53

637 23 21
                                    

Lea

Another week had passed. At sa Friday na gaganapin yung dance competition na inaabangan naming lahat. Ang bilis no?

Di na kami masyado nagpapansinan ni Seungmin. I tried my best to avoid him sa tuwing magkakasalubong kami sa hallway pero may kung anong kumikirot sa puso ko everytime I looked at him.

Did he really forget about me?

Parati na kaming magkasama ni Eunwoo. Napagkakamalan nga kaming couple. But, we're not.

Madalas ko rin nakikita magkasama sina Olivia tsaka si Seungmin. So tama nga yung sinabi ni Chan na sila na ulit. At abot hanggang langit ang ngisi ni Olivia sa tuwing nakikita ko silang magkasama. And I would just ignore her. Wala na akong pake kung magkabalikan na sila ni Seungmin.

After class ay dumiretso na ako sa practice room. Pagpasok ko dun ay bigla akong natigilan ng makita kong nandun si...Seungmin. Magkatabi silang nakaupo sa gilid ni Olivia at masayang nag-uusap. Bigla syang napatingin sa akin at sakto naman may humarang sa harapan ko, blocking my view. Pagtingala ko ay si Eunwoo pala yun.

"Hi, Lea."

Nakangiti nyang bati. At ngumiti nalang ako sa kanya. Sabay kaming nagpunta sa mga upuan sa gilid, katapat nila Seungmin. Naramdaman kong nakatingin sa amin ngayon si Seungmin. Di ko tuloy maiwasan mapalunok dahil sa kaba.

"Oo nga pala, remember the dance step na tinuro ko sayo nung isang araw?"

Tanong nya. Dahan-dahan naman ako tumango.

"Ituturo ko na sa kanila ngayon and hopefully ma-gets nila agad. Will you help me?"

Tanong nya. Di ko alam ba't bigla akong napatingin kay Seungmin at nahuli ko syang nakatingin sa amin. Agad naman syang napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang pagkirot ng aking puso.

"Lea?"

Natauhan ako ng hawakan ni Eunwoo balikat ko. Napatingin ako sa kamay nya na nakapatong sa balikat ko at sa kanya.

"S-sige.."

Sabi ko. Ngumiti naman sya tsaka tumayo at naglakad na papunta sa gitna. Nag-ayos muna ako at maya-maya ay nilapitan ako ng isa naming kasama.

"Hey, ba't si Olivia na kasama nya? Diba dati kayo magkasama?"

Tanong nya. Napabuntong hininga naman ako tsaka napatayo.

"Girlfriend nya naman si Olivia eh."

Sabi ko at napakunot noo naman sya. Di ko na sya pinansin at naglakad na sa gitna ng tawagin na kaming lahat ni Eunwoo upang makapag-umpisa na. Ng makapwesto na sa tabi ko si Olivia narinig ko syang nagsalita.

"You don't deserve him. And he doesn't deserve you either."

At tumawa na parang demonyo. Ikinuyom ko ang aking palad at pinigilang wag syang patulan. Di ko nalang sya pinansin at nagsimula na kaming magpractice.

Habang sumasayaw kami ay ramdam kong nakatingin sa akin si Seungmin, which makes me feel uneasy. I just remained calm and focus on dancing.

Pagtapos namin sumayaw ay itinuro na ni Eunwoo yung step na gusto nyang idagdag. I thought he needed my help but he managed to teach it to us so well. Kaya nya naman pala eh. Nakuha naman nila agad at sobrang tuwa naman ni Eunwoo to the point na tumalon-talon sya na parang bata. Natawa silang lahat at di ko naman maiwasan mapangiti dahil ang cute nyang pagmasdan. Then suddenly, I looked to my side and saw Seungmin looking seriously at me. My smile slowly faded and I quickly looked away. W-weird.

Ng matapos kaming magpractice ay nagsiuwian na silang lahat. May inasikaso lang muna si Eunwoo at sabi nya hintayin ko daw sya. Nakaupo lang ako at gustong-gusto ko na umalis dahil nasa tapat ko sila Seungmin tsaka Olivia. Ang tagal ni Eunwoo.

Ng makarating na si Eunwoo ay niyaya ko na agad syang umalis. Paglabas namin sa campus ay ihahatid nya na sana ako pero sabi ko ako na uuwi mag-isa.

"Pero–"

"Wag ka mag-alala, kaya ko naman eh."

Sabi ko at ngumiti sa kanya. Wala na syang ibang sinabi. Napabuntong hininga nalang sya at humakbang papalapit sa akin. Akala ko kung anong gagawin nya pero hinalikan nya ako sa aking noo.

"Be careful..."

Sabi nya. Tumango nalang ako at nagpaalam na sa kanya tsaka naglakad na palayo. Gusto ko lang muna mapagisa kaya tumanggi muna ako na ihatid nya ako. Masyadong maraming ganap kanina. I just need to cool off my head.

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may pumatak sa aking balikat. Pagtingala ko ay sunod-suno na yung pagpatak ng mga tubig. Umaambon na. Naalala ko wala nga pala akong dalang payong kaya tumakbo agad ako papunta sa waiting shed sa may gilid ng kalsada. Saktong pagdating ko dun ay lumakas na yung ambon. Di ko naman matatawagan sila Mama dahil walang load tong cellphone ko.

Kaya wala na akong nagawa kundi maupo nalang sa upuan at hintayin tumila yung ulan.

Maya-maya ay may tumakbo rin papunta dito. At nanlaki mata ko ng makita ko kung sino sya. Ng magtama mga mata namin ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Seungmin...





SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon