Chapter 18: Storage Room

12 1 0
                                    


Mabilis akong bumaba ng hagdan para makalabas.



Sa lobby ng dorm ay may box na kulay pula at ito ay may maliit na pakpak na kulay itim. Meron itong sign na nakalagay "Pick one. Each paper will decide for your fate."



Inilagay ko ang aking kamay sa butas na nasa kahon at kumuha ng isang papel sa loob nito.





"Go to the school's storage room. Goodluck."


Ano nanaman tong pinaplano nila?! Akala ba nila laruan kami!! Malaman ko lang kung sino ang nasa likod nitong larong ito ay sisiguraduhin kong mananagot ang may pakana nito!




Ilang sandali pang dumaan ay sumabog ang aming dormitoryo. Mabuti na lamang ay nakalabas na ako dito.




Nanghina ako nang maisip na napakawalang kwenta ko. Ni Hindi ko man lang nagawang tumulong para sa ibang nakulong sa mga kwarto ng dormitoryo. Habang papalabas ako kanina ay rinig ko ang kanilang sigaw at pag hingi ng tulong.



Kumuha ako bulaklak sa tabi, yumuko at nag dasal.

Muli ay nabawasan nanaman kami.



Unknown POV


"Parang ayaw ko na ituloy to kuya." Sabi ko sa kanya.


"Makinig ka sakin akin. Malapit na natin makuha ang matagal na nating pinapangarap, ang maging rank 1 sa larangan ng business dito sa bansa! Ngayon ka pa ba susuko?" Pangungumbinsi nya sakin.



"Marami nang nadamay at namatay. Wag kang mag malinis. Isa karing demonyong nagbabalat kayo katulad ko." Dagdag pa nya habang niyuyugyog ako.



"P..pero di to magugustuhan ni ama!" Pangangatwiran ko sa kanya.


"Nababaliw kana ba! Nakalimutan mo na ba ginawa nila kay Ama?! SILA ANG MAY KASALANAN BAKIT SYA NAMATAY!!" pagdidiin nya sa akin.



Tama naman si kuya grabe ang dinanas namin matapos na mamatay ang aming ama. Ginawa lahat ni kuya para lamang mapunta sya sa kinatatayuan nya ngayon. Sya na lang ang meron ako di pwedeng pati sya mawala.



"Sumunod ka lang sa plano natin. Don't disappoint me." Hinalikan nya ang aking noo at umalis.





"I hope I'm choosing the right way."





Allison's  POV


Patuloy akong naglakad papunta sa storage room, na tambakan ng mga sirang silya at lamesa.


Ramdam ko ang malakas na pintig ng aking puso sa bawat hakbang na ginagawa ko.

Nakakalungkot mang masid dahil nagkalat ang mga labi ng mga tao sa paligid na kanina lamang ay puno ng masayang mga estudyante.

Umaasa padin akong maayos ang lahat ng ito, di man kasing ayos ng dati pero I still have that hope na makakalabas kami dito ng sama sama.


"Tao pa ba ang tawag sa may gawa neto?" Napakasama nilang lahat. Sino sila para hatulan kami ng ganito?!




Natigil ako sa pag pasok ng storage room dahil sa panginginig ng aking paa. Natatakot ako sa mga naiisip kong maaring mangyari oncena pumasok ako.


Bumuntong hininga ako at naglakas loob na buksan ang storage room.



Nagulat naman ako sa nakita ko dahil sa kabila ng nagkalat na sirang upuan ay may babaeng nakatayo sa gitna di kalayuan sa aking kinatatayuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devils in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon