"Free ka ba mamaya?" Tanong netong babaeng nakaupo sa harapan ko.
Free? Damn. Masyado akong madaming iniisip dahil narin sa nangyari kagabi dadagdag pa itong isang to. Wala nakong oras para sa mga ganyan. Wala na nga rin akong pakielam sa class standing namin kung dati ang aim ko ay grumaduate with honor ngayon ay ang makaalis dito. Noong nakaraan araw ko pa sinusubukan kontakin sila dad ngunit di ito gumana. Sino kaya sila? Malakas ang kutob ko na galing sila sa loob.
Kagabi ay lumabas ako ng dormitoryo matapos magaral para sa nalalapit na exam. Nasanay akong mag stargaze dahil isa ito sa nag papakalma sa akin.
"But are we all lost stars, trying to light up the dark?" pagkanta ko sabay pikit ng aking mga mata. Ninamnam ko ang bawat segundo ng katahimikan ng aking paligid.
Madilim oo pero napakapayapa ng kalangitan pag gabi. Ramdam mo ang pag babantay ng mga bituing nagkalat sa langit.
Sa kalagitnaan ng aking pagiisip ay may na aninag akong ilaw sa di kalayuan. Sinundan ko ito kung saan ito patungo at dinala ako ng aking mga paa sa labasan ng aming paaralan.
Si Allison na naglalakad suot ang kanyang longsleeve na bestidang pantulog at meron syang cape ang aking nakita. Dala dala nya ang kanyang ilawan at masugib na tinatahak ang lugar sa labasan ng academy.
"Hanapin nyo! Dali!" Napatingin ako sa gawi ng sumigaw at laking gulat ko nang makakita ng grupo ng mga nakamaskara at may dalang iba't ibang armas. Iba iba ang maskara nila. May mga nakangiti ang iba naman ay tila ba'y umiiyak. Ngunit ang pinakanakaagaw ng aking atensyon ay yung babaeng nagutos ng pasigaw. Mahaba ang kanyang banyagang buhok at maihahalantulad sya sa mga godess sa gandang kanyang taglay. Nakasuot sya ng fitted na long white dress at sa kanyang kamay ay may hawak syang baril.
Namartsa sila patungo sa daang tinahak ni Allison.
"Shit" pabulong kong at dali dali tumakbo patungo kay Allison para hatakin sya.
Ramdam ko ang panginginig nya dahil sa gulat dulot ng aking paghatak. Onti onti nya akong tinignan kasabay ng pagkawala ng pagaalala sa kanyang mukha. Maytiwala sya sa akin.
"Nahuli mo?" Galit na tanong nung babae sa lalaking nangunguna sa kanilang pagtakbo.
Kahit na naguguluhan ay alam kong nanganganib kami kaya kailangan na namin maka alis dito. Hindi ko sila kaya dahil marami sila. Mas mabuti nang umatras muna. Kinausap ko si Allison at inutusang tumakbo matapos akong gumawa ng ikakaagaw ng kanilang atensyon.
Kahit na nag aalinlangan sya at bakas sa mukha ang di pag sang ayon sa aking utos ay mabuti't sinunod nya ito.
Tumakbo ako ng matulin matapos kong magbato.
"Habulin nyo sya!!!" Sigaw nung babae na sinunod naman ng mga lalaking may armas. Pumasok ako sa pasikot sikot ng gubat para hindi nila ako maabutan.
Ilang sandali pa ay nakita ko ang babaeng kanina pa sumisigaw. Bumaling sya sa aking direksyon at ngumiti ng parang demonyo. Agad akong nakarinig ng nakakabinging pagputok ng baril.
"Uy pansinin mo naman ako!" Pag iinarte nitong babaengg eto. Hayysss. Waste of time.
Patuloy kong ibinaling ang aking atensyon sa labas ng bbintana. Isa sa nagustuhan ko dito ang maganda't payapang field. Malawak ito na sa sobrang lawak kita mo kung sino ang mag cucutting classes.
"Is that...a girl?" Sa tanong ni Sophia ay naagaw ang atensyon ko at tinignan ang tinuturo turo nya.
Nakita ko pa lamang ang maskarang suot nya ay agad nakong kinutuban na hindi maganda ang mangyayaring ito.
Isang napakalakas na pag sabog ang aking narinig na sanhi ng pag kakagulo sa paligid.
"RAFAELA!!!" Bago ko pa man sya mahatak ay agad na syang nawala sa aking paningin.
"F*ck. This is not good."
BINABASA MO ANG
Devils in Disguise
Tajemnica / ThrillerI thought I will finally experience a normal highschool life. Yun lamang ang gusto ko ngunit lahat pala ay magiging dahilan ng unti unting pagkawala namin sa aming sarili. All of this will drive us to our insanity. Tama bang magtiwala? Anong magag...