"Bang!" Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid na ikinabigay ng aking mga paa.
Kitang kita ko ang pag bagsak ng babaeng papalapit sa amin. Nakahiga sya doon at naliligo sa sarili nyang dugo. Nanatili ang ngiti sa kanyang manipis na labi at ang mga mata nya ay dilat tila ba'y nakatingin parin sa amin.
Panandaliang nahinto ang pagkakagulo sa paligid.
Agad kong tinignan kung sino ang bumaril sa babaeng na nakahandusay na ngayon sa aming harapan. Nakita ko si Michael na may hawak na baril ngunit nakatingin ang kanyang mga mata sa isang lalaking katulad nyang matipuno na nakatayo ngayon sa aming harapan. Gulat ang kanyang mukha dahil naunang mag paputok ang lalaking ito.
"Mr.Villavasco" ani ni Tamara na nakanganga sa aking tabi.
"Okay lang ba kayo? Wala bang nasakyan?" Pag tatanong naman ni Mr.Villavasco sa bawat estudyanteng makita.
Nakabibingin katahimikan ang bumalot sa paligid dahil sa nangyari.
"Hindi sya mag isa." Seryosong sabi ni Michael. Galit na ekspresyon ang sumasalamin sa kanyang mukha.
Laking gulat ng lahat ang sinabi ni Michael na ikinasimula muli ng pagpapanic ng lahat. Nagsimula na silang mag takbuhansa iba't ibang parte ng paaralan.
"Sir ano pong gagawin natin? Sino po sila?" Natatarantang pagtanong ko kay Mr. Villavasco
"Sir Mabuti pa sigurong humingi na tayo ng tulong kela dad. Hindi natin to kaya ng tayo lang. Maraming buhay na ang nawala dahil sa pagsabog." Suhestyon ni Michael na sinangayunan naman ng karamihan.
Si Michael ay anak ng kilalang businessman na si John Noir Blanc. Pangikatlo sa sikat na negosyo ang kanilang business dito sa Pilipinas. Iba't ibang aramas na ginagamit sa gyera ang pangunahin nilang produkto.
"Simula pa lang ng pagkawala ng mga empleyado ko ay agad nakong nabahala. Kaya naman sinubukan kong humingi ng tulong sa inyong mga magulang. Ngunit nagkamali ako dahil sa lugar na kinatatayuan ng paaralan ay walang signal. Buong akala nila sa labas ay maayos pa tayo rito." Seryosong pagpapaliwanag sa amin ni Mr. Villavasco na ikinaiyak naming lahat.
"So basically were trapped?!" Galit na pagtatanong ni Michael sa aming principal.
"Sad to say but.... yes we are." Nalaglag ang aking panga sa aking mga narinig. Makakalabas pa ba kami dito? Makikita ko pa ba sila papa? Mainit na luha ang kumawala sa aking mga mata. Puro negatibo na ang aking mga naiisip.
Bago pako tuluyang mawala ng pag asa ay na isip kong, buhay pa ko sa ngayon, I'm not made to be this weak. May mga kaibigan pakong nakapaligid sa akin at sisiguraduhin kong magkakasama kaming makakalabas dito. Inayos ko ang aking tindig at sinimulang punasan ang aking mga luha.
"Makakaya natin to. Hindi sila ganun ka dami. Mas madami tayo." Lakas loob kong pagsabi sa kanila. Mukha naman nabuhayan sila ng loob kahit papano dahil sa nasabi ko.
Hindi pa man kami nakakakilos ay umalingawngaw na ang mga putok ng baril sa paligid. Binabaril ng mga nakamaskara ang mga makita nilang estudyante.
"SHIT!!!" Pagmumura ni Michael.
Sa hudyat ni Mr. Villavasco ay sabay sabay kami tumakbo.
Nangunguna silang dalawa ni Michael dahil sila lamang ang may armas sa amin. Binabaril nila ang mga palapit sa aming mga nakamaskara.
Kahit napapagod ay patuloy kaming tumakbo patungo sa school auditorium. Nang sa di kalayuan ay may nakita akong kinabuhay ng loob ko. Nakatayo sya na para bang may hinahanap sa gitna ng mga nagkakagulong tao.
"Rafaela" gulat na sabi ko at kumaway kaway para mahagilap ang kanyang atensyon na sa kabutihan palad ay napatingin sya sa amin.
Hindi na sya nagisip at dali daling tumakbo palapit sa amin.
Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka at takot ngunit patuloy parin syang tumuloy sa paglapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Devils in Disguise
Mystery / ThrillerI thought I will finally experience a normal highschool life. Yun lamang ang gusto ko ngunit lahat pala ay magiging dahilan ng unti unting pagkawala namin sa aming sarili. All of this will drive us to our insanity. Tama bang magtiwala? Anong magag...