, si Tito Cyrus, si kuya Ethan, si Samantha, ikaw at ako. Sa dami ng pagmamanahan niya sa pagiging alagad ng batas ay hindi na nakapagtatakang ganyan siya katigas ang ulo. Alam ko namang hindi mo nakakalimutan iyan asawa ko, we are the law makers to serve and protect our countrymen. So stop worrying na darling. The doctor declared that she's out of danger already." Pang-aalo ni Daylan sa asawa.

Sa narinig ay napabuga sa eri ang amasona este ang pinsan ng amasona(Samantha) este ang ina ni amasonang tigre.

"Ano pa nga ba asawa ko. Anong sabi ng doctor maari na ba natin siyang dalhin sa ating pag-uwi?" Sagot na lamang ni CM.

"Kung kaya na daw ng katawan niya ang bumiyahe'y oo puwedi na I'm so sure kayang-kaya niya iyan. Nagmana yata sa'yo ang anak natin na matitigas ang ulo eh. She's a fighter you know." Ayun at inaasar na naman ang asawa kaya naman napaingos ito.

Sa chapel kung saan dumiretso ang mag-lolang Lewis Roy at  grandma Sheryl.

"Dear Lord, thank you that you bless the medical services with great skills and wisdom. Thank you that the operation went successfully, Lord please now bless each step of the recovery process. Protect the wounds from infection, heal and restore damaged or bruised areas and bring peace, rest and sound sleep. May your hand be upon my amasonang  tigre as she recuperates and continues her good deeds." Nananalangin nga pero naisingit pa talaga ang tawag sa babaing parang tigre.

Pagdating ng magulang ng dalaga ay nagpaalam silang mag-lola para magtungo sa chapel. Hindi naman siya palasimbang tao pero sa tuwing nangangailangan siya ng tulong ng amang lumikha ay hindi siya pumapalyang tawagin ang Hari ng mga Hari. He always believe that prayers is the most powerful weapon in life.

"AMA sa kaitaas-taasan ng langit, ako'y naririto sa iyong tahanan at manikluhod para pasalamatan ka dahil sa pagkakaligtas ng apo ko mula sa karahasan. Ipinadala mo ang kanyang bantay na si Darlene Faith, iniligtas mo siya AMA dahil mas marami pa siyang taong matutulungan. Let her gain her strength to continue her good deeds God. We believe in you oh God, we believe in your miracles. Please be with us always Lord, we are nothing without you. In Jesus name. Amen" Panalangin naman ng matandang si grandma Sheryl.

ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon