Chapter 11: Friendship

7 2 0
                                    


"A!!" Pag sigaw ko sa kanya.

Nagkakagulo ang paligid dahil narin sa takot dulot ng pagsabog sa building ng mga graduating.


Kanina lamang ay nagkakagulo ang mga classmate ko sa may bintana. Tinatanaw nila yung pinopoint out na babae ni Soph. Ilang minuto pang lumipas ay may pagsabog na naganap. Nagtakbuhan ang lahat pati na rin sila Allison. Naiwan akong tulala sa classroom na dahan dahang sumilip sa bintana.


Kung titignan mo ang building ay mukang walang bubuhayin ito. Basag ang mga salamin na bintana, nagkalat ang bato sa paligid, sirang sira ang gusaling kanina lamag ay matayog na nakatayo.


Nagmamadali akong tumakbo palabas para hanapin si Allison.


"Chelsea!!" Tili nung babae na ngayon ay nakakapit sa may hagdanan na halatang pinipilit na lang nya kumapit para mabuhay. Konting pagkakamaling galaw ay malalag lag sya sa unan palapag.


Nanatili akong tulala at di makagalaw sa aking kinatatayuan.


Abala ang lahat sa pagtakas at pagtakbo palabas sa building dahil narin sa takot na baka pati ito ay pasabugin. Ang iba ay umiiyak ang iba ay naaapakan na ngunit wala man lang nagmagandang loob para tumulong. Nakakita pako kanina ng lalaking sadyang itinulak ang babaeng kasama nya para lamang makatakbo.


"Mina!! Kumapit ka sakin!!" Sigaw nung babae. Mukhang sya yung kaibigan ng babaeng sumisigaw kanina. Pilit nyang hinahatak paitaas si Mina.


"Huwag mo kong bitawan" pagiyak ni Mina habang pinipilit na makaakyat.

Pinilit kong gumalaw at lumapit sa kanila para tumulong ng biglang may bumungo sa akin na naging nahilan ng aking pagkakadapa.


"I'm sorry!" Pagiyak na tugon ni Chelsea sa kaibigan. Sabay ng pagbitaw nya ay ang napakalakas na pagtili ni Mina. Matapos ay tumakbo palayo si Chelsea para makababa.


Binitawan nya ang mga kamay ng kaibigan nya para lamang makaligtas. Naluha at napailing ako sa aking nakita.


Kung ako ba ang nasa kalagayan nya magagawa kaya akong iligtas ni Allison? Umiling ako at isinantabi ang aking naisip. Hindi dapat ako nagpapadala sa ganto.


Patuloy akong paulit ulit na sumigaw para hanapin sya. "A!!!!" Halos mawala na ang aking boses kakasigaw sa kanyang pangalan.


Mukhang pati sya ay iiwan ako. Nang makababa ay nag tungo ako sa ilalim ng hagdan para magtago.


"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong nya sa akin. Bakit ka pa bumalik? Naiyak ako nang makita ko sya. Hindi kana dapat pumunta pa dito.



Allison POV


Patuloy na kaming bumaba sa unang palapag para pumunta sa kabilang building.


Maling mali ang mga nangyayari. Masyadong nag kagulo at madami ang duguan. Nasaan ang mga guro at empleyado dito?


Nangmakababa ay nakita ko ang babaeng nakamaskara na nasa kinatatayuan na pa din. Bumaling sya sa lugar kung saan kami naroroon at tsaka inangat bahagya ang kanyang maskara, pinakita nya ang kanyang mukha at ngumiti ng malademonyo sa akin.


Mukhang maamo ang kanyang mukha, kung di lang nya ginawa to ay iisipin kong isa syang anghel dahil ang itchura nya ay labis ang pagka amo, para bang bumaba sya galing langit.


Patalon talon syang nag lakad patungo sa amin na para bang lugod na lugod syang nakita kami.


Panandalian natigil ang aking paghinga nang ngatog ang aking tuhod. Habang palapit mas lumalala at mas nagiging malademonyo ang awra ng babaeng palapit sa akin. Akmang ituturo nya na ko ng biglang..


"Bang!" Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid na ikinabigay ng aking mga paa.

Devils in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon