54

619 22 6
                                    

Lea

Tahimik lamang kaming dalawa habang nakaupo sa upuan. May malaking espasyo sa pagitan namin. Sobrang tahimik na ang tanging tunog lang na maririnig ay yung ulan plus yung nakakatakot na kidlat. Syempre di ko pinakita sa kanya na takot ako sa kidlat. He would tease me for sure.

"Sa friday na competition nyo?"

Bigla nyang tanong sa akin. Di ako nagsalita at tumango nalang.

"Well, goodluck to you."

Sabi nya. Psh. Tatanungin ko sana kung manonood sya pero naalala ko na kasali rin pala si Olivia so obviously manonood sya. Of course to support her demon girlfriend.

"Kayo na pala ulit ni Olivia?"

Sabi ko and I heard him said "yes" in a low tone of voice. Napangiti nalang ako ng malungkot kasabay nun ang pagkirot ng aking puso.

"Congrats sa inyo."

Sabi ko at narinig ko syang huminga ng malalim.

"At sa inyo rin ni Eunwoo. You must be so happy right now that he's your boyfriend."

Sabi nya at di ko alam ba't naisara ko tong palad ko.

"Of course you'd be happy. You like him a lot so sino ba naman hindi magiging masaya dun?"

Dagdag nya. Huminga ako ng malalim.

"Mahal mo pa rin sya kahit na nasaktan at napaiyak ka nya nun? You must be out of your mi–"

"TAMA NA!"

Di ko na napigilang sumigaw at umalingawngaw sa buong paligid ang aking boses. I looked at him straight in the eye with my closed fists.

"Di ko alam bakit ganyan ka. Oo alam kong kasalanan ko lahat. Wala ng maganda lumabas dyan sa bibig mo!"

Pasigaw kong sabi. Tumayo ako at tuluyan ng bumuhos yung luha sa aking mata.

"Ganun lang ba kadali sayo na kalimutan ako? Sinusubukan na kitang kausapin but you just completely ignored me."

Mangiyak-iyak kong sabi. Di ko alam ba't bigla ko iyon nasabi sa kanya. Agad ko pinunasan tong luha sa aking mata.

"Oras na siguro para kalimutan rin kita. Masaya ako para sa inyo ni Olivia."

Sabi ko. Tumalikod na ako sa kanya tsaka naglakad palayo. At wala na akong pake kung mabasa man ako ng ulan.

SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon