47

663 23 2
                                    

Lea

Nilibre ako ni Eunwoo ng ice cream sa isang ice cream shop na malapit lang sa school. Sabi nya sa akin na madalas daw sila nagpupunta ng girlfriend nya dito. Pero simula daw ng 'magkalabuan' sila ay di na daw sya nakakapunta dito. At sabi nya pa na ngayon lang ulit sya nakapunta dito.

"Miss mo na siguro sya no?"

Tanong ko sa kanya habang kinakain ko yung chocolate ice cream na libre nya sa akin. Natigilan naman sya saglit at napayuko. Napansin kong biglang lumungkot yung mukha nya.

"Bakit?"

Tanong ko at napahinga naman sya ng malalim tsaka napatingin muli sa akin.

"Ang totoo nyan, matagal na syang nakipagbreak sa akin.."

Sabi nya at di ko naman maiwasan magulat. What the? Break na sila?

"S-sorry. Di ko na pala dapat–"

"Ok lang yun, ano ka ba. At tsaka, tanggap ko naman na e. Sadyang di lang kami para sa isa't isa."

Sabi nya at mababakas ang kalungkutan sa kanyang boses. Di ko naman maiwasan maawa para sa kanya. All along akala ko ayos na sila ng gf nya pero yun pala break na sila. Sana all mabilis mag-move on eh..

"Hey, ok lang talaga ako."

Nakangiti nyang sabi sa akin. Napangiti nalang rin ako at kumain na ulit kami. Habang kumakain kami ay di ko nanaman maiwasan isipin si Seungmin kung nasan na sya. Di naman sya nagtetext o tumawag man lang. Baka mamaya nakalimutan nya na?

"Kamusta pala kayo ni Seungmin?"

Bigla nyang tanong sa akin. Napaayos naman ako ng upo. Ayun, tao pa rin naman kami. De joke.

"Umm, ok lang naman. Bakit?"

"Kayo na ba?"

Muntikan na ako mabilaukan ng dahil sa tanong nya. Gusto kong sabihing "Oo" pero may kung anong pumipigil sa akin..

"We're...just friends."

Sabi ko. At may kung anong kumirot sa aking puso. Napansin kong biglang nanahimik si Eunwoo.

"Eunwoo?"

Tawag ko pero di sya umimik. Magsasalita na sana ako pero naunahan nya ako.

"Tara, hatid na kita."

Nakangiti nyang sabi. Sakto naman tapos ko ng kainin tong ice cream at ganun rin sya. Di pa rin dumadating si Seungmin kaya pumayag nalang rin ako.

...

Tahimik lang kaming dalawa habang tinatahak namin ang daan. Kanina pa kami naglalakad at hanggang ngayon ang tahimik pa rin ni Eunwoo. Kanina pa sya tahimik simula ng makaalis kami dun sa shop. May nasabi o nabanggit kaya ako na ikinasama ng loob nya?? Kung meron man, ano yun??

"Eunwoo, ok ka lang?"

"Mmhmm."

Sabi nya ng di tumitingin sa akin. Tumango nalang ako at maya-maya nagulat nalang ako ng biglang tumigil sa paglalakad si Eunwoo kaya napatigil rin ako at humarap sa kanya.

SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon