Chapter 1: The Beginning

36 4 0
                                    

Welcome to ArchHeavenly Academy.


"Allison bumangon ka na! Handa na ang agahan!" Ani ni mama

Agad akong bumangon matapos na marinig ang tawag ni mama. Bago bumaba ay naligo muna ako, nagbihis at nagayos ng sarili. Tinitigan ko ang aking muka sa salamin sa aking kwarto. Tama nga sila, ngayon ko lang din napansin, tunay palang mukang maamo ang aking muka.

Ako ay medyo katangkaran, maputi at may kahanggang balikat ang aking itim na buhok.

"Allison! Bumaba ka na! Baka malate ka pa! First day nyo pa naman!" paguulit ni mama.

First day of class namin ngayon. Third year highschool transferee ako dahil kakalipat lang namin ng bahay para narin sa business ni papa.

Bumaba na ako para makisalo kela mama at papa para kumain. Si papa ay isang businessman. Siya ang namamahala ng business naming pinamana ni lolo. Si mama naman ay dating undercover at dati syang isa sa bodyguard ni lolo noong dalaga pa sya, nag quit sya sa trabaho nung pinanganak ako siguro para na rin mabigay ang buong atensyon saakin.

"Allison na handa mo na ba ang maleta mo?" tanong ni papa sakin

"Opo papa, kagabi ko pa po inayos gamit ko"

Madodorm kasi ako doon sa school na nilipatan ko. Ang galing nga eh kasi sa loob ng school doon din mismo yung dormitory. Required sa school ang pagdodorm. Tsaka panatag sila papa kasi kakilala naman nya ang may ari ng school. Sabi nya mabait naman daw yung may ari at malapit daw yun kay lolo dati nya atang kanang kamay.

Pagkatapos namin kumain ay agad na tumayo si papa para lumabas. Nagpaalam ako kay mama.

"Allison, magiingat ka ha. Wag mong kalimutan kumain. Eto nga pala oh..mahirap na mapano ka pa. Allison...malaki kana alam mo na ang tama sa mali." May inabot sya saakin at ngumiti

Tinignan ko ang inabot nya, isang stun gun. Ngumiti ako pabalik at niyakap sya.

"Opo mama. Alis na po kami." Humalik ako sa kanya at umalis

Naeexcite ako ngunit may halong kaba habang iniisip kung ano ang naghihintay sakin sa bago kong paaralan. Medyo liblib tong school halos parang gubat na nga ang daan patungo dito.

Ilang saglit pa ay huminto na si papa sa may gate ng school. Bawal kasi maghatid sa loob.

"Allison nababa ko na ang mga gamit mo. Hanggang dito na lang ako anak. Bawal na din kasi maghatid sa loob. Maaral kang mabuti ha?" Sabay yakap sakin ni papa

"Opo papa. Salamat po."

Pinagmasdan ko ang labas ng school. Malaki ang gate at mukang exclusive talaga ang paaralan na ito.

"ArchHeavenly Academy" napangiti ako matapos magmasid at tuluyan nang pumasok.

Habang naglalakad ako para hanapin ang dorm may kaba akong naramdaman dahil parang bawat kilos ko ay may nagmamasid sakin. Agad kong binilisan ang pag lalakad dahilparang merong kakaiba dito sa lugar na to.

"Anong hinahanap mo?"

Sa sobrang gulat ko ng may humawak sa braso ko ay nabitawan ko ang aking mga gamit.Nanginginig kong pinulot ang mga ito.

"H..hinahanap ko po ang dormitoryo"

"Ahh ikaw ba ang transferee na anak ni Mr.Evangelista?" Ani ng babae

"O..opo ako nga po. Paano nyo po nalaman na ako ang anak ni Mr. Evangelista?" hindi ko malaman bakit ba ganto ako magsalita. Mukang wala naman dapat akong ikabahala dahil parang mabait naman itong babae. Kung titignan mo sya, siguro nasa 30 to 40s na ang kanyang edad. Medyo may katangkaran at mukhang sopistikada

Hindi nya sinagot ang aking tanong at ngumiti lamang habang sinusuri ang aking mukha hanggang sa king kasuotan.

"Sumunod ka saakin. Ako ang namamahala ng dormitoryo dito. Pero dadalhin muna kita sa principal office para makausap si Mr. Villavasco, ang may ari ng school na ito. Maswerte ka at nandito ssya paminsan minsan kasi nasa Manila sya para sa negosyo nya." Patuloy na pagsasalita ng katiwala ng dormitoryo

"Nga pala iha ako si Grace Salazar, tawagin mo na lang akong Ms. Grace"

Tumango ako at sumabay sa kanya maglakad patungo sa principal office.


Devils in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon