62

653 32 24
                                    

Lea

Pagdating ko sa hospital ay agad ako nagtungo kay Chan. Ng makita ko sya ay agad ko syang nilapitan.

"Chan!"

Tawag ko at napatingin sya agad sa akin. Nakita kong medyo nanluluha na si Chan.

"A-anong nangyari??"

"A-andun pa rin sa loob si Seungmin. Ginagawa na lahat ng mga doctor. Mas mabuti kung maghintay nalang tayo.."

Mangiyak-iyak nyang sabi. Napahinga ako ng malalim at di na rin napigilang umiyak. Nakita ko rin yung mga magulang ni Seungmin na halos umiiyak na rin. Habang nag-aantay ay naupo na muna kami sa gilid.

Nanalangin ng nanalangin nalang ako na sana makayanan ni Seungmin. Maya-maya ay naramdaman kong may kumalabit sa akin. Pagtingala ko ay nakita ko si Chan.

"Lea, may gustong kumausap sayo."

Sabi nya at napakunot noo naman ako. Sino naman kaya yun? Tumabi sya sa may gilid at nagulat ako ng makita ko si Olivia. Agad ako napatayo at sinamaan sya ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kanya. Napahinga sya ng malalim at humakbang papalapit sa akin.

"Lea, pwede ba tayo mag-usap?"

Tanong nya. Napatingin ako kay Chan na tumango nalang. I sighed and looked back at her. I just nodded my head.

• • •

"Oh.."

Sabi nya at inabutan ako ng mainit na kape. Nagpasalamat ako tsaka kinuha mula sa kamay nya yung kape. Pagtapos ay naupo sya sa tabi ko. Andito kami ngayon sa labas ng hospital. Medyo mahangin ngayon at mukhang uulan mamaya-maya.

"Lea, gusto ko lang humingi ng tawad sayo.."

Panimula nya. Tahimik lamang ako at hinihintay ang iba pa nyang sasabihin.

"Sorry kung ang sama ng trato ko sayo. Ang totoo nyan, nagseselos lang kasi ako sa inyo ni Seungmin. Bago pa ako magtransfer dun sa school, nalaman ko na may nagugustuhan ng iba si Seungmin at ikaw yun.."

Sabi nya. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. At bumalik sa aking alaala kung pano kami nagkakilala ni Seungmin.

"Napaka selfish ko to the point na gumawa ako ng paraan upang mapaghiwalay kayong dalawa. Nagtagumpay ako, oo. Naging kami ulit. Pero sa tuwing magkasama kami ay tahimik lang sya at alam ko ikaw ang iniisip nya. At ikaw ang tunay na napupusuan nya. Hirap na hirap akong tanggapin. Pero sa huli, natanggap ko na rin na hindi na mababalik pa ang dating kami..."

Dagdag nya at napatingin sya sa akin.

"Humingi rin ako ng tawad sa kanya dahil sa mga pagkakamali na nagawa ko sa kanya at di ko akalain na matapos ko syang saktan ng ganun ay pinatawad nya ako. Totoo ngang napakabait na tao ni Seungmin."

Sabi nya at napangiti sa huli nyang sinabi. Mabait nga si Seungmin pero minsan may pagkademonyo rin yung lalaking yun. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Olivia yung kamay ko.

"Sorry talaga, Lea. Maiintindihan ko kung di mo ako mapatawad. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ka."

"O-ok lang. Pinapatawad na kita. Sabi sa akin ng mama ko, imbis na magtanim ka ng galit habang buhay sa isang tao, ay matuto rin tayong patawarin sila."

Sabi ko at ngumiti rin sa kanya. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko na rin sya pabalik. Maya-maya narinig ko ang kanyang paghikbi.

"S-sorry, Lea."

Paulit-ulit nyang sabi. Napangiti nalang ako at dahan-dahan tinapik ang kanyang likod upang pakalmahin sya. Maya-maya ay kumalas na sya at pinunasan ang kanyang luha sa mata.

"K-kamusta na daw si Seungmin?"

"Wala pang balita e. Mas mabuti kung maghintay at manalangin nalang tayo para sa kanya.."

Sabi ko at tumango-tango nalang sya. Maya-maya ay tumayo na sya.

"Kailangan ko ng umalis. Muli, pasensya na sa mga nagawa ko. At sana alagaan at mahalin ka ng mabuti ni Seungmin."

Sabi nya at ngumiti nalang ako sa kanya. Ng makapagpaalam na sya ay naglakad na sya paalis. At nagpahangin nalang muna ako dito. Di ko nanaman maiwasan isipin si Seungmin. Kamusta na kaya sya? Sana maging ok na ang kalagayan nya.

Bigla ko rin naalala ang kapatid ko. Parehas sila ni Seungmin na may sakit sa puso. Madalas rin ang pagsakit ng dibdib nya hanggang sa sinugod na namin sya sa hospital. I prayed so hard and I thought there's still hope that my brother could make it. But, it went all down the drain as the doctor gave us the news that....he didn't make it. It had a huge impact to us. It was hard accepting that he's already gone. But as days, weeks and months passed by, we finally accepted it.

Natatakot ako na baka mangyari iyon kay Seungmin. Ano nalang ang gagawin ko kung sakaling hindi makayanan ni Seungmin? I can't lose another person that I love so much. Lord, sana po makayanan ni Seungmin. Di ko po kakayanin kung pati sya ay mawala..

Maya-maya ay nagsimula ng umulan kaya pumasok na ako sa loob. Ng makita ko ang ulan ay di ko alam bakit bigla akong kinabahan.

Ng makabalik na ako ay nakita ko sila Chan at yung mga magulang ni Seungmin na nakaupo at naghihintay pa rin. Naupo ako sa tabi ni Chan.

"Ano sabi sayo ni Olivia?"

Tanong nya. I just sighed and rested my head on the wall.

"She said sorry. That's all."

Sabi ko at tumango nalang si Chan. We've waited and waited. Medyo inaantok na ako pero ayokong ipikit tong mata ko. Di ko kayang matulog hangga't wala pang balita sa kalagayan ni Seungmin. Mr. And Mrs. Kim bought food for us pero sabi ko mamaya-maya nalang ako kakain. Sa ngayon nawalan ako ng gana kumain.

It's almost midnight. The hospital is now quiet at kakaunti nalang ang tao maliban sa amin. Maya-maya ay narinig namin bumukas ang pinto. Sabay-sabay kaming napatingin dun at nakita ang doctor. Lahat kami ay napatayo at lumapit agad yung nanay ni Seungmin sa doctor.

"Doc, k-kamusta na po ang anak ko?"

She asked. The doctor slowly took off his face mask. Di ko mawari ang ekspresyon nya. Kung magandang balita ba ang sasabihin nya o hindi. My heart began to beat fast.

"We did our best..."

Panimula nya. My knees began to feel weak. No.. Agad ako inalalayan ni Chan. I prepared for the worst. I held tightly to my chest but tears fall down my face ng marinig namin ang susunod na sinabi ng doctor...













































"The operation was successful. He made it."








...

an: aaaa











SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon