Chapter 4: Confrontation

20 2 0
                                    


"What!? Ganun ba kalaki ang problema nya sakin at nagawa nya yun!?" Tumaas ang boses ko. Naninikip ang dibdib ko sa galit na nadarama ko. Hindi ko maintindihan. Para lamang sa lalaki magagawa nya yun? Ni hindi naman kami close ni Lumine.

"You can call me Michael" malamig nyang sabi.

"Huh?" Anong pinagsasasabi nito? Nang gagalaiti na nga ako dito tapos ano daw?

"Lumine Michael Blanc" then he smirk


Tumango tango ako habang nag sisink in saakin na pangalan pala nya ang sinabi nya at gusto niyang yatang tawagin ko syang Michael.


"Well let's not conclude yet. Hindi ko naman nakita na si Soph talaga ang gumawa nun. Nakita ko lamang syang sumilip galing sa itaas." Paglilinaw nya


Tama sya hindi dapat ako magpadalos dalos. Kailangan ko malaman sino at ano ang dahilan ng gumawa neto.


Matapos mag pahinga ay lumabas na rin ako ng clinic. Dahil may klase pa ay nauna na si Lumine umalis.I mean Michael pala. He wants me to call him Michael. Paglabas ay nakita ko si Tamara sa labas, tulala para bang may iniisip at nakatingin sa malayo.

"Tamara" pagtawag ko sa kanya


Agad naman nabaling ang atensyon nya sa akin at sabay ngumiti. Halata sa mukha nya ang pag aalala at kasiyahan ng makita ako.

"A!" Masigla nyang bati at niyakap ako "akala ko napano kana"


Nakakatuwa tong si Tamara. Gusto sya ng lahat dahil mabait at matulungin sya. Ang swerte ko sa kaibigan kong ito.


Kinabukasan ay humiwalay muna ako kay Tamara para na rin makausap si Sophia at alamin ang nangyari. Sinundan ko ang grupo nilang papunta sa canteen.

"Sophia"pagtawag ko sa kanya na agad naman napalingon ito at tinaasan ako ang kilay.

"Oh look what we have here girls" maarteng wika nya at tumingin sa mga kasama nya. Kung pagmamasdan mo sila para silang mean girls. Natatawa lang isipin na si Sophia na queen bee dito sa school kasama ang kanyang backups ay naiingit sa akin? Oh well can't help this kind of people.

Inirapan nya lamang ako at agad nang tumalikod.

"Sophia can we talk?"

Tumingin sya muli at nagtaray but this time may halong pagtataka.

"What do you want?" Sagot nya na para bang nandidiri sakin

"I want you and me to talk" sabi ko ng madiin

"I got no time for you bitch" inirapan nya ako at tumalikod. Sa sobrang desperada ko ay di sadya ko syang nahatak ng malakas.

"Ouch! What the fuck is wrong with you!?" Iritang wika ni sophia sabay tulak sa akin

"Aray" sabay himas ko sa akin pwetan dahil sa lakas ng tulak nya napaupo ako.


Maya maya pa ay biglang na lamang nag bago ang timpla ng ugali ni Sophia at kinausap ako but this time mas maayos ang pakikipagusap nya. Nagtaka ako bakit ganun, sinundan ko ng tingin ang kanina nya pa tinitignan. Ngunit wala naman akong nakita doon. Nakapagtataka bakit parang takot sya.

"W..What are we going to talk about?" tanong nya habang di makatingin.

"Sama ka sakin dun tayo sa may building magusap" tumango na lamang sya at sumunod.


Nandito kami ngayon sa third floor sa may student lounge. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at tinanong siya.

"Ikaw ba ang gumawa nun?"

"What? Nang alin?" Nagtataka nyang tanong. Kung di ko lang alam ugali nito baka naniwala akong di nya alam, ang galing nyang magmaang maangan eh.

"Nung sa paso Sophia, ikaw ba?"


Halata ang biglang pamumula ni Sophia. Ang muka nyang ay may halong inis at galit. Masama ang mga tingin nya sa akin, na kinabahala ko ngunit mas pinili kong di ito ipahalata.

"Are you fucking accussing me!?" Galit na galit na sigaw niya sa akin. Aakma na sya nasasampalin ako na dahilan kung bakit ako nahulog sa aking kinauupuan nang biglang may humawak sa braso nya. Napatingin ako kung sino ito. Isang babaeng mahaba ang buhok, matangkad, at medyo chinita. Muka syang model sa isang magazine.

"Get your filthy hands off me!" Sigaw ni Sophia. Madahas nyang hinawi ang kanyang kamay at padabog na umalis.

Ganto bako kahina at lagi akong sinasagip ng iba?. Hindi. Alam kong hindi ako ganto. Nararamdaman ko. Nangangat ako ng tingin dahil may naglahad ng kamay sa akin.

"Get up" wika nya. Hinawi nya ang kanyang buhok at ngumiti.

"Rafaela" tipid nyang wika sabay taas baba ng kanyang kilay.

"Allison Jean. Thank you for helping me." Ngumiti ako pabalik. Itinayo nya ako at sinamahan maglakad lakad tutal cut off ang klase dahil sa meeting ng mga teachers namin.

"Anong ginawa mo bat galit na galit si Soph sayo?" Nagtatakang tanong nya saakin.

"Nagtanongg lang ako. Actually kasalanan ko din. Namisunderstood nya ang tanong ko."


Tumangotango na lamang sya habang inuubos ang aming ice cream na hawak. Ganun parin rito sa school ang ganda ng tanawin maraming nag lalaro sa field at marami din grupong nagpapraktis ng sayaw.

"Rafaela!" Sigaw ng lalaking palapit samin. Natulala ako dahil kamukhang kamuka ni Rafaela itong lalaking naka pang football na palapit sa amin.

"Raf" wika ni Rafaela. Napatingin ang lalaki sa akin at sabay kumindat.

"Allison ito nga pala si Rafael, kakambal ko" ohh that's make sense kaya sila magkamukhang magkamuka.

"Allison? Ikaw yung anak ni Tito Miguel?" Napatingin ako sa kanya ng may halong pagtataka

"Kilala mo si dad?" Gulat kong sagot sa kanya.

"Yup! Our parents are business partners!" Wika ni Rafael. Tumango tango ako. Oo nga pala karamihan ng nag aaral dito ay kakilala nola daddy sa business.


Umupo sya sa aming tabi at nag kwento. Though magkamuka sila mapapansin mo ang pagkakaiba ng kanilang ugali. Si Rafaela ay Mahinhin, halata ang pagiging sopistikada nya at kadalasan sya ay walang emosyon pinapakita, mahirap syang basahin. Eto naman si Rafael ay masayahin, makulit at madaldal.

"Allison pinapatawag ka sa principal office" nagulat ako sa humawak sakin at sabay kaming napatinging tatlo.

"Michael"

Devils in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon