56

667 22 8
                                    

Lea

Friday

Ngayon na ang araw ng dance competition namin. Nag-aayos na kaming lahat at yung iba naman ay prinapractice yung sayaw namin.

Napatingin ako kay Eunwoo na nag-aayos sa may gilid. Napatingin rin sya sa akin at nginitian ako. Napangiti nalang rin ako sa kanya.

"Ok guys! Diretso na tayo sa main quadrangle!"

Pag-anunsyo ni Eunwoo at lahat nagsihiyawan dahil sa tuwa. Sabay-sabay na silang nagsilabasan ng practice room. At sumabay na sa akin si Eunwoo.

"Kinakabahan ka ba?"

Tanong nya sa akin habang naglalakad kami sa hallway. Napahinga naman ako ng malalim.

"Medyo. Baka mamaya mas magaling pala yung kalaban natin.."

"Hey, wag mong sabihin yan. Manalo man tayo o hindi, I'm still proud for you guys."

Sabi ni Eunwoo at muling ngumiti sa akin. Napangiti nalang rin ako. Ng makadating kami sa main quad ay ang dami ng estudyante ang nandoon. Sabi sa amin na ang magiging kalaban namin ay taga ibang school. Kaya andito rin yung mga estudyante para suportahan sila.

Dumiretso kami sa backstage. Di pa naman nagsisimula yung competition. Maya-maya ay pinatawag si Eunwoo kaya umalis muna sya saglit. At ako naupo muna sa upuan at nanalangin na sana makayanan namin to at sana walang masamang mangyari.

Maya-maya ay nilapitan ako ng isang kasama namin. Napatingala ako at nakita kong may hawak syang rosas.

"Para saan yan?"

Tanong ko. Ngumiti naman sya sa akin.

"Para sayo. Pinapamigay nya."

Sabi nya. Huh? Dahan-dahan ko kinuha mula sa kamay nya yung rosas at agad naman syang umalis. Kanino naman galing to? Kay Eunwoo? Inamoy ko iyon at napangiti dahil ang bango nito. May napansin rin akong papel na nakadikit dun. Binasa ko yung nakasulat.

" goodluck :) "

Mas lalo akong napangiti. Maya-maya ay nakabalik na si Eunwoo.

"Hi, I'm back!"

Sabi nya. Magsasalita na sana ako para pasalamatan sya sa rosas na binigay nya kaso nagsimula ng magsalita yung emcee, senyales na magsisimula na yung competition. Lahat kami nagtipon-tipon ng tawagin kaming lahat ni Eunwoo.

"Okay guys! Kaya natin to! Tiwala lang!"

• • •

Pagtapos nilang sumayaw ay nagsipalakpakan kami. Aamin ko, maganda ang kanilang sayaw at sabay-sabay silang lahat. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Maya-maya ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko sa gilid ko ay nakita ko si Eunwoo na nakangiti habang nakatingin sa stage.

"Don't worry, Lea. We can do this."

He said and looked back at me. I just smiled at him. Ng matawag na yung group namin ng emcee ay pumunta na kaming lahat sa gitna at sa mga pwesto namin. Sobrang lakas ng kanilang mga palakpakan at hiyawan. And most of the girls are cheering for Eunwoo.

SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon