"A..aray" sambit ko.
Ansakit ng ulo ko, pinilit kong ikalma ang aking sarili at hinintay na unti unting luminaw ang aking paningin.
Iginala ko ang aking mata dahil hindi ko pa masyado magalaw katawan ko.
Nakaupo ako ngayon magisa sa loob ng isang silid. Ang upuang kinauupuan ko ay nasa gitna ng kwartong ito.Pamilyar tong lugar nato sakin. Parehas na upuan, kama, at wallpaper. Unti unti kong narealize na kwarto ko ito. Ngunit wala dito ang iba kong kagamitan.
Nanindig ang aking balahibo at binalot ako ng matinding takot dahil kanina lamang nasa auditorium kami ngunit sa isang iglap lang hindi ko na agad kasama ang mga kaibigan ko.
Nang maramdaman ko ang unti unting pagbalik ng aking lakas ay agad akong tumakbo patungo sa pintuan.
Laking gulat ko dahil iba ang pintuang ito di tulad ng pinto ko sa dorm. Wala itong door knob at ito ay gawa sa bakal, ni wala nga itong kahit na anong butas. Pero may screen na maliit at pindutan na may mga numbers na nakalagay sa gitna.
Hinampas hampas ko ito gamit ang aking kamay at nagsisigaw.
"MICHAEL?!! TAMARA?!! RAFAELA?!!!" Ngunit walang sumasagot sakin.
Ilang saglit pa ay may static na tunog akong narinig. Sinundan ko ito kung saan ito galing at dinala ako ng aking mga paa sa laptop na nakapatong sa may lamesa.
Bigla itong bumukas na para bang may video na lumabas. Kita ko dito sa laptop na may lalaking nakaupo sa isang mamahaling upuan. Sya ay nakadekwatro at nakamaskara katulad ng maskarang suot ng babae kanina. Ang kinaiba lang ay ang kulay nito. Kalahati ay puti kalahati naman ay pula. Sa noo nito ay may nakasulat na good sa pulang parte at bad naman sa itim na parte.
"Good Afternoon!" Masigla nyang bati. Nakakapagtaka bakit boses ng babae ang boses nya. Pero halata naman na lalaki to ah.
"Alam kong madaming katanungan ang nabubuo ngayon sa inyong isipan" matawa tawa nyang sinabi
"Let me explain this to you. You are trapped. Yes! Tama ka ng narinig. Trapped kayo ngayon sa isang kwarto at hindi kayo makakalabas dito." Para syang baliw na tumatawa ngayon.
"Unless malaman nyo ang password sa pintuan bago sumabog ang kwartong kinalalagyan nyo! Tsaka ko na papaliwanag kung bakit to nangyayari pag nakalabas kayong buhay.KUNG! Makakalabas kayo."
Para syang demonyong tumatawa habang pinaglalaruan kami. Habang tumatagal mas nagiging distorted pa ang boses ng lalaki kaya naman mas lalo pakong natakot.
"Ang mga clues ay ikilanat namin sa inyong kwarto. So,..... that's all. Feel free to use anything. I will give you 7 mins...no.....5 mins. For you to finish this."
Napakawalang puso nila!
"Let the game begin."
BINABASA MO ANG
Devils in Disguise
Mystery / ThrillerI thought I will finally experience a normal highschool life. Yun lamang ang gusto ko ngunit lahat pala ay magiging dahilan ng unti unting pagkawala namin sa aming sarili. All of this will drive us to our insanity. Tama bang magtiwala? Anong magag...