"Michael"
Wika ko na parang wala sa sarili dahil na rin sa gulat. Nagiging magugulatin na yata ako dahil sa nangyayari.
"Follow me" ani nya habang ngumiti. Nakakagulat dahil ngumiti sya! He smiled devilishly. Sa di malaman na dahilan nahiya ako at di makatingin sa kanya. Bagay na bagay ang mababang boses nya sa kanyang itchura at katawan. Gwapo si Michael, nakakaagaw pansin ang presensya nya kaya kahit sino ay nahuhumaling sa kanya. What the.. Allison Stop!
Agad akong tumayo at nagpaalam sa dalawa.
"Mauuna nako Rafael at Rafaela" nginitian ko sila
"Sige allison" sagot ni Rafaela sabay ngiti pabalik sa akin.
"Bye babe" sabay kindat ni Rafael na kinatawa ko naman. Agad naman akong hinatak ng pagkalakas ni Michael. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa aking braso at naglakad ng mabilis. Halos tumakbo nako sa laki ng kanyang hakbang.
Ano bang problema neto? Kanina ngumingiti ngayon naman mukhang galit.
Pagkadating sa principal office ay iniwan ako kaagad ni Michael. Hindi nya man lang ako tinignan at umalis kaagad sya. What's wrong with this guy?
Pumasok ako ng marahan.
"Allison" ani ng lalaking di mapakali at naglalakad lakad pabalikbalik sa loob ng kanyang office
"Good afternoon sir" bati ko sa kanya
Onti onti syang lumapit sa akin na ikina atras ko. Bawat hakbang nya ay ikinakaba ko sa di malamang dahilan.
"Nabalitaan ko ang nangyari. Pinaaksyonan ko na iyon" ani nya habang nakatingin sa aking mga mata na parang nagaalala at sinusuri ang aking mukha. I'm not full of myself pero bat parang nagaalala sya?
"S..salamat po Sir" yumuko ako para maiwasan ang pagtingin nya
"Allison" malambing nyang wika.
Bigla nya akong hinatak palapit sa kanya. Niyakap nya ako. Ang isang kamay nya ay nasa aking ulo ang isa naman sa aking beywang.
Naistatwa ako. Ikinagulat ko ang ginawa nyang biglang pagyakap. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang kasuotan. Nakasuot sya ng puting long sleeves na saktong sakto sa kanyang kkatawan. Makikita mo ang kanyang muscles dahil sa pagkafitted ng suot nyang damit.
"Sir?" Takang taka kong tanong sa kanya
"Can we stay like this?" Malungkot nyang wika.
Bumitiw sya at inayos ang kanyang tindig. Ngumiti syang matipid habang nakatingin sa akin. Nakakabighani si Mr. Villavasco pero hindi bat mali ito?
"Iniisip mo bang mali ang mga nangyayari?" Alalang tanong nya habang tinititigan ako
Nakakabasa ba sya ng isip. Nagtataka ko syang tinignan.
"H..hindi po sa ganun. Siguro po nagaalaka kayo sakin dahil malapit ka po sa pamilya ko." Ramdam ko ang init ng aking mukha. Nahihiya ako at di makatingin.
"Allison, Magingat ka palagi. Pinatawag kita kasi nagalala ako. You may go now." Nginitian nya ako at sinamahan makalabas.
Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay di ako makapaglakad. Nanatili lamang akong nakatayo at tulala habang pinoproseso ang mga pangyayari.
"Anong sinabi nya?" Malamig na wika ng lalaking nagsalita
Nilingon ko ito at nakita si Michael na nakasandal sa pader at parang inip na inip dahil naka cross arm pa ito.
"Hinintay mo ako?" Takang taka kong tanong.
Malamig nya akong tinitigan na para bang galit ngunit hindi ito sumagot. Sa halip ay naglakad na lamang ito palayo.
Problema nun? nanatili akong nakatayo dahil di ko alam bat ba lagi na lang may kakaibang pangyayari.
Sa di kalayuan nakatanaw ako ng isang babaeng nakatingin sa akin at tinabang nagmamasid. Muka syang nasaktan dahil ang kalungkutan ay bakas sa kanyang muka.
Matapos nyang mapansin na nakita ko sya ay bigla syang tumakbo. Sa di malamang dahilan ay hinabol ko sya pababa ng building. Lumiko sya papunta sa garden ng school at doon ko sya nawala. Luminga linga ako ngunit di ko na sya nakita.
"Mabuti pa sigurong bumalik nako sa dorm".
BINABASA MO ANG
Devils in Disguise
Misterio / SuspensoI thought I will finally experience a normal highschool life. Yun lamang ang gusto ko ngunit lahat pala ay magiging dahilan ng unti unting pagkawala namin sa aming sarili. All of this will drive us to our insanity. Tama bang magtiwala? Anong magag...