51

640 23 20
                                    

Lea

Pagpasok ko ng practice room ay nakita ko agad si Eunwoo. Ng magtama ang paningin namin ay bigla kong naalala yung pag-amin nya sa akin nung isang araw. Agad ako napaiwas ng tingin at dumiretso sa mga upuan sa gilid.

"Lea.."

Rinig kong tawag ni Eunwoo at paglingon ko ay nakatayo na sya sa harapan ko.

"E-eunwoo..."

"Yung tungkol dun sa sinabi mo kung nung isang araw, I'm sorry kung nawirdohan–"

"O-ok lang..."

Pagpuputol ko sa kanya. Ngumiti nalang ako sa kanya at sya naman ay napahinga ng malalim. Pagtapos nun ay sinimulan na namin magpractice. At habang nagprapractice kami ay pansin kong nakangisi sa akin si Olivia. Hmm.

• • •

"Hatid na kita, Lea."

Sabi sa akin ni Eunwoo ng makita nya akong palabas ng practice room. Tumango nalang ako at sabay na kaming naglakad. Tahimik lamang kaming dalawa habang naglalakad sa hallway.

"Mag-ccr lang ako.."

Sabi ko kay Eunwoo. Tumango nalang sya at naglakad agad ako papunta sa cr. Papasok na sana ako sa cr ng bigla akong natigilan ng may narinig akong nag-uusap. Parang pamilyar yung boses na yun..

Sinundan ko kung san nanggaling yung boses at sa isang hallway ay may nakita akong dalawang tao. At yung dalawang taong yun ay....si Seungmin tsaka Olivia. May kung anong kumirot sa aking puso.

"Kalimutan mo na sya, Seungmin. Hindi ka nya mahal. Mas mahal nya pa yung lalaking yun kesa sayo."

Sabi ni Olivia. At nakayuko lamang si Seungmin at hindi umiimik. Maya-maya ay niyakap ni Olivia si Seungmin, na mas lalong nagpakirot ng puso ko. Naramdaman kong may luhang namuo sa aking mata.

"Tama ka. Dapat ko na syang kalimutan.."

Walang kaemo-emosyon na sabi ni Seungmin habang nakayuko pa rin. At tuluyan ng bumuhos tong luha sa aking mata. Di ko na kinaya at umalis na ako dun.

• • •

Kinabukasan, pagtapos kong kumain ng lunch sa canteen ay pabalik na sana ako sa classroom ng may biglang bumangga sa akin.

"Oh! Sorry–Lea?"

Napatingala ako at nakita si Chan. Napalunok ako at di alam ang sasabihin. Napahinga ako ng malalim at napayuko. Aalis na sana ako ng bigla nya akong pigilan.

"Teka, pwede ba tayo mag-usap?"

Sabi nya. Ano naman pag-uusapan namin? Alam nya na kaya na di na kami nagpapansinan ni Seungmin? Napahinga muli ako ng malalim at dahan-dahan tumango.

Nagpunta kami ni Chan sa may school garden upang wala makarinig sa amin. Nakaupo kami sa isang bench malapit sa puno.

"Umm...nalaman ko na pala yung tungkol sa inyo ni Seungmin.."

Panimula nya. Nakayuko lamang ako at di umiimik.

"Gusto mo bang pag-usapan?"

Tanong nya. Napabuntong hininga ako tsaka napatingin sa kanya.

"Para saan pa? Kasalanan ko lahat."

Sabi ko habang nakatingin lang sa akin si Chan.

"Maaari ka naman humingi ng tawad sa kanya pero.."

Bigla nalang sya napatigil. Napakunot noo naman ako.

"Pero...ano?"

Sabi ko at parang ayaw pa sabihin ni Chan. Hinawakan ko sya sa braso nya at pinilit syang sabihin sa akin.

"Chan. Please, sabihin mo na."

Pagpupumilit ko. Napahinga naman ng malalim si Chan bago tumingin sa akin.

"Si Seungmin tsaka Olivia. Sila na ulit.."




SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon