"Let the game begin."
Namatay bigla ang laptop matapos magplay ng video.
Tahimik man ay binging bingi ako.
Bumilis ang aking paghinga kasabay ng nagwawala kong puso na tila ba'y may kung anong humahabol sa akin sa sobrang bilis nito.
Wala mang tao dito bukod sa akin ay marami akong naririnig na parang bumubulong sa akin na para bang nasisiraan nako ng bait.
"SHIT!!!" sigaw ko.
Galit na galit ako sa nangyayari ngayon sa amin.
Sino sila para paglaruan ang buhay namin?! Ano bang ginawa namin sa kanila?!
Tumakbo ako paikot ng kwarto nag baka sa kaling may makitang clues sa paligid, tumingin ako sa loob ng cabinet at kumapa kapa ngunit walang kahit ano rito.
Sinubukan ko sa mga aparador, sa ilalim ng kama at sa study table ngunit wala parin.
Nanginginig ang aking katawan, mas lalo pako kinabahan dahil sa timer ng bomba na aking naririnig.
Sinadya nilang pinaparinig ang timer ng bomba sa amin para na rin siguro magulo kami.
"Ano ba dapat kong gawin? Saan ka nakatago?" Paghikbi ko.
Nagdasal ako dahil walang wala na akong pag asa. Alam kong sa panahon ng problema sya lang makakatulong sa akin.
"Kung di man ako makalabas sa paaralang ito. Sana po ang mga kaibigan ko na lang ang makalabas."
2 mins left.
Naupo na lamang ako sa sahig at sumandal. Patuloy na tumingin sa paligid.
Ganun pa din naman walang nagbago. Pano ko mahahanap yun? Tumingin ako sa pader dahil iba na ang wallpapers nito. Ginawa nilang punit punit ito ay may bahid pa ng mga dugo.
Naagaw ng orasan ang aking atensyon dahil di ito gumagalaw. Nakatutok ang mga kamay nito sa sa 6.
"6?" May ibig sabihin ba ito?
Kahit anong isip ko wala parin talaga.Tsaka ko lang napansin ang kalendaryo sa ilalim ng orasan.
Lumapit ako at tinignan ito.Nilipat ko ang mga pahina nito at muling sinuri.
"I Love him once and we all live in heaven but due to my sins and wanting more power to be greater than him and to become the god I always want to be.I Fall. What am I then?"
Binasa ko ang nakasulat sa huling pahina ng kalendaryo.
"What am I then?? Hmm ano sya??"
May pumasok na kasagutan sa aking isipan kaya naman ay pumunta ako sa pintuan at pinindot ang mga numerong na isip ko."325536 26435"
ilang sandali kong tinitigan ang pintuan at tsaka ito bumukas.
Napangiti ako at tumakbo palabas para makatakas. Tama ang na isip kong sagot."Fallen angel"
BINABASA MO ANG
Devils in Disguise
Mystery / ThrillerI thought I will finally experience a normal highschool life. Yun lamang ang gusto ko ngunit lahat pala ay magiging dahilan ng unti unting pagkawala namin sa aming sarili. All of this will drive us to our insanity. Tama bang magtiwala? Anong magag...