40

717 25 12
                                    

Lea

Pinagmamasdan ko lang si Olivia habang kausap sya ni Eunwoo. Di ko akalain na naging sila pala ni Seungmin. Kung ano man ang rason nya para saktan at iwanan si Seungmin, napakasama nya. Sya ang dahilan kung bakit naging malungkot nun si Seungmin tapos ngayon babalik sya? To win him back? Hays. Ba't ba ako nagkakaganto?

Nagsimula na kaming magpractice. Napansin ko na patingin-tingin sa akin si Olivia at alam ko na sobrang sama ng tingin nya sa akin. Maybe she knew na palagi kami magkasama ni Seungmin? If she does, then I don't give a damn.

Ng matapos kaming magpractice ay nagsiuwian na yung iba pati si Eunwoo hanggang sa kaming dalawa nalang ni Olivia ang nandito sa loob ng practice room.

Kinuha ko na gamit ko at maglalakad na sana palabas ng bigla nya akong tawagin.

"Lea."

Napatigil ako at dahan-dahan lumingon sa kanya. Sobrang sama ng tingin nya sa akin na akala mo may nagawa akong kasalanan sa kanya. Humakbang sya papalapit sa akin habang nakakrus yung braso.

"Ano yun?"

"Alam ko na palagi mo syang kasama. At gusto ko lang sabihin sayo na layuan mo si Seungmin."

She said and I chuckled. Humarap ako sa kanya.

"At bakit ko naman gagawin yun? He's no longer yours so wag kang umasta dyan na girlfriend ka nya."

Sabi ko at di naman sya nakapagsalita.

"At may gana ka pang sabihin sa akin na layuan sya matapos mo syang saktan at iwan nun."

"Wala kang alam!"

Pasigaw nyang sabi.

"Bumalik ka dito just to win him back? Nakakatawa ka alam mo yun. So pasensya na, hindi ko sya lalayuan."

Sabi ko at tumalikod na sa kanya. Lalabas na sana ako ng bigla syang nagsalita.

"Bakit? Dahil gusto mo sya? Come on, Lea. Alam naman natin na hinding-hindi ka nya magugustuhan. Because he said it himself. He will never like you."

Sabi nya at ramdam kong nakangisi na sya sa akin ngayon. Ako naman ngayon ang di makapagsalita at may kung anong kumirot sa aking puso habang paulit-ulit nag-eecho sa utak ko yung sinabi nya. Tama sya. Hinding-hindi naman ako magugustuhan ni Seungmin. At ang mas masakit ay...nahulog na ako sa kanya.

Di ko na nilingon pa si Olivia at umalis na dun sa practice room. Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may luhang namumuo sa aking mata. Pota ba't naiiyak ako??

Paglabas ko ng school ay di muna ako umuwi at dumiretso sa isang park to cool off my mind. Naupo ako sa swing at dahil nakalubog na yung araw ay wala ng masyadong tao dito. Bigla ko nanaman naalala yung sinabi ni Olivia. Naiinis at naiiyak ako at the same time. Gusto kong mainis at gusto ko rin maiyak.

Bakit ko pa sya nakilala? Bakit ko pa nakilala si Seungmin? Sa lahat ng tao, bakit sya?

I fell inlove with a person who doesn't even like me.

Yung mga araw na magkasama kami ni Seungmin, sa mga paglibre nya sa akin, sa pagchat nya sa akin lagi, sa pagyakap nya, sa pagprotekta nya, sa paghalik nya sa noo ko, sa tingin ba nya di ako mahuhulog sa kanya? Oo na, nagugustuhan ko na si Seungmin. Late ko na narealize. Hays.

Namalayan ko nalang na may luhang tumulo sa mukha ko. I quickly wiped it away ng biglang may nagsalita sa harapan ko.

"Lea.."

Dahan-dahan ako napatingala at nakita si Seungmin.

"S-seungmin.."

Sabi ko. Lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan tong kamay ko.

"P-pano mo nalaman na nandito ako?"

"I followed you."

Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa aking mata.

"S-so ibig sabihin–"

"Nakita kita lumabas ng practice room at alam ko rin yung mga sinabi sayo ni Olivia."

He said. I looked down as a tear fell down from my eye. He quickly wiped it away using his thumb.

"Lea–"

"D-di mo talaga ako nagugustuhan, Seungmin?"

Tanong ko sa kanya. Di naman sya nakapagsalita.

"P-pano yung mga araw na magkasama tayo? P-pano yung pagyakap mo sa akin? Naguguluhan na ako sayo. Lagi mong sinasabi na hindi pero bakit mo ginagawa sa akin to? Ano ba talaga, Seungmin?"

I said.

"Sa tingin mo ba, di ako mahuhulog sayo?"

Pagkasabi ko nun ay bigla naman syang napatingin sa akin.

"D-dahil nagugustuhan na kita eh. To the point na ayaw kitang mawala sa tabi ko.."

Sabi ko habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng walang katapusang luha mula sa aking mata. Agad ko pinunasan to at tumayo.

"W-wala ka namang pake sa pinagsasabi ko diba? K-kalimutan mo na lahat yun.."

Sabi ko. At maglalakad na sana ng bigla nyang hawakan tong braso ko at iniharap ako sa kanya.

"Lea from the very start you make my heart go crazy. From the very start I can't get you out of my mind. I'm sorry for denying it because I was too afraid to tell you how I feel. Pero ngayon, sasabihin ko na."

Sabi nya at hinawakan tong kamay ko.

"I love you, Lea. I always do."

Bigla nalang bumilis tong tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi nya. Humakbang sya papalapit sa akin at hinawakan tong pisngi ko.

"There, I said it. Are you happy now?"

Tanong nya at tumango nalang ako. Hinawi nya yung buhok ko papunta sa gilid. Dahan-dahan nyang inilapit mukha nya sa akin.

"You don't know how long I've waited to do this.."

Sabi nya. Huh?

"A-ano–"

I was cut off and my eyes grew wide as I felt him kissed me on my lips.



...

an: aaaa sorry kung medyo magulo at corny >.<

SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon