CHAPTER SEVEN

1K 45 43
                                    

" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE

CHAPTER SEVEN - IT TURNS TO TRAGIC DEATH

"Gustihin man  naming  lumuwas para masaksihan ang pagtatapos mo ng high school anak pero ang gagamitin naming pera ipapadala na lang namin para pandagdag sa pang-gasto mo anak." Pinaghalong emosyun ng nababakas sa tinig ng ina ni Debbie.

"Okey lang po inay kahit wala na akong handa basta makaluwas sana kayo. Minsan lang naman ito mangyari kaya---"

"Anak nauunawaan ka namin sa nararamdaman mo. Walang magulang na ayaw saksihan ang pag-akyat ng anak sa entablado kahit  pa sabihin nating  sa sekondarya lamang. Masaya kami para sa iyo anak dahil kahit hikaos ka sa lahat ng bagay ay hindi naging hadlang iyun para hindi mo ipagpatuloy ang pag-aaral mo. Alam naming masakit para sa iyo ang hindi kami makaluwas para samahan ka pero maunawaan mo din sana kami ng nanay mo dahil ikaw din ang iniisip namin. Pamasahe na lang namin papunta diyan at pauwi dito sa probinsiya ay mahigit dalawang libo na. Kapag ibigay namin sa iyo iyun ng cash mas marami pang patutunguhan. Ipagpaumanhin mo na lang sana anak dahil gusto naming makaipon para sa susunod na pasukan ay makapag-enroll ka parin kahit sa mababang paaralan." Aniya naman ng ama nito.

"Maligayang pagtatapos anak at hangad namin na mas malayo pa ang mararating mo. Tandaan mo anak mahal na mahal ka namin ng tatay mo. Huwag ka ng malungkot dahil ginagawa lang namin ito para din sa kinabukasan mo. Sige na anak baka maubos ang load ng kaibigan mo." Muli ay sabi ng nanay niya.

Gustuhin man niyang kakuwentuhan pa ng matagal  ang mga magulang pero tama naman ito nakakahiya sa may-ari ng cellphone  na ginamit niya at sa tinawagan niya kaya makalipas ang ilang sandali ay  nagpaalam na din sila sa isa't-isa.

Masasabi niyang mabait pa rin sa kanya ang langit kahit salat siya sa yamang material dahil nagkaroon siya ng mga kaibigang handang tulungan  siya. Ipinagamit ng magtiyuhin ang  cellphone  nila o ni Lewis para matawagan niya ang mga magulang. Sa kapitbahay din naman nila ang cellphone na tinawagan niya na may mabuting kalooban din, nais sana niyang  ipagtapat sa mga ito ang tungkol sa  pinag-usapan nila ng tiyahin niya at ang pagbigay sa kanya ng full scholarship ng THE ANGELS ORPHANAGE with any four years course pero gano'n  pa rin na nasayangan ang mga magulang sa perang gagamitin. Ang gusto kasi niya'y ipagtapat ito ng personal pero hindi niya nakumbinsi ang mga magulang na lumuwas para saksihan ang pagtatapos niya sa  sekondarya.

"Hey bakit ka malungkot? Nakapag-usap ba kayo ng maayos ng mga magulang mo?" May pag-aalalang tanong ni Lewis ng iniabot ni Debbie ang mobile niya na matamlay.

Sa pag-aakalang naubos na ang load ng cellphone ng tiyuhin  ay si Aries naman ang nag-abot sa tawagan.

"Here take my phone Debbie, call them again." Maagap na sabi nito.

"Salamat sa inyo Lewis Roy and Aries Dale, masaya ako na naging bahagi ng pagkakaibigan natin. Maraming salamat din sa palagian ninyong pagtulong sa akin even you used your power of being one of the grand children of the founder of ORPHANAGE para lang makapasok ako sa scholarship. Kung isa-isahin ko ang lahat baka aabutin tayo  ng isang taon kaya thank you na lang para sa lahat." Aniya ng dalagita as she smiled to both of them.

"That's  what are friends  are for Debbie. Nagkataon  lang na may kaya kami at tutulungan ka namin hanggat kaya mo at alam naman naming kapag ikaw ang kalagayan namin ay gano'n din ang gagawin  mo kaya cheer it up my friend." Tugon naman ni Lewis, he loves her more than a friend pero ayaw niyang isipin  ng mga taong nakapaligid sa kanila na he's taking advantage on it.

"Lewis is right Debbie. Don't worry our next  step is to have a visit on your province para makita mo naman ang mga magulang mo kahit iyan lang ang graduation gift namin sa iyo. Ayaw mo namang  tanggapin ang  regalo namin eh." Sabad naman ni Aries na akala mo'y  hindi nakikinig dahil busy ang mata sa pagmamasid sa mga chicks. XD!

ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon