Chapter 6: Anna

10 2 0
                                    


Kinaumagahan na ligo, nagbihis at nag ayos nako para makapaghanda sa pagpasok.

Ang payapa ng paligid dito sa school na to. Nakakatuwa mag masid. Ang field namin ay puno ng iba't ibang bulaklak at maaamoy mo ang bango ng mga ito habang tinatahak mo ang daan patungo sa school building.


Bago pako makaakyat ay nakita kong madaming nagkakagulo doon sa may hagdanan.

Nacurious ako kaya nakitingin nadin ako.


Agad akong kinilabutan na para bang nawala lahat ng aking dugo matapos makita ang pinagkakaguluhan nila.


Yung babaeng nakita ko kahapon na nakatingin sakin ay duguan. Naratay ang katawan nya sa sahig at naliligo sya sa sarili nyang dugo, mukang napuruhan ang ulo nya.

"Ano kaya nangyari sa kanya?" Usisa ng babae sa aking harapan

"Nahulog daw sa hagdanan at tumama ang kanyang ulo" sagot naman ng babaeng pinagtanungan nya.


Marami pakong narinig sa bulung bulungan. Hindi ako makagalaw sa sobrang gulat.

Isa pa sa pinagtataka ko bakit walang tumutulong sa kanya. Nasaan ang mga nurses sa school na ito.


Ilang oras pang lumipas tsaka lamang dumating ang mga nurses at sinabing wala na ang babaeng iyon. Kaawa awa naman sya. Ano kayang gagawin ng magulang nya pag nalaman ito? Panigurado ay labis na malulungkot sila.

"A" mahinang tawag sakin ni Tamara

"Hmmm?"

"Anong iniisip mo kanina ka pa tulala ah." Curious na pagtatanong ni Tamara sa akin

"Iniisip ko yung nangyari kaninang umaga. Nakakalungkot ang pangyayaring iyon. Natakot nga ako ng sobra eh naalala ko pa ang mga mata nyang nakadilat na pakiramdam ko nakatingin saakin." Wika ko habang hinihimas ang aking braso dahil kinikilabutan ako.

"Ah oo. Kilala mo sya?" Pagtatanong nya sa akin

Umiling ako sa kanya at nag intay ng kasagutan.

"Anna Montero ang pangalan nya." Sagot ni Tamara sakin.


Nakinig ako sa kwento nya at napagalamang si Anna ay anak ng isang businessman na malapit na kaibigan ng may ari ng school na ito. Nagiisang anak lamang siya ng pamilyang Montero.


Nakakasiguro akong labis ang pag dudusa nila sa pangyayaring ito.


Ilang araw pa ang lumipas ay malungkot ang paligid dahil sa nangyari. Balibalita pang bumagsak ang kompanya ng mga Montero dahil na din sa pagkawala ng kanilang anak na labis na dinamdam ni Mr. Montero. Dumating pa sa puntong winakasan nya ang kanyang buhay.


Nandito ako ngayon sa library kasama si Tamara. Malapit na kasi ang exam kaya magaaral kami mahirap na baka bumagsak pa.


"Allison!" Mahinang tawag sakin ni Rafael na palapit ngayon ssamin. May kasama syang dalawang lalaki, ang isa ay may pulang buhok, matangkad at chinito. Ang isa naman ay may maikli na medyo magulong buhok at bakas sa mukha nya ang pagiging playboy. Pagtinignan mo silang tatlo ay mahahalata mong football players sila dahil sa built ng kanilang katawan.


"Hi, Raf!" Ngiting ngiti kong bati sa kanya. Nakakatuwa naaalala ko si Rafaela sa kanya. Hindi ko masyado nakakasama si Rafaela dahil busy din sya sa pag aaral lalo na't graduating sya.


Umupo ang tatlo sa aming harapan.

"Hi Miss. You are?" Sabay lahad ng kamay ni Raf kay Tamara.

"Tamara" hindi binigay ni Tamara ang kanyang kamay at sa halip ay tinignan nya lamang ito.

Nangiwi si Rafael sa ginawa ni Tamara at binaling nalamang ang atensyon sa akin.

"Allison si Brad at Ashton nga pala, teammates ko" sabay kindat sa akin. Nasanay nako sa mga gantong galawan ni Rafael. Dinadaan ko na lamang sa tawa.


Malugod akong nakipagkamay sa dalawa. Mukang dadami ang mga magiging kaibigan ko dito ah. Pagsasalita ko sa isip habang humahagikgik.

"Nga pala. Magaaral din kayo?" Tanong ko sa tatlo na ikinailing naman nila.

"Pumunta kami dito para magmasid" bulong ni Ashton sakin. Bagay na bagay sa kanya ang pula niyang buhok.

"Magmamasid?" Takang taka kong tanong.

"Eto kasing si Rafael kanina pa kami kinukulit. Gusto nyang makita ang kanyang reyna na di naman sya pinapansin" pangaasar ni Brad kay Rafael.

"Oy anong di pinapansin! Pinapansin ako nun!" Pangangatwiran ni Raf kay Brad.


Sinundan ko ng tingin ang pasimpleng tinitignan ngayon ni Rafael at nakita ko si Sophia na seryosong nagsusulat ng kung ano man. Akala ko hindi sya grade concious mukang nagkakamali ako.

"Oh my queen..Ang ganda nya talaga" ani ni Rafael naikina iling na lamang ng dalawa.


Malipas ang ilang minuto nilang pagmamasid ay umalis na rin sila para sa praktis.


"A. Kakilala mo pa yung mga yun?" Tanong ni Tamara sa akin.

"Oo nakikila ko si Rafael at Rafaela nung nakaraang araw. Ang saya ko nga eh nadadagdagan ang mga kaibigan ko" masaya kong sambit sa kanya.

"Nako. Wag ka masyadong mag tiwala sa mga yun." Seryosong sabi ni Tamara sakin na ikinagulat ko dahil maayos naman ang pakikisama sakin ng dalawa.

"Tamara ano kaba! Nagseselos ka noo" kinulit kulit ko sya na ikina tawa naman nya.


Nang matapos kami magaral ay umuwi na kami sa dormitory. Sabay kami nag lakad pabalik ni Tamara kasi medyo madilim na rin mahirap na mapano pa kami.


Kung ano kinapayapa ng school pag umaga kabaligtaran naman pag gabi. Dahil sa nababalutan ng kagubatang ang school, nakakatakot at madilim ito pag gabi. Kaya naman may baon akong ilaw mayroon akong portable lantern na nagsilbing ilaw namin pabalik.


Dalawang palapag ang aming dorm. Malaki ito at bawat babaeng estudyante ay may sariling kwarto.

Niyakap ako ni Tamara at nagpaalam

"Pasok nako sa loob A!" Sabit nya sa akin.


Tinanguan ko sya at pumasok narin. Hindi pa nalalayo sa pintuan ang mga hakbang na aking nilikha ay may naapakan akong sobre. Kulay puti ito at may bakas ng dugo.


Nakaramdam ako ng kaba na ikinanindig ang aking balahibo. Dahan dahan itong pinulot at binuksan.



"Not all Angels on your sight are pure. Some tends to be evil"

Devils in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon