Chapter 13: Gabriel

7 2 0
                                    


Tumakbo ako para mahatak si Rafaela palayo nang mapansin kong isa sa mga nakamaskarang may itak ang palapit sa kanya.


May kakaiba akong naramdaman sa aking katawan na para bang nakuryente ang aking sistema. Mas bumilis ang takbo ko at mas nagpursiging dahil buhay ng kaibigan ko ang nakaalay dito.


Bago pa sya maka akmang tatagain si Rafaela ay agad kong tinutok at binuhay ang aking stun gun na ikina ngisay naman ng lalaking nakamaskara.

Sa sobrang galit ko ay pinagsusuntok ko ang mukha ng lalaki, na ikina sira naman ng kanyang maskara.

Natigilan lamang ako nang may humawak sa aking beywang at walang ka effort effort na ako'y binuhat.

"Tara na." Malamig nyang utos sa akin.

Sa di malamang dahilan ay sumunod naman ako sa kanya. Para bang bawat salita nya ay may malaking epektong nadudulot sakin.


Nagpatuloy ang aming pagtakbo patungo sa auditorium nang mas dumami na ang mga taong nakamaskara. Buong lakas naming pinilit ang pagtakbo ng mabilis.


Nag paiwan si Michael at Mr. Villavasco at pinauna na kaming makapasok.

"Ilock nyo muna ang auditorium at hintayin nyo kaming kumatok!" Utos ni Mr. Villavasco.


Nagaalinlangan naming sinunod ang kanyang utos at agad na sinarado ang pintuan sa auditorium.


Sari saring putok ng baril ang aming narinig. Kabado kaming lahat na nakaabang sa pintuan.

Maya maya pa ay nawala na ang nakabibinging tunog ng mga baril na ikinabahala namin.


Nagtagal ang katahimikan sa kapaligiran.


"Please be safe" yun na lamang ang aking nasabi.


"Blag!!! Blagg!!" Paulit ulit na malakas na pagkalabong ng pintuan.


"Allison!" Nanghihinang tawag ni Michael.



Matapos itong marinig ay kumaripas ako ng takbo patungo sa pintuan at ito'y binuksan.



Natulala kami sa aming nakita. Nakayuko si Michael habang nakatayo, bakas ang mga dugo sa kanyang puting damit.



Bakit siya lang?




"Lumine! Nasaan si Sir?!" Sigaw na pagtatanong ni Tamara.



Unti unti nyang iniangat ang kanyang ulo at tumingin sa aming lahat. Blangko ang kanyang ekspresyon at ilang saglit nanatili na nakatingin.




"Wala na si Gabrielle."

Devils in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon