KABANATA 33

294 15 4
                                    

Nakaupo sa sofa at nagbabasa si Mortice, habang naghihintay sa pagbaba ni Aster

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakaupo sa sofa at nagbabasa si Mortice, habang naghihintay sa pagbaba ni Aster. Ang sabi kasi nito ay may lakad daw ito ngayong umaga, kaya enteresado siyang malaman kung saan ba ang punta nito.

Tahimik ang paligid, pero naputol ang konsentrasyon ni Mortice nang marinig ang mabibigat na yabag pababa sa hagdan. Napatingala siya, at halos mahulog sa upuan nang makita kung sino ang paparating.

Si Aster, ang matikas at kilabot na mafia boss, pababa ng hagdan suot ang isang school uniform. Puting polo, itim na pantalon, at maroon na kurbata ang suot nito. Isang tipikal na college boy ang itsura nito ngayon, pero ang ekspresyon nito'y nanatiling matalim at seryoso, parang hindi alintana ang kakatuwang itsura.

Gustong matawa ni Mortice habang pinagmamasdan ito, pero agad na pinigil ang kaniyang sarili. Alam niya kasing isang maling hakbang lang ay pwede siyang mabugbog. Lalo pa't nababasa niya sa mukha ni Aster ang nakakatakot na pagbabanta. Animo'y nakaukit sa noo nito ang isang malaking karatula na may nakasulat na 'Subukan mong tumawa, gag* ka papatayin kita!'.

Mukhang plano nitong palitan ang posisyon ng taong hawak nila ngayon. Marahil gusto rin nitong makaharap si Lukas.

Sayang at may babantayan siya sa wine cellar at hindi siya makakapanood ng palabas mamaya sa paaralan. Tsk!

---×××---

Pagbukas ko ng pinto ng dining area ay agad kong nakita si Aster na nakaupo sa hapag-kainan. Suot nito ang malinis na uniporme ng paaralan, nakayuko habang nagbabasa ng isang piraso ng papel.

Dahil private school ang Hudson University, sadyang may uniporme ang mga estudyanteng nag-aaral doon. Para sa mga lalaki, naka-puting long-sleeved polo sila na may maroon tie, itim na slacks, at itim na sapatos. Samantalang para sa mga babae, naka-puting long-sleeved blouse na may maroon na ribbon, itim na palda na hanggang tuhod, at itim na sapatos.

Bagamat simple ang uniporme, nag-iiwan ito ng impresyon ng pagiging disente at elegante.

Sa tuwing Sabado naman ay uniform free day, kaya lumalabas ang pagiging fashionista ng bawat estudyante.

Tumigil ako sa may pintuan dahil na rin sa bigla na lang bumilis ang pintig ng puso ko. Bigla ko kasing naalala iyong nangyari kahapon sa garden. 

Ramdam ko tuloy ang pagka-awkward kay Aster ngayon.

Nang mapansin ni Aster ang pagdating ko ay itinaas nito ang tingin at nagtagpo ang aming mga mata. Pareho pa kaming nagulat at mabilis na nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.

“Uh, good morning,” mahinang bati ko kay Aster habang naglalakad papalapit dito.

“Good morning,” sagot ni Aster, kaswal ang tono nito ngunit halatang nagpipigil ng emosyon. Tumikhim ito at itinuro ang upuan sa tapat niya. “Let's eat.”

Nang nakaupo na ako ay pilit ko iniiwas ang tingin ko kay Aster. Ang paligid ay punong-puno ng katahimikan, ngunit ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa amin. Pareho kaming hindi makapagsalita, na tila ba pareho kaming natatakot na pag-usapan ang nangyari kahapon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOURGLASS 3: The Main Lead Is A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon