" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEECHAPTER SIXTEEN - HIS VISITORS
Dahil sa death threat na natanggap niya'y naisipan ni Lewis na lumapit sa mga kapulisan ng probinsiya, pero bago niya ginawa ang bagay na iyun ay isinangguni muna niya ito sa kapatid. Tinawagan niya ito at laking pasasalamat niya ng sinabi nitong nasa centro sila dahil may hearing kaya't hinintay na lang niya ang kuya Chass at ate Myrna niya.
After sometimes, sa wakas dumating na rin ang mga ito.
"Mukhang may problema ang bunso namin ah. Kumusta ka na Lewis?" Magiliw na tanong ni Myrna sa bunsong kapatid ng asawa.
"Okey lang po ako ate. Ikaw po ate kumusta po? Bakit po pala sila hindi sumama?" Tanong at tukoy ni Lewis sa mga pamangkin na halos kaedad niya. Ilang taon lang din ang pagitan nila kaya ayaw na ayaw niyang tawagin siyang tito, sa pangalan lang talaga siya nagpapatawag.
"May pasok sila bunso kaya kami lang ng ate mo ang lumuwas at saka hearing ang dinaluhan namin. Alam mo namang napaka-devoted nila sa pagtuturo. Siya nga pala ano 'yung sasabihin mo sa akin ba sabi mo'y sa personal mo sasabihin?" Salo ni Chass sa asawa.
Hindi sumagot ang binata bagkus ay iniabot ang papel kung saan nakapaloob ang death threat na natanggap niya.
"What's this bunso?" Maang na tanong ni Chass.
"Basahin mo kuya." Tipid na sagot ni Lewis.
Kaya naman sinunod ito ni Chass, binuklat niya ang papel at binasa ito.
"What? Death threat? Bunso ito na ' yung sinasabi namin sa iyo eh. Karanasan ko na iyan Lewis kaya ka namin binalaan pero nagpursige ka pa rin na maninirahan dito at ngayon may banta na ang buhay mo. My God Lewis Roy!" Marahil ay hindi napigilan ni Chass ang sarili kaya napataas ang boses bagay na ikinangiwi ng binata.
In his mind, mas natatakot pa yata ang kuya niya kaysa sa kanya.
"Oh bakit nakangiwi ka bunso? Hindi ka ba natatakot sa banta ng buhay mo? Tama naman ang kuya mo, mas malala ang karanasan niya dito dahil halos na yata ng krimen ay naibato sa kanya hanggang sa muntik siyang mamatay na naging dahilan ng pagka-comatose niya. Hindi ka ba natatakot Lewis?" May pangamba sa boses na tanong ni Myrna.
"Nandoon din ang takot ate pero kung padadaig ako sa death threat na iyan mapupunta sa wala ang nasimulan ko kaya laban lang ako ate hindi ko puweding isawalang bahala ang lahat." May finalidad na tugon ng binata.
Dahil dito'y napabuntunghininga si Chass, kagaya niya noon hindi siya nagpapigil. Itinuloy pa rin niya ang nanirahan sa probinsiyang isinumpa. Nauunawaan man niya ang kapatid dahil gano'n din siya noon, mas matimbang ang pangarap niyang makatulong at maiahon ang mga taong nakasadlak sa takot, nais niyang pukawin ang kaba at takot na bumabalot sa katauhan ng mga mamamayan pero iyun din naman ang nagdala sa kanya sa kapahamakan kaya mas nananaig ngayon ang takot para sa kapatid. Ayaw niyang maranasan nito ang naranasan niya noon.
"Kuya, maraming salamat sa lahat-lahat. Alam ko namang para din sa akin ang pag-aalala mo. Pero magtiwala ka sana sa akin kuya. Sa pamamagitan nito'y kahit hindi ko maubos ang mga salot sa lipunan ay mababawasan man lang sana. Isa pa po pa lang sasabihin ko'y balak ko sanang lumapit sa kapulisan dito para humingi ng tulong, for security purposes." Pagpapakalma ni Lewis sa kapatid.
"No! Don't do that Lewis Roy. Mas mabuting sa Camp Villamor ka na lang dumiretso kung iyan ang balak mo. Ako na ang nagsasabi huwag Lewis mapapahamak ka lang kapag ginawa mo iyan." Muli ay pakiusap ni Chass.
"Why kuya? Bakit ayaw mong dito na rin sa probinsiya ako magpatulong? Hindi ba mas nakakahalatang---"
Pero hindi natapos ni Lewis ang sinasabi dahil tumunog ang mobile phone ng kuya Chass niya.
BINABASA MO ANG
ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
Aktuelle LiteraturGENERAL FICTION: ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW, AT ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI. AT HIGIT SA LAHAT HINDI LAHAT MG UMAATRAS AY TALO. MINSAN KAILANGANG GAWIN DAHIL IYUN ANG NARARAPAT.