Classroom
Bago pumasok sa classroom ay kinausap muna ako ng aming guro.
"Ako si Caroline Fernandez. Tawagin mo na lang akong Mrs. Fernandez."
"Yes Mrs. Fernandez"
Pumasok sya sa classroom kasama ako.
"Class today we have a transferee. Go to the front and tell us about yourself" wika nya habang nakatingin sa akin
Ang kaninang maingay na classroom ay nabalot ng katahimikan matapos magsalita ni Mrs. Fernandez. Iginala ko ang aking mata upang suriin ang aking mga kamagaral. May mga mukang natuwa na nakita ako at handang makipagusap, may mga walang pakielam at patuloy sa pakikipag usap sa katabi at merong grupo ng babae na nanlilisik ang matang nakatingin saakin. Lahat yun ay binaliwala ko at nagpakilala.
"Allison Jean Evangelista. 16 years old." Wika ko at sabay tipid na ngumiti.
"Good. Doon ka umupo sa tabi ni Mr. Blanc"
"What!?" Dinig kong apila ng babaeng kasama sa grupong kanina pa masama ang tingin sa akin.
Hindi ko na lang binigyang pansin ang sinabi nya at umupo nako sa tabi ni Lumine. Nginitian ko sya ngunit di nya ako binigyang pansin kaya nakinig na lamang ako sa lesson.
"Psst..Allison" tawag sakin ng aking katabing babae. Nilingon ko sya at nag taas ng kilay dahil sa pagtataka.
"Hmmm?
"Hi. Ako nga pala si Tamara. Can I be your friend?" sabay simpleng lahad ng kanyang kamay. Mukha syang masayahin. Sya ay may buhok namaiikli na naging dahilan kung bakit mas lumiit lalo ang kanyang muka. Maputi na parang porselana ang kanyang balat. Ang cute nya!
Napangiti ako. Mukhang di ako mahihirapan makahanap ng kaibigan. Tinanggap ko ito at nakipagkamay
"Allison Jean. You can call me A"
Natapos ang klase at lahat sila'y nagsilabasan na.
"Allison tara na. Alam kong magkatabi dorm natin!" Masigla nyang paanyaya
Tumango na lamang ako at sumama sa kanya.
Bawat estudyante dito ay may nakaassign na kwarto. Pagkarating sa dorm ay inayos ko na kaagad ang aking kwarto. Namahinga ako at pumunta sa veranda, madilim na ngunit di natatago ang ang ganda ng mga bituin.
Habang abala ako sa pagtingin, napansin kong may parang hugis tao sa ibaba di ko maaninag ang muka nito pero sigurado akong nakatingin ito kung saan ako naroroon. Agad akong namutla at kinabahan dalidali akong pumasok sa aking kkwarto nilock ang mga pinto at binta tsaka naupo sa aking kama.
"Di kaya sya din ang nanunuod sakin nuong umaga" tanong ko sa aking sarili. Pinilit kong matulog at mabuti nama'y nakatulog ako dahil na rin sa pagod.
Kinabukasan ay pumasok ako ng klase.
BINABASA MO ANG
Devils in Disguise
Детектив / ТриллерI thought I will finally experience a normal highschool life. Yun lamang ang gusto ko ngunit lahat pala ay magiging dahilan ng unti unting pagkawala namin sa aming sarili. All of this will drive us to our insanity. Tama bang magtiwala? Anong magag...