41

703 27 15
                                    

Lea

Halos di ako makatulog dahil sa nangyari kagabi. Di ko pa rin maalis sa isipan ko kung pano nya ako...ah basta yun na yun!

Saktong pagtapos ng klase namin ay dumiretso na ako sa practice room. Pero di ko inaasahan na makakasabay ko si Olivia papunta dun. As always tinarayan nya nanaman ako at di na ako pumatol pa at hinayaan nalang sya tarayan ako. Tss. Mag-sawa sya sana.

"May mga tao talaga na kahit anong sabihin mo hindi pa rin lalayo eh."

Bigla nyang sabi. At halata naman na ako yung pinaparinggan nya. Sa wakas nakarating na rin kami sa practice room. At etong si Olivia naman ay biglang bumait at binati lahat ng nandito kasama na si Eunwoo. Napailing nalang ako. Kung alam lang sana nila na may tinatagong sungay at buntot yang Olivia na yan. Naupo nalang muna ako sa upuan sa gilid at nag-ayos.

Maya-maya ay nilapitan ako ni Eunwoo at umupo sa tabi ko. Ngumiti sya tsaka binati ako.

"Hi."

Ngumiti nalang rin ako sa kanya.

"Nakausap ko na pala sya. Ang sabi nya di naman daw sya galit sayo at sadyang ganun lang daw sya."

Sabi ni Eunwoo at napabuntong hininga ako. 

"Wag ka mag-alala di naman pala sya galit sayo eh."

"Hays. Kung alam mo lang sana."

Sabi ko. Bigla nya naman ako inakbayan. Kung dati lang kinikilig ako pag inaakbayan nya ako pero ngayon hindi na. Syempre wala na akong nararamdaman para sa kanya. But, he still have a special place in my heart.

"Kain tayo mamaya. Libre kita."

"Anong meron??"

"Hm. Wala lang, gusto lang kita ilibre. Sige na, please?"

Sabi nya at nagpuppy eyes pa sa akin. Bigla ko tuloy naalala si Seungmin na palagi rin ako nililibre nun. Naks naman dalawang lalaki na ang naglilibre sa akin ah haha. Joke.

"Sige na nga."

"Yes! Tara na, magpractice na tayo!"

Sabi nya at hinawakan tong kamay ko tsaka hinila na ako papunta sa gitna.

•••

Habang sumasayaw kami ay tumitingin sa akin si Olivia. Nakangisi pa sya ng parang ewan. Tsk. Sarap tanggalin ng ngisi nyang yan.

Di ko nalang sya pinansin at nagfocus nalang sa pagsayaw. Maya-maya ay bigla nya nalang ako tinalisod kaya napatumba tuloy ako sa sahig. Lahat ay napatigil sa pagsayaw at humarap sa akin. Puta ang sakit ha! Tinignan ko si Olivia na sobrang lawak ng ngisi habang nakatingin sa akin. Pinatay nila yung tugtog at agad lumapit sa akin si Eunwoo.

"Lea! Ok ka lang?? Anong nangyari??"

Sunod-sunod nyang tanong sa akin at inalalayan ako patayo. Pinagpagan ko sarili ko habang tinitignan ng masama yung bruhang yun.

"Wala. Nagkamali lang ako ng tapak. Sige na, practice na ulit tayo."

Sabi ko at tumango nalang si Eunwoo tsaka bumalik na sa kanyang pwesto. At inulit namin yung sayaw from the top.

"Di lang yan ang aabutin mo sa akin."

Rinig kong sabi nya. Napahinga ako ng malalim.

"Sa tingin mo ba natatakot ako sa mga pinagsasabi mo?"

Sabi ko at ako naman ngayon ang ngumisi. Ramdam kong tumingin sya sa akin at magsasalita na sana pero nagsimula ng tumugtog yung kanta at wala na rin syang nagawa kundi ang mapasayaw nalang. Pasimple ko syang tinawanan. Buti nga sa kanya.

•••

Ng matapos kaming magpractice ay nagsiuwian na sila. Agad lumapit sa akin si Eunwoo.

"Tara na kain na tayo!"

Sabi nya. Tumango nalang ako at maglalakad na sana ng biglang may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko si Olivia.

"Ano nanaman kailangan mo?"

Tanong ko sa kanya.

"Pwedeng maiwan mo muna kami kakausapin ko lang sya saglit."

Nakangiting sabi ni Olivia kay Eunwoo. Napatingin sa akin si Eunwoo ay tumango nalang ako. Sumenyas sya na hihintayin nya nalang ako sa labas. Ng makaalis na si Eunwoo ay nawala yung ngiti sa kanyang labi at tinignan nya ako ng masama.

"Hindi pa ba sapat yung ginawa ko kanina para layuan mo sya?"

Tanong nya. Hindi ako kumibo at nakatingin lang sa kanya. Bigla nya nalang hinawakan tong buhok ko. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya ay di ko maiwasan masaktan.

"Ano ba! Bitawan m–"

"Layuan mo sya! Wag na wag ka ng lumapit sa kanya!"

Pasigaw nyang sabi at tinulak ako. Akala ko mahuhulog ako pero nagulat ako ng biglang may sumalo sa akin. Napatingin ako dun sa kamay na nakahawak sa bewang ko. At dahan-dahan ako napatingala at nanlaki mga mata ko ng makita ko si Seungmin.

"S-seungmin.."

Sabi ni Olivia. Hinawakan ni Seungmin kamay ko na ikinagulat ni Olivia at ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"A-anong ibig sabih–"

"Wala ka ng pakialam. Huwag na huwag mong sasaktan si Lea kundi ako ang makakaharap mo. Naiintindihan mo?"

Seryosong sabi ni Seungmin.

"Don't you dare mess with my girlfriend again."

Girlfriend? Bago pa ako makapagreact ay hinila na ako paalis dun ni Seungmin.





SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon