46

645 22 0
                                    

Lea

Ilang araw na ang nakalipas simula ng sabihin ni Seungmin kay Mama na boyfriend ko sya. Kaya sa tuwing pumupunta si Seungmin sa amin ay tuwang-tuwa naman si Mama. Hays.

Seungmin is not yet my boyfriend. I mean, we're not yet in a relationship even though some think we're already a couple. Di naman sya nanliligaw. Kaya why would he claim na boyfriend ko sya at girlfriend nya ako? Minsan nga napapatanong ako, mahal kaya nya talaga ako? Did he actually mean it? Was he just joking? Hays.

Start na ulit ng practice namin. Katabi ko si Olivia at napansin kong di na sya tumitingin sa akin. Pero may times rin na mararamdaman kong sinasamaan nya ako ng tingin pero wala na akong pake dun.

Nalalapit na yung araw ng dance competition namin. Medyo naeexcite at kinakabahan kami at the same time, lalong-lalo na si Eunwoo. Syempre, sya nagturo lahat ng steps at sya leader namin. That's why we'll try our best to win to make him proud.

After ng practice ay nagmeeting muna kami saglit. Palinga-linga ako sa may pintuan dahil sabi sa akin ni Seungmin kahapon eh ililibre nya daw ulit ako. At may ibibigay daw sya sa akin. Tinanong ko naman kung ano pero sabi nya surprise na daw yun. Pft.

"Ok, pwede na kayo umuwi! Same time ulit tomorrow!"

Pagkasabi nun ni Eunwoo ay nagsialisan na silang lahat. Napatingin muli ako sa pintuan at hindi pa rin dumadating si Seungmin. Hmm..

"Lea!"

Natauhan ako ng marinig kong tinawag ako ni Eunwoo. Tumakbo sya papalapit sa akin na may ngiti sa kanyang labi.

"Mukhang masaya ka ata ngayon ah? Kayo na ulit no?"

Pabiro kong sabi sa kanya at natawa naman sya.

"Hindi no. Ang saya ko lang kasi medyo mapeperfect na natin yung sayaw. At sana sa araw mismo ng competition maperfect pa rin natin."

Sabi ni Eunwoo at tinignan ako diretso sa aking mata. Napansin kong may kakaiba sa mga tingin nya. Dahil dun, napaiwas ako ng tingin.

"S-syempre naman no. Tiwala lang. Sige, mauuna na ako."

"Sabay na tayo!"

Sabi nya at sabay na kaming naglakad palabas ng practice room. Habang naglalakad kami sa hallway ay panay kwento si Eunwoo tungkol sa mga bagay-bagay. Hanggang sa bigla kong naisip si Seungmin. Asan na kaya sya? Naghihintay kaya sya sa labas?

"Umm Lea?"

Natauhan nanaman ako ng tapikin ni Eunwoo yung balikat ko. Agad ako napatingin sa kanya.

"Hmm?"

"Ok ka lang?"

Tanong nya at ramdam ko sa kanyang boses ang pag-aalala. Dahan-dahan akong tumango.

"Gusto mong mag-ice cream? Libre ko."

Nakangiti nyang sabi. Pero si Seungmin..

"Mabilis lang! At tsaka, may gusto sana akong sabihin sayo eh.."

Sabi nya at napakamot sa batok. Pano si Seungmin? Di naman siguro sya magagalit no? Napahinga nalang ako ng malalim tsaka pumayag nalang rin. Napangiti ng malawak si Eunwoo at tsaka hinawakan tong kamay ko na ikinagulat ko naman.

"Let's gooooo!"





...

an: hi my sweetiepies ♡

SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon