57

615 22 0
                                    

Lea

Pagdating namin ni Eunwoo sa hospital ay nagmamadali akong tumakbo papasok at tinanong kung san ang kwarto ni Seungmin. Ng masabi na sa amin ng isang babae ay nagpasalamat ako sa kanya at patakbong nagtungo roon.

Oh god, anong nangyari kay Seungmin? Sana walang masamang nangyari sa kanya..

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang gusto ko ng maiyak. Sa di kalayuan ay namataan ko si Chan. Ng makita nya ako ay agad syang napatayo.

"L-lea.."

Sabi nya. Ng makalapit ako sa kanya ay hinawakan ko ang mga braso nya.

"S-si Seungmin? A-anong nangyari kay Seungmin? P-please sumagot ka!"

Pasigaw kong sabi. Di ko na maiwasan maiyak. Agad naman nya ako inalalayan.

"Nasa loob sya, Lea. Hindi pa nakakalabas yung doctor. Mas mabuti kung maghintay nalang tayo.."

Sabi nya. Di ko kakayanin kung may masamang nangyari sa kanya. Naupo muna kaming tatlo saglit at si Eunwoo naman ay bumili ng tubig. Kwinento sa akin ni Chan na muli nanaman daw sumakit ang dibdib ni Seungmin hanggang sa bigla nalang daw sya hinimatay kaya sinugod daw nila agad dito sa hospital.

Habang naghihintay ay nagdasal muna ako. Nakabalik na si Eunwoo at binigay yung inumin na binili nya para sa amin. Nagpasalamat ako sa kanya. Maya-maya ay bigla nyang hinawakan tong kamay ko. Dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya.

"Wag ka mag-alala, Lea. Magiging maayos rin ito."

"S-salamat, Eunwoo.."

Sabi ko at ngumiti nalang sa kanya. Maya-maya ay nakalabas na yung doctor. Agad kami napatayo at lumapit sa kanya.

"D-doc, kamusta na po si Seungmin?"

Tanong namin. Napahinga naman sya ng malalim.

"May sakit sya sa kanyang puso. Kailangan sya'y maoperahan.."

Sabi ng doctor na ikinagulat naming lahat. S-si Seungmin...m-may sakit sa puso?

"Kelan po sya ooperahan?"

"If possible po mas maaga. Baka mamaya'y lumalala ang kanyang sakit sa kanyang puso na posible nyang ikamatay. Ngayon po, kailangan ko po makausap ang mga magulang ng pasyente."


SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon