29

765 24 4
                                    

Lea

"NO. MALI!"

Bigla nalang napasigaw si Eunwoo kaya nagitla kaming lahat at tumigil sa pagsasayaw. Lumapit si Eunwoo sa radyo at pinatay yung tugtog. Pagtapos ay humarap sya sa amin at tinignan kaming lahat. Ngayon ko lang sya nakita na ganto kaseryoso.

"Hays. Hindi ba sinabi ko na magbilang kayo sa utak nyo habang ginagawa nyo yung step?"

Paalala nya at halata sa boses nya na naiirita na sya. Napayuko nalang kaming lahat ng ulo. Napahinga sya ng malalim at napahahawak sa kanyang noo.

"Sige na, magpahinga na muna kayo. Alam kong pagod kayong lahat."

Sabi ni Eunwoo at naupo sa upuan sa may gilid. Lahat ng mga kasama ko ay nagpahinga at yung iba naman lumabas para bumili ng inumin.

Pinagmasdan ko lang si Eunwoo. Nakaupo sya dun sa upuan habang nakahawak sa kanyang ulo. Sya kasi yung leader sa dance group na to. At alam kong hirap na hirap na syang turuan kami pero kinakaya nya pa rin. Di ko tuloy maiwasan maawa sa kanya. Naiintindihan ko na kailangan maperpekto at mabuo na namin yung sayaw dahil konting araw nalang ang natitira. Malapit na matapos tong month na to at ilang weeks nalang ang iprapractice namin para sa competition.

Kinuha ko tubig ko at tsaka lumapit kay Eunwoo.

"Eunwoo.." tawag ko. Dahan-dahan naman syang napatingin sa akin. Ng magtama ang mga mata namin ay bigla nalang sya ngumiti. Kitang-kita sa mukha nya na pagod na sya.

"Hi, Lea."

Bati nya. Umupo ako sa tabi nya at inabot sa kanya yung tubig ko. Saglit naman syang napatingin sa tubig na hawak ko at muling ibinalik ang tingin sa akin.

"Sige na, inumin mo na."

Sabi ko. Ngumiti sya muli at kinuha mula sa kamay ko yung tubig tsaka ininom ito. Pagtapos ay nagpasalamat sya sa akin.

"Salamat, Lea.." sabi nya at ipinatong ang braso sa kanyang tuhod. Napahinga ako ng malalim.

"Um, Eunwoo..."

"Hmm?"

Sabi nya at tsaka tumingin sa akin.

"Sorry nga pala kung minsan di maayos yung sayaw namin. Alam kong nahihirapan ka ng turuan kami."

Sabi ko. Ngumiti ulit sya at tsaka dahan-dahan tinapik tong ulo ko. Naramdaman ko amg pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Ok lang. At least kahit papaano mabubuo na natin yung sayaw."

Sabi nya at tumango-tango nalang ako. Pagtapos ay saglit tumahimik. Pero di rin nagtagal ng magsalita ulit ako.

"Oo nga pala, kamusta na pala kayo ng girlfriend mo?"

Pagtanong ko ay napansin kong biglang napawi yung ngiti sa kanyang labi. He sighed and leaned back on his chair. Bigla ko tuloy naalala si Seungmin dahil parati rin nya ginagawa yun.

"We're not in good terms at the moment."

Di ko naman maiwasan magulat sa sinabi nya. Parang nung isang araw lang ang sweet nila tapos ngayon magkagalit sila?

SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon