Kinabukasan parang walang nangyaring kababalaghan noong gabi. Normal ang pangyayari sa buong paaralan. Nariyan pa din ang mga nag football at nagpapraktis ng cheering. Marami padin ang mga nagkalat na estudyanteng masayang naguusap, naglalakad at naghaharutan sa paligid.
"Rafaela!" Patakbo akong lumapit kay Rafaela na ngayon kasama ang mga kaibigan niya.
"Uyyy Allison! Ngayon na lang ulit kita nakita" masigla nyang bati sa akin.
"Busy kasi kami eeh alam mo na graduating" sabi pa nya habang taas baba ang kilay. Panandalian kong nakalimutan ang mga problema dahil sa usapan namin nila Rafaela.
Agad naman kaming nag hiwalay matapos nang magring ang bell na nagsisilbing hudyat na magsisimula na ang klase.
Pagpasok sa classroom ay naupo nako sa tabi ni Tamara, na sya namang masigla akong sinalubong.
"Pasensya kana Allison hindi tayo nagkasabay pumasok. May inasikaso kasi ako." Malungkot nyang pagkukwento
"Ano ka ba okay lang!" Nginitian ko sya at binaling naman ang tingin kay Michael seryoso syang nakatingin sa labas ng bintana na para bang walang nangyari kagabi.
Nagintay kami sa pagdating ng aming guro dahil sabi samin ay malalate ito.
"Lumine!" Ngiting ngiting bati ni Sophia kay Michael at tsaka umupo sa upuan sa harap nito.
Tinapunan lamang sya ng tingin nito at agad binawi nagpatuloy sya sa pagtingin sa bintana. This time kumunot na ang noo nito. Halata sa muka nya ang pagkairita.
"Free kaba mamaya?" Nahihiyang tanong ni Sophia. Nagpatuloy sya sa pagdaldal kahit na hindi siya pinapansin nito.
" uy pansinin mo naman ako!" Pangungulit ni Sophia " kanina ka pa nakatingin dyan ah!" Padabog na umayos ng upo si Sophia dahil nahalata na nyang di sya pinapansin ni Michael. Maya maya ay nanahimik na lamang siya na ngayon ay nakadungaw na din sa bintana.
"Is that.. a girl?" Lumingalinga sya samin na parang takang taka habang may tinuturo sa baba
Babae? Nacurious ako at nakisilip din sa kanilang tinitignan. May babae sa gitna ng field malapit sa 4th year building. Tanaw namin sya mula dito dahil katapat lamang ng building namin ang building nila. Nakasuot sya ng maskarang may smiley. Sa bandang mata ng maskara ay may ekis at parang tahi tahi naman ang nakasmile na bibig. May winawagayway syang karatula na di ko naman mabasa.
"Anong ginagawa nya dun?" Tanong ng mga kaklase namin na ngayon ay nakikisilip nadin.
Nagsasayaw sayaw sya at patalon talon na parang nababaliw sa ibaba ng building.
Hindi katagalan ay kumaway sya sa may gawing building namin na para bang alam nyang nakatingin kami sa kanya.
Bigla na lang kami nakarinig ng napakalakas na pagsabog na ikinayanig pandalian ng sahig. Matapos yun ay nagkagulo na ang lahat dahil sa pagpapanic. Maririnig mo ang sigawan na nababalot ng pagkatakot at lahat ay nag takbuhan.
"SHIT!!! Dali dali akong umalis at tumakbo pababa.
"RAFAELA!!!!" Walang sa pag iisip kong sinigaw ang pangalan nya. Hindi ko ininda ang pagod na nararamdaman dahil sa pagmamadali kong bumaba.
Lahat ay nagkakagulo para mag unahang bumaba. Ang iba pa ay nalaglag na sa hagdanan. Ang iba naman ay naapakan na ngunit sa sobrang takot ay walang nag abalang tumulong.
"A!!!!" napalingon ako sa sigaw at hinanap ang tumawag sa akin.
"TAMARA!!!" Buong lakas kong pagsigaw dahil hindi ko sya mahananap dahil sa mga nag kakagulong tao.
"TAMARAAAA!!!!" lumingalinga ako habang tumatakbo papunta sa patuloy na sumisigaw na si Tamara.
Nakita ko syang nangangatog at umiiyak sa may ilalim ng hagdanan. Nakaupo sya doon at yakap yakap nya ang kanyang mga binti. Dalidali naman akong lumapit at sinuri sya kung sya ba'y may dinadaing.
"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ko sa kanya na ikinatango naman niya.
Inalalayan ko syang tumayo at inakay sya dahil ang mga tuhod nya ay nangangatog.
BINABASA MO ANG
Devils in Disguise
Mysterie / ThrillerI thought I will finally experience a normal highschool life. Yun lamang ang gusto ko ngunit lahat pala ay magiging dahilan ng unti unting pagkawala namin sa aming sarili. All of this will drive us to our insanity. Tama bang magtiwala? Anong magag...
