"Wala na si Gabrielle."
Gabriel? Si Mr. Villavasco?!
Paanong nangyari yun? Sya pa nga ang nagligtas sa amin ah! Kanina lang nakikipagbarilan pa sya! Imposible naman yata.
Gulong gulo nako sa mga nangyayari.
Nangilid ang luha sa aking mga mata. Tila bang nagbabadyang kumawala kapag ako'y pumikit.
"Anong sinasabi mo ha Lumine!?" Apila ng mga kamagaral kong ikinagulat din ang mga sinabi ni Michael.
"Siguro pinatay mo sya!!" Sisi pa nila sa kanya.
"Lumine hindi magandang biro yan! Tumigil ka nga!" Panunuya ni Tamara.
Bakas sa mukha ni Tamara ang galit at inis, hindi ko sya masisisi dahil noon pa man ay alam ko nang gusto nya si Mr. Villavasco.
"Niligtas nya ko. Sinalo nya ang bala na dapat sa akin tatama." Matikas na sabi ni Michael.
Sa kabila nang seryoso nyang mukha mababatid mo dito ang kalungkutan.
Mas nawasak ang aking puso ng makitang may luhang kumawala sa kanyang matipunong mukha.
"Pano na tayo neto?!" Ani ng babae kong kamag aral na ngayon ay parang nasisiraan na ng bait.
Lahat ay takot at karamihan sa amin ay umiiyak.
Paano na kami? Si Michael lang ang may ideya at may kakayahang lumaban sa mga bagay nato dahil sa kanilang business na mga armas.
Natigilan ako sa pagiisip ng may humawak sa aking balikat.
"Allison" malungkot nyang pagtawag sakin.
Napatingin ako sa maganda nyang mukha. Halatang pinipigilan nya ang di pagiyak.
Ansakit sa pusong makitang ganito ang aking kaibigan.
"Rafaela" tumayo ako at niyakap sya.
"Di ko makita si Rafael"
Rafaela POV
"Rafaela!" Tawag sa akin nitong makulit kong kakambal.
Ngiting ngiti syang lumapit sa akin.
"Sabay na tayong mag lunch" sabay hatak sa akin.
Hinayaan ko na lamang sya kung saan nya ko dalin.
Naalala ko pa noon, tuwing may nang aaway sakin tatakbo agad si Rafael para ipagtanggol ako.
Handa syang makipagsuntukan wag lang ako maapi.
Lagi kami magkasama sa lahat ng bagay mapa araw man o gabi sya ang aking sandalan. Ni ayaw ko ngang mapahiwalay sa kanya eh kasi pag nandyan sya panatag ako.
Kumain kami sa canteen kasama sila Ashton at Brad. Nang matapos ay muli kaming bumalik sa building.
"Rafael dun nako dadaan sa kabila. Cr lang ako. Mauna kana." Pagpapaalam ko sa kanya na kinatango naman nya.
Tumungo na ako sa kabilang parte ng building.
Habang naghuhugas ako ng kamay sa Cr isang nakabibinging pagsabog ang aking narinig, Na sa sobrang lakas ay yumanig ang buong sahig.
Rinig na rinig ko ang sigaw sa aking paligid.
Wala sa pagiisip na tumakbo ako palabas dahil alam kong si Rafael ay naiwan ko sa labas.
Laking gulat ko ng makita na ang buong gitna ng aming building ay giba giba na. Basag ang lahat ng salamin at sirasira na pader.
Naestatwa ako sa aking natunghayan lalo na't nakita ko sa aking harapan ang mga labi ng aking mga kamag aral.
Nagkalat ang alikabok at dugo sa paligid.
Kanina lang maayos pa ang lahat. Anong nangyari? Sino ang may gawa nito?!.
"RAFAEL!!! RAFAEL!!!!" paulit ulit akong sumigaw para mahanap sya.
Tumakbo ako kung saan saan nagbaka sakaling baka makita ko pa sya.
Nasan kana Rafael?
"Ang kakambal ko."
Sobrang sakit ang naramdaman ko sa aking dibdib. Parang sinasaksak ang puso ko paulit ulit.
Gagawin ko ang lahat makita ka lang.
"Please be safe, Rafael, my angel."
"Rafaela!!!"
Sigaw ng babaeng tumatakbo palapit sa akin.
Isang tawag nya lang ay agad akong tumakbo patungo sa kanya.
Si Allison ay isang babaeng kapag pinagmasdan mo ay maniniwala kang may pag asa pa dahil ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon at pag mamahal.
Sa kalagitnaan ng pagtakbo, di ko namalayan na nanganganib na pala ako.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan matapos makita ang lalaking nakamaskara na ilang segundo na lang ay tatagain na ako.
Di nagatubili si Allison at kanya itong inatake. Batid mo ang galit sa kanyang mga mata habang paulit ulit na sinusuntok ang mukha ng lalaking naka maskara.
Halos mabasag na ang mukha ng lalaki nang hatakin ni Lumine si Allison palayo.
Pinaliwanag nya sakin ang kanilang planong na pag punta sa auditorium at agad nya akong hinatak.
Patuloy parin akong luminga linga sa paligid habang kami ay tumatakbo, nagbabakasakali.
May parte parin sa puso ko na hindi tanggap ang mga nangyayari, hindi padin ako nawawalan ng pagasa at alam kong makikita ko pa si Rafael.
![](https://img.wattpad.com/cover/172851551-288-k244419.jpg)
BINABASA MO ANG
Devils in Disguise
Misteri / ThrillerI thought I will finally experience a normal highschool life. Yun lamang ang gusto ko ngunit lahat pala ay magiging dahilan ng unti unting pagkawala namin sa aming sarili. All of this will drive us to our insanity. Tama bang magtiwala? Anong magag...