"M..michael?" Paos na daing ko habang patuloy na nag iintay sa kanya.
"Nasaan na sya?" Di ako mapakali at kung ano ano nang pangyayari ang tumatakbo sa aking isipan. Naisip kong bumalik ngunit naalala ko ang mga utos niya sakin.
Sa kabila ng lahat ay ilang minuto parin akong nagintay. Napatago ako bigla ng may narinig na kaluskos sa di kalayuan.
"Allison" halos pabulong na tawag sa akin ng lalaking pamilyar ang boses.
Agad akong luminga linga para hanapin ito.
"Michael!" Tumakbo ako patungo sa kanya para sya ay yakapin. Natutuwa akong nakatakas sya. Sa sobrang tuwa ay naluluha na ako.
"Mabuti at hindi ako tinamaan ng bala" seryoso nyang pagkakakuwento sa akin.
Palihim kaming pumasok sa Girls dormitory para pagusapan ang nangyari.
"Hindi na normal to. Kailangan na natin tong sabihin sa magulang natin" nagaalala kong suhestyon kay Michael. Sinubukan kong idial si papa dahil ramdam kong hindi na kami ligtas dito. Gusto ko na umalis dito at isa pa namimiss ko na sila ni mama.
"Shit! Walang signal!" Oo nga pala gubat tong kinatatayuan ng paaralan namin. Hindi ko makokontak sila papa, na labis ko namang ikinabahala.
Nagisip pako ng maaring solusyon para makaalis kami dito. Sino ba sila?
Ano ang pakay nila rito?
"Hmm..Sabihin kaya natin kay Mr.Villavasco ang nangyari ngayong gabi? Baka mga magnanakaw ang nakapasok sa school" Pagtatanong ko kay Michael
Tinitigan nya ko na para bang nagiisip ng sagot sa aking tanong. Bakas sa kanyang mukha ang di pagsang ayon dito.
"Hindi. Impossibleng magnanakaw sila. Napakalayo ng school natin sa siyudad. Tsaka ang taas nung gate kahit sino mahihirapan pumuslit dun bukod pa dun yung mga alambre pa." Pagpapaliwanag ni Michael sa akin.
"Malakas ang kutob kong galing sila dito sa loob" sa sinabi niyang yun ay napanganga ako.
"Eh kung ganon lahat tayo ay hindi ligtas dito!! Sabihan natin silang lahat!" Wala nakong maisip pang iideyang dapat naming gawin. Ibang usapan na ito dahil madaming buhay ang nakasalalay dito.
"Mangako ka Allison na satin munang dalawa ang pangyayaring ito" paguutos ni Michael sakin.
Naisip ko na baka may plano sya kya sumangayon na lamang ako. Matapos ang paguusap ay umalis na si Michael sa aming dormitoryo.
BINABASA MO ANG
Devils in Disguise
Misteri / ThrillerI thought I will finally experience a normal highschool life. Yun lamang ang gusto ko ngunit lahat pala ay magiging dahilan ng unti unting pagkawala namin sa aming sarili. All of this will drive us to our insanity. Tama bang magtiwala? Anong magag...
