Chapter 7: Gun

11 2 0
                                    


"Not all Angels on your sight are pure. Some tends to be evil"


Hindi ko makontrol ang panginginig ng aking kamay habang binabasa ang mensahe sa sobreng may dugo. Sino ang may sulat neto? Bakit nya sinulat to? Madami pang katanungang umikot sa aking isipan, isa na dito ay ang anong nangyari sa sumulat nito? bakit may dugo?


Nakaisip ako ng ideya na kahit ako mismo ay hindi sangayon dito. Pero magiging worth it naman diba? Matagal na din ako nag tataka bakit kung kelan kailangan ang mga empleyado dito doon sila wala. Agad akong nag ayos para makalabas.


Patago akong bumaba suot ang aking cape na may hood para hindi ako mahuli ni Ms. Grace. Mahirap na baka mapatanggal pako dito sa school sa paglabag sa curfew hours.


Nang makalayo nako sa dorm ay agad kong pinagilaw ang aking lampara. Tinahak ang daan patungo sa labasan ng paaralan. Madilim ang paligid. Bawat hakbang ay nakakaramdam ako ng matinding kaba, lalo na't parang may nakasunod sa akin.


Nangmakarating nako ay labis kong kinagulat ang aking nakita.


Walang guwardiyang nag babantay sa school. Ang malaking bakal na gate ay napapalibutan ng alambreng may mga patusok. Hindi na ito kasing ganda tulad ng dati. Noon ay parang gate ng palasyo ito ngayon naman nagmukang gate na parang sa mga haunted house. Alam kaya ito ng mga kinauukulan?


Madaming katanungan ang pumasok sa aking isipan. Di katagalan ay nag pasya nakong bumalik sa dorm. Nang biglang may humatak sa akin sa madilim na parte ng kagubatan. Dahil dito ay nabasag ang aking ilawan.


Halos himatayin ako dahil sa labis na pagkagulat. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan na tila ba'y nauubusan ako ng dugo. Ininda ko ang sakit ng pagkakahawak nya sa aking braso na sa sobrang higpit ay parang mababali na ang buto ko. Namilipit ako at kanya naman nahalata kaya onti onti nya akong binitawan ngunit hindi nya inalis ang pagkakatakip nya sa aking bibig.


"Hush..baby. Andito sila" wika ng lalaking humatak sakin. Kilala ko ang malaking boses na ito.


Si Michael ito. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Ramdam ko ang paghinga nya na ikinatindig lalo ng aking balahibo. Dahan dahan nyang tinaggal ang pagkakatakip sa akin bibig at sinenyasan akong bumulong.


"Sino sila?" Pabulong kong tanong. Nakatingala ako sa kanya dahil sa kanyang katangkaran. Inintay ko ang kanyang pag tugon sa akin.


Hinawakan nya ang aking mukha at ito ay sinuri nya. Ang kanyang mata ay puno ng pagaalala.


"Muntik kana doon" seryoso nyang sagot sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang galit.


"Nahuli mo?" Ani ng nagsalitang babae na naka agaw ng aming atensyon. Malapit lamang sila sa amin. Halos pigilin ko ang paghinga ko para lamang di lumikha ng ingay dahil alam kong pag nakita nila kami ay katapusan na. Ramdam kong di sila galing dito sa school namin. Iba ang presensyang nararamdaman ko sa kanila.


"Walang tao dito nung tinignan ko." Sagot ng lalaki sa babae. Nasa pito ang bilang ng mga taong naguusap usap na ito.


"Siguraduhin nyo!" Pasigaw na utos ng babae sa mga lalaki na mukhang tauhan nya.


Doble ang kabang nararamdaman ko na para bang hinahabol ko ang aking mga hininga.


"Allison. Gagawa ako ng ikakaagaw ng atensyon nila pag katapos nun ay tumakbo ka ng mabilis pilitin mong di gumawa ng ingay." Mahina nyang pag uutos sa akin.


Umiling iling ako sa kanyang ideya. Paano sya kapag ako lang ang tumakas?

"Hindi. Paano ka?" Alala kong tanong sa kanya. Sa di mapaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng pagsikip at kirot sa aking dibdib.

"Kaya ko ito. Susunod ako sayo" seryoso nyang sagot sa akin habang nakatitig sa aking mata na para bang nakikiusap na sumunod ako.

"Magkita tayo sa dormitoryo ninyo" utos nya na ikina tango ko naman.


Kumuha ng bato si Michael at buong llakass na inihagis ito sa lugar na malayo sa aming kinapupwestuhan. Matapos ang pagbato ito ay lumikha ng ingay na ikinaagaw ng atensyon ng mga humahabol sa amin.


Agad ko naman sinulit ang pag kakataong ito para makatakas. Maingat akong tumakbo palayo kay Michael.


Habang tumatakbo ay di mawala sa isip ko ang pagaalala. Halo halong emosyon na ang aking nadarama. Lumine nasaan kana? Bilisan mo please please..


Natanaw ko na ang dormitoryo at agad na nagpunta sa tagpuan na sinabi ni Michael. Napahinto ako ng makarinig ng malakas na pagputok ng baril sa di kalayuan.

Devils in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon