Chapter 15: Sorrow

9 2 0
                                    


"Di ko makita si Rafael!" pagiyak ni Rafaela habang patuloy ang palingon lingon sa paligid. Sobra akong nasasaktan habang nakikita syang nagkakaganto.



"Ramdam kong di ako ligtas kapag wala sya dito sa tabi ko" patuloy ang kanyang paghihinagpis na parang nasisiraan na sya ng bait.



"Rafaela! Look at me. Makikita natin sya. Alam kong alam mo na hindi pa sya patay" hindi ko binitaw ang pag yakap ko sa kanya dahil alam kong eto lang ang magagawa ko sa ngayon.


Nang medyo kumalma na si Rafaela ay pinaupo ko muna sya sa tabi para makapag pahinga.


Mabuti na lang at madami dami ang mga estudyanteng nakaligtas.



Ramdam parin ang tensyon sa loob ng auditorium, halo halong takot, lungkot at pagkabagabag ang mararamdaman dito.



Malaki ang school auditorium namin, sa magkabilang gilid ay may bleachers at sa gitna naman ay may bakanteng lugar, wala itong mga upuan. Gawa ang lahat ng ito sa bakal at semento.


Habang iginagala ko ang aking mga mata ay nakita ko si Michael sa isang gilid. Nakaupo sya at ang mga kamay nya ay nakatakip sa kanyang mga mukha.


"Michael" tawag ko sa kanya.


dahan dahan nyang inangat ang kanyang ulo para ako'y tignan. Namumula ang kanyang mga mata dahil sa pagiyak kanina.


Lumuhod ako sa kanyang harapan para mas matitigan syang mabuti.


"Maayos din ang lahat" mapait ko syang nginitian at niyakap. Natuwa naman ako ng niyakap nya ko pabalik. Ang kanyang isang kamay ay nakalagay sa aking ulo ang isa nama'y sa aking likod. Niyakap nya ako ng mahigpit.


Ngayon ko lang ulit naramdaman na ligtas at panatag ang aking kalooban. Inilapit nya ang ulo nya sa aking tainga para ako ay mabulungan.


"Keep holding on me. I won't let anyone to hurt you." Dahil sa ginawa nya ay bumilis ang pintig ng aking puso na para bang nagwawala ito. Ramdam ko ang unti unting pag init ng aking mukha kaya naman ay medyo bumitaw ako sa aking pagkakayakap.


Hindi man ako makatingin ng diretcho sa kanya ay ramdam ko ang patuloy na pagtitig nya sa akin.


"A" pagtawag sakin ni Tamara at agad ko naman syang niyakap.


"Natatakot ako A" paghikbi ni Tamara.


"Don't be. Hindi ko hahayaang may mangyari sa inyo." Simula palang na makilala ko sila, sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan ko sya ano pa man ang mangyari.


"Masaya akong nakilala kita A. Kahit papano ay nakakita ako ng pag asa dito sa lugar na ito."



Ngayon ano na ang gagawin namin? Wala na si Mr. Villavasco. Hindi naman kami pwedeng lumabas dahil di pa ligtas ang labas.



Natahimik ang lahat matapos makarinig ng napakalakas na wang wang. Yung tunog na ito ay mabagal pero napakalakas.


Nanginig ang aking katawan at ramdam ko ang paglamig nito.


Napatingin ako kay Michael dahil mahigpit nyang hinawakan ang aking kamay.



"Don't. Let. Go" utos nya sa akin.



Maya maya pa ay nagkalat ang usok sa paligid, di malaman kung saan ba nagmula, naging sanhi ito ng unti unti kong pagkahilo.


Tumingin ako kay Michael na seryosong parin nakatingin sakin kahit na sya ay nahihilo na din. May sinasabi sya pero nahihirapan akong intindihin dahil parang nabibingi ako at nagiging paralisado na ang aking katawan. 


Ilang sandali pa ay nagdilim na ang aking paningin at bumagsak ako sa aking pagkakatayo.

Devils in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon