" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEECHAPTER NINE - SENDING THEM TO JAIL
"Lewis do you want to come with me in Spain? Enrico and I will be travelling to Spain together with papa Garreth and his family. Do you want to come with us too?" Tanong ni Aries sa tiyuhin na naging tahimik simula ng namatay si Debbie.
"No Aries hindi ako sasama may gagawin ako." Sagot nito na seryoso ang mukha.
Alam naman nila ang rason ng pananahimik nito, at mas alam nila ang tinutukoy nitong gagawin.
"Ahm Lewis don't get me wrong I understand you too 'cause she's my friend too. But can you leave that matter to papa Chass?" Suhestiyon ni Aries.
Sa narinig ay napangiti ito pero ngiting walang kasing-pait ang binatilyong si Lewis.
"Puwedi rin naman Aries pero gusto kong ako mismo ang makatuklas sa katauhan ng may kagagawan sa pagbagsak ng chandelier. Masakit pa rin hanggang ngayon ang pagkawala ni Debbie kahit nabigyan ko siya ng maayos na libing pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko. Sorry Aries pero hindi ako makakasama for this time sa inyo ni Enrico. Some other time I will too." Sagot nito.
They all know him, he may just seventeen years old but he is a man of his word. Kapag sinabi, ginagawa. Wala pa silang natatandaan na sinabi na hindi tinupad kaya hindi na nakipagdiskusyun si Aries.
"Okey Lewis I understand you but please don't be like them. Always remember what Father says in his preach every Sunday. Don't do what do others unto you. " Tugon at pakiusap ni Aries.
"Don't worry Aries gagawin ko ang tama kasama si kuya Chass. Our family was surrounded by law makers kaya huwag kang mag-alala hindi ako lalabag sa batas kung iyun ang iniisip mo. Just enjoy your vacation with them." Sagot ni Lewis saka ngumiti iyun nga lang ay payak na ngiti.
Sa kabilang banda, labis-labis ang pagkabahala ng tatlo dahil sa nangyari. Hindi naman ang kaklase nilang babae ang purpose nilang bigyan ng leksyun kundi ang lalaking namahiya sa kanilang magkakaibigan. Pero hindi nila akalaing hahantong sa gano'ng sitwasyun ang lahat. Ang nais lang naman nila ay bigyan ng leksyun si Lewis Roy Calvin II.
Yes!
Miss Gavin, miss Galacio, and miss Galang were the one who made the planned of taking out some of the wirings of the chandelier. Ang chandelier na dapat ay para sa batang Calvin. They paid the man who did it. Hindi naman talaga para sa pulubi nilang kaklase ang plano kaya naman labis ang pagkabahala nila sa pagkamatay nito.
And in additional, huli na ng malaman nilang hindi basta-basta ang pinagmulang pamilya ng taong binangga. Hindi naman kasi mapangmataas at mas lalong hindi nagbubuhay mayaman si Lewis. Sa mga hindi nakakakilala dito ng lubusan ay talagang hindi malalaman ang tunay na estado sa buhay.
"Ano na ang gagawin natin ngayon? Ayaw kong makulong. Baka mapatay pa ako ni papa kapag malaman niya ito." Aniya ni Miss Galacio na banaag sa boses ang pagkabahala.
"Ewan ko friend, sobrang yaman pa ng taong iyun baka ipakulong tayo. Gusto ko pang mag-aral." Kalabisan man pero naiiyak na sambit ni miss Galang.
"Guys maari bang kumalma kayong dalawa? Sa ginagawa ni'yo eh mas ipinapagkanulo ninyo ang mga sarili ni'yo. Pinagplanuhan at isinakaturapan natin iyan kaya dapat lang na may next plan tayo lalo at pumalpak ang plan A natin. Don't talk about your fears guys dahil mga kagaya nating anak mayaman ay hindi matatalo ng gagong iyun. Yes maybe he is richer than us pero huwag ni'yong kalimutang iisa lang siya or should I say dalawa lang sila ng pinsan niyang iyun samantalang tatlo tayo so kapag pinagsama-sama ang mga pera natin maisasagawa din ang pagkatakip ng usaping iyan. And besides hindi naman nila mahahanap ang taong binayaran natin kung walang magsasalita sa ating tatlo ah. Ang mahalaga dito ay nakaganti tayo sa lintik na iyun. Buti nga sa kanya!" From being a normal pitch, naging maigting ang boses ng dalagitang si miss Gavin.
![](https://img.wattpad.com/cover/168861299-288-k396461.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
Ficción GeneralGENERAL FICTION: ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW, AT ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI. AT HIGIT SA LAHAT HINDI LAHAT MG UMAATRAS AY TALO. MINSAN KAILANGANG GAWIN DAHIL IYUN ANG NARARAPAT.