52

643 24 7
                                    

Lea

Pagtapos namin mag-usap ni Chan ay bumalik na ako sa classroom. Paulit-ulit na nag-eecho sa utak ko yung sinabi ni Chan.

"Si Seungmin tsaka Olivia. Sila na ulit."

Tears threatened to fall from my eyes. I closed my hands into a fist as I prevent them from falling. Napahinga ako ng malalim at parang biglang sumikip tong dibdib ko. Pero sinubukan kong maging ok kahit na nasasaktan na ako at gusto ko ng maiyak. Ayokong may makita sa akin na umiiyak. Paano pa kaya kung si Seungmin nakakita sa akin?

• • •

"Okay guys, malapit na yung competition! Kaya konting tiis nalang tayo. Tiwala lang na mananalo tayo!"

Sabi ni Eunwoo at nagsihiyawan naman ang lahat maliban sa akin. Pagtapos nun ay pinauwi nya na kaming lahat. Naglakad naman papalapit sa akin si Eunwoo.

"Lea, pwede samahan mo muna ako dito?"

"Umm, bakit?"

Tanong ko.

"May idadag sana ako na step eh. At gusto ko ipakita sayo.."

Sabi nya. Napahinga nalang ako ng malalim tsaka tumango na ikinangiti nya naman ng malapad. Bigla nya nalang hinawakan yung kamay ko at hinila ako papunta sa may gitna.

• • •

Habang pinapanood kong sumayaw si Eunwoo, ay di ko maiwasan mapangiti dahil ang galing nyang sumayaw. Nag-improve yung dancing skills nya. Kung dati lang medyo nahihiya pa syang sumayaw pero ngayon todo hataw na sya. Hahahaha

"Tara Lea, try mo!"

Bigla nyang sabi. Tumayo ako tsaka tumayo sa gilid nya.

"Pano ba yung steps?"

Nakangiti kong sabi at tinuro naman sa akin ni Eunwoo. Medyo mahirap pero pag nalaman mo na ay madali na syang isayaw. Napapatawa kami sa tuwing nagkakamali kami. Di ko alam bat sa tuwing kasama ko si Eunwoo ay panandalian kong nakalimutan problema ko. At sya...

Parehas kami naupo sa sahig ng matapos kaming sumayaw. Medyo hingal na hingal kami at agad nya naman ako inabutan ng tubig.

"Salamat.."

Sabi ko at ininom iyon. Pagtapos ay sandaling nagkaron ng nakakabinging katahimikan. Maya-maya ay bigla syang nagsalita.

"Lea..."

"Hmm?"

Sabi ko tsaka napatingin sa kanya at nakayuko naman sya.

"May...nararamdaman ka ba para kay Seungmin?"

Tanong nya at saglit naman akong natigilan. May kung anong kumirot sa aking puso at napayuko nalang rin ako.

"O-oo...pero huli na ako para sabihin sa kanya. Kinalimutan nya na ako at tsaka, bumalik na sya sa una at tunay nyang minamahal..."

Sabi ko at naramdaman kong may luha ng tumutulo mula sa aking mata. Napakasakit na ganun lang nya ako kabilis na kinalimutan. Pero ako hirap na hirap syang kalimutan. Di ako makatulog sa gabi kakaisip sa kanya. Gustong-gusto ko na syang makausap at humingi ng tawad. Pero sa tuwing gagawin ko iyon, titignan nya lang ako na parang basurang nakakalat sa daan. I guess he did forget about me. I guess he already forget his feelings for me.

And maybe, I should forget my feelings for him too.

Kasalanan ko ang lahat. At di ko na maaaring maiayos ito...

Naramdaman kong lumapit sa akin si Eunwoo at niyakap ako. Napapikit nalang ako at hinayaan ang aking sarili na umiyak. Wala na akong magagawa kundi maiyak nalang...

"I'm sorry, Lea..."

Sabi ni Eunwoo. Kumalas na sya at tinignan ako diretso sa aking mata.

"Kahit ano man ang mangyari, andito pa rin ako. Hinding-hindi kita iiwanan. Mahal kita, Lea.."

Sabi nya. At hinawi ang aking buhok papunta sa gilid. Dahan-dahan nya nilapit ang kanyang mukha sa akin. He gently held my cheeks as I closed my eyes until I felt his lips pressed against mine.

Maybe I should forget about you too, Seungmin...




...

an: hala sorry kung ang corny!!

SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon