65

864 29 11
                                    

Lea

Lumuhod ako sa may damuhan at tsaka sinindihan yung dalawang kandila na sa may gilid ng kanyang lapida. Pagtapos ay saglit ko iyon pinagmasdan. Nakakalungkot dahil konting panahon ko lang sya nakasama. Hinding-hindi ko sya makakalimutan. Sobra ko syang mahal.

Naramdaman kong may luhang namuo sa gilid ng mata ko. Kung sana lang may nagawa ako para makaabot pa sya. Pero, wala.

"Lea..."

Naramdaman kong hinawakan nya ang aking balikat. Agad ko pinunasan luha ko bago humarap sa kanya.

"M-may naalala lang ako.."

Sabi ko sa kanya. He pulled me close to him and gave me a hug. I just closed my eyes and buried my face in his chest.

"Shh, it's ok. Don't worry, I'm sure your brother will protect you just like how you protect him.."

Sabi nya habang tinatapik ang aking likod upang pakalmahin ako. Lumayo na ako sa kanya tsaka muling pinunasan tong luha sa mata ko. Naupo kami dun sa upuan habang pinagmamasdan ang libingan ng kapatid ko. Birthday nya kasi ngayon kaya namin sya pinuntahan. Di makakapunta sila Mama dahil medyo busy sila at mabuti nalang andito si Seungmin para samahan ako.

"Sayang di ko nakilala kapatid mo. If only I met you a little early."

Sabi ni Seungmin at napangiti nalang ako ng malungkot.

"What was your brother like anyway? I bet he's just like you?"

Sabi ni Seungmin. Huminga ako ng malalim tsaka napatingin sa kanya.

"Hindi. Parehas kayo ng ugali."

Sabi ko na ikinagulat ni Seungmin.

"W-weh?"

"Yup. Minsan mabait, pero minsan may pagkademonyo. Pero mabait naman talaga. Kaya sa tuwing nakikita kita, naaalala ko kapatid ko."

Sabi ko at natawa ng onti. Bigla naman syang napasimangot.

"Oh? Ba't ganyan tsura mo?"

Nagtataka kong tanong sa kanya. Hahawakan ko na sana kamay nya pero mabilis nyang inilayo iyon. Hays. Ayan nanaman sya sa pagiging bata nya.

"Hmp. You don't love me. Mahal mo lang ako dahil nakikita mo ako na parang yung kapatid mo. In short, you only love me like a brother."

Sabi nya at tumayo. Bago pa sya maglakad ay agad ko hinawakan braso nya.

"Jusme naman, Seungmin! Umayos ka nga kundi ipapamulto kita sa kapatid ko! Masunurin pa naman yung batang yun."

Sabi ko at agad naman sya naupo ulit. Ha, takot. Pinigilan ko lang wag matawa.

"Wag ka namang manakot, Lea!"

"Wag ka ng umakto ng ganyan! Syempre mahal kita not just as a brother, but as you! O yan happy ka na?"

"Psh. Parang napilitan ka lang."

Sabi nya. Nagcross-arms pa sya tsaka umiwas ng tingin sa akin. Naku mababatukan ko na talaga sya. Pero ang cute nya punyeta.

SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon