Mr.Villavasco
Habang naglalakad, nakita ko ang mga estudyanteng nagkalat sa may field. May mga nag lalaro ng football, meron namang naguusap usap habang nasa bench. Lahat ng madaanan ko ay masuri akong tinignan mula ulo hanggang paa. Ang iba pa ay nagbubulungan.
"Sya siguro yung bago" ani ng babae sa kausap nyang may hinahanap sa locker
"Ang ganda naman nya" wika ng lalaki sa kanyang mga kaibigan
"Mukhang manika" rinig ko pang sabi nila
"Ang yabang naman neto kala mo kung sino" ani nung babae na maganda kasama ang kanyang mga kaibigan natila bang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
Ilan lamang yan sa mga na rinig kong usap usapan nila sa akin. Binaliwala ko sila at naglakad ng taas noo. Though I have an innocent face, malayo ang ugali ko sa aking mukha.
"Allison dito na ang office ni Mr. Villavasco"
Napanganga ako at tumango na lamang. Hindi ko sinabi ang pangalan ko sa kanya, pano nya nalaman.
Naglakad nako papasok at binaliwala na lamang ang aking pagtataka.
Binuksan ko ang pinto at nakita ang isang lalaking nakaupo sa swivel chair habang pinaglalaruan ang hawak nyang ballpen. Palihim kong sinuri ang kanyang itchura. Ang buong akala ko matandang lalaki si Mr. Villavasco ngunit ang lalaking ito ay mukang nasa late 20s lamang. Siya ay nakasuot ng longsleeve na itim na nakatupi hanggang sa siko. Maamo ang kanyang muka, matangos ang ilong at manipis ang kanyang labi. Kung titignan mong mabuti mukas syang anghel.
"Magandang umaga Miss Evangelista" wika nya sabay hagod ng kanyang kamay sa kanyang buhok at ngumiti sa akin.
Doon lang ako natauhan at na mulat na nakatulala pala sa kanya na parang wala sa sarili. Agad kong inayos ang aking tindig at sumagot.
"Opo ako nga po" sagot ko habang di makatingin ng diretsyo sa kanya.
"Have a seat" wika nya habang tinuro ang upuan sa harap ng kanyang lamesa. Pansin ko ang pagsuri nya sa akin na mas lalo kong ikinahiya. Hindi naman ako mahiyain pero bat nagkakaganto ako.
Umupo ako at nakinig habang sinasabi nya sa akin ang rules dito sa school. Pinaliwanag nya din bakit kaonti lamang ang mga estudyante dito, doon ko na laman na bukod sa eksklusibo ang paaralan na ito ay halos lahat ng estudyante ay anak ng mga kakilala nya sa negosyo. Lahat dito ay di mapagkakailang mayaman dahil silang lahat ay napapabilang sa kilalang kompanya sa bansa. Nabangit niyang bagong tayo lamang itong ArchHeavenly Academy.
Si Mr. Villavasco ay isa sa pinagkakatiwalaang kaibigan ni papa. Ang turingan nga nila ay parang mag kapatid na dahil sa kahit anong negosyo ay magkatambal sila.
Inabot nya saakin ang uniporme at schedule para sa klaseng papasukan ko. Pinakuha nya din ang mga gamit ko at pinahatid ito sa aking dormitoryo.
Pinanuod ko ang ginagawa nya dahil di pa naman nya ako sinasabihang umalis. Diko mapigilan mapatingin dahil kahit sino ay siguradong matutulala sa kanya. May kinausap sya sa telepono para samahan ako sa aking classroom.
"Ang gwapo" wala sa sarili kong nasabi, na kadahilanan kung bakit sya napatingin. He smile at me! Kaya agad naman akong napaiwas sa pagkakatingin.
"Sir. Pinapatawag nyo daw po ako?" Matikas na wika ng lalaki na parang kaedad ko lamang. Sya ay matangkad, medyo malaki ang katawan kompara sa mga kaedadan namin, kayumangi, matangos ang ilong at kapansinpansin ang kanyang mata dahil ito ay kulay abo ngunit muka syang masungit dahil napakaseryoso ng kanyang mukha.
"Oo pinatawag kita. Mr. Blanc, paki hatid naman si Ms. Evangelista sa classroom nyo. I believe both of you are classmates"
Tumango lamang ang lalaki na sandaling sinulyapan ako at agad ding syang nag iwas ng tingin. Lumabas sya ng di man lang ako sinabihan kaya sumunod na lamang ako. Nagpaalam ako kay Mr. Villavasco at umalis.
"Hi!" Masigla kong bati sa kanya habang kami ay naglalakad.
"Anong pangalan mo? Bago lang ako kayaa.. baka pwede kita maging kaibigan?" I said awkwardly
Tinapunan nya lamang ako ng tingin at agad itong binawi.
Napanganga ako at panandalian na tigil sa aking paglalakad dahil sa kanyang ginawa.
"Lumine" tipid nyang sagot sabay hinto na parang iniintay nya kong maabutan sya.
Napangiti ako at napailing, muling naglakad pasunod sa kanya. Lumine, galing ah parang nagliliwanag lang. Mukang di naman pala sya ganun ka sungit.
BINABASA MO ANG
Devils in Disguise
Misterio / SuspensoI thought I will finally experience a normal highschool life. Yun lamang ang gusto ko ngunit lahat pala ay magiging dahilan ng unti unting pagkawala namin sa aming sarili. All of this will drive us to our insanity. Tama bang magtiwala? Anong magag...