"ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEECHAPTER EIGHT - I WANT JUSTICE FOR HER
Bata man sa edad pero sa isip at sa gawa ay matured na si Tandang Maliit. Ginawa niya ang karapat-dapat para kay Debbie. With the help of his family member, naiuwi nila ang bangkay nito sa probinsiya sa piling ng mga magulang nito.
"Tao po." Aniya ni Lewis sabay katok sa simpleng bahay na bumungad sa kanila ng mga kasama.
"Lewis it looks like no one is here. Look around all the windows are closed." Bulong ni Aries Dale.
Totoo naman kasing sarado pa ang bahay at ang tatlong bintana. Simple lang ang buhay mayroon sila dahil na rin sa kahirapan at gano'n na din sa kanilang bahay. Isang bungalow type ang nasa harapan nila na kung tutuusin ay mas malaki pa ang kani-kanilang kuwarto sa kanilang tahanan. Hindi naman sa minamaliit nila ang nakikita pero nauunawaan nila ang yumao nilang kaibigan kung bakit gano'n ito kasimple. Mula sa ugali, pananamit, ay simpleng-simple.
"Mayroon naman siguro Aries baka tinanghali lang ng gising. " The pain in his voice upon lossing his love was there too.
"Katukin mo ulit bunso baka tulog pa sila lalo at maaga pa naman." Suhestiyon ni Rhayne na siyang kasama nila sa pagdala sa bangkay ng dalagita.
"Tao po, may tao po ba dito?" Muli ay pangangatok nito sa pintuan na gawa din sa simpleng kahoy.
Lumipas ang ilang sandali na walang sumasagot kaya muli sanang kakatok ang binatilyo pero siya namang pagbukas ng pinto.
Ang hindi nila alam ay dinig ng mag-asawa ang pagkatok ni Lewis pero dahil sa pag-aakalang ang governor ang nasa labas ay nagbingibingihan sila pero ng maulinigan nila ang mga boses ay napagtanto nila na nagkamali sila ng akala.
"Buksan na lang natin Anita sa boses naman nila'y sigurado akong hindi sila governor ang nasa labas." Bulong ni Mang Cardo sa asawa na kasalukuyang nagkakape kasama siya.
"Magandang umaga din po. Sino po sila?" Formal na sagot at tanong ni Mang Cardo. Lihim din itong nakikiramdam na baka pakana ito ng gobernador.
"Ah ako po si Lewis Roy Calvin at sila po ang mga kasama ko. Tata dito po ba nakatira sina Aling Anita Hidalgo at Ricardo Hidalgo?" Magalang na sagot ni Lewis.
Sa narinig ay napakislot ang mag-asawa dahil may naghahanap na naman sa kanila. Di yata't nga tauhan na naman ng governor ang mga harapan nila. Bagay na hindi nalingid sa grupo nila Lewis kaya naman agad nagsalita si Victor Chass na kasama na rin nila. Ito ang umayos o may hawak sa kaso tungkol sa pagkamatay ng kaibigan ng bunso nilang kapatid.
"Ah nana, tata huwag po kayong matakot dahil hindi po kami masasamang tao. Mga kaibigan po kami ni miss Debbie Hidalgo." Pagitna ni VC.
Sa pagkarinig sa pangalan ng anak ay hindi na nagdalawang-isip ang mag-asawa.
"Pasensiya na kayo kung hindi namin kayo agad inistima mga kapatid. Oo kami nga ang mga magulang ni Debbie. Bakit ni'yo siya hinahanap?" Tugon ni Mang Cardo na sinegundahan ng asawa.
"Wala siya dito mga iho nasa Baguio siya sa kanyang tiyahin. Ano pala ang kailangan ninyo sa kanya?" Sabi naman ni Aling Anita.
Marahil nga ay bata pa siya para sa bagay na iyun lalo at hindi naman naging sila ng kaibigan nila ng pamangkin niya pero para sa kanya ay unang pag-ibig niya ito kaya naman napakasakit ang nawala ito. Pero ang mas nakakaiyak ay ang malaki ang expectations nila para sa iyo ng magulang. Hindi tuloy napigilan ni Lewis napaluha, na dahilan para napatalikod ito. He was so devastated on what happened to his first love.
![](https://img.wattpad.com/cover/168861299-288-k396461.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
Ficción GeneralGENERAL FICTION: ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW, AT ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI. AT HIGIT SA LAHAT HINDI LAHAT MG UMAATRAS AY TALO. MINSAN KAILANGANG GAWIN DAHIL IYUN ANG NARARAPAT.