36

678 23 16
                                    

Lea

Habang di pa kami nagsisimula ay nag-warm up muna kami sa pangunguna ng kasama namin. Wala pa si Eunwoo may aasikasuhin lang daw sya pero babalik daw agad sya.

Habang nagwawarm-up kami ay narinig kong nag-uusap yung mga kasama ko.

"Alam mo ba, may bagong student daw na nagtransfer dito."

"Ay weh?"

Sabi nila. May bagong magtratransfer dito? Sino naman kaya?

Natigilan kami lahat ng biglang bumukas yung pinto. Lahat kami napatingin dun at nakita namin si Eunwoo na may kasamang babae. And no, hindi sya yung gf ni Eunwoo. Parang ngayon ko palang sya nakita. Tinawag kami lahat ni Eunwoo kaya nagtipon-tipon kami sa harapan nya.

"Guys! Sya nga pala si Olivia. Kakatransfer nya lang dito."

Pagpapakilala ni Eunwoo at ngumiti naman sa amin yung Olivia. So sya pala yung bagong student na nagtransfer dito na pinag-uusapan nila kanina?

"She will join our dance group at babaguhin natin yung formation natin."

Pagsabi nun ni Eunwoo ay lahat kami nagulat. Yung iba naman nagreklamo. I mean, sino bang hindi? Halos ilang araw na kami nagprapractice. May nabuo na kaming formation tapos nabuo na rin namin sayaw. Then biglang babaguhin yung formation?

"I know nagulat kayo pero please makipag-cooperate nalang kayo. Malapit na yung competition at alam kong makakaya natin to."

Sabi ni Eunwoo at tumango nalang kaming lahat. Pagtapos nun ay sinimulan na naming magpractice. Pwinesto ni Eunwoo si Olivia sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya at binati sya.

"Hi Olivia. Ako nga pala si Lea."

Sabi ko at inilahad yung kamay ko para makipagkamay sa kanya. Pero tinignan nya lang iyon at kita ko kung pano nya ako tinarayan. The heck?

Tinuro ulit ni Eunwoo yung first step kaya sinabayan namin sya. Di ko maiwasan mapasulyap kay Olivia. Pag sa iba ngumingiti naman sya pero bakit sa akin tinarayan nya ako? So weird.

•••

So far nagets naman agad ni Olivia yung step at di ko maiwasan mamangha dahil ang galing nya rin pala sumayaw. I mean magaling rin naman ako sumayaw pero sya, kakaiba yung paggalaw ng katawan nya eh. She's very flexible and the way she moves is so sexy. Kaya naman pala halos maglaway na yung mga lalaki dito.  Katabi ko pa naman din sya.

"Ok good job guys! Especially sayo Olivia dahil nagets mo agad yung mga steps."

Sabi ni Eunwoo at ngumiti naman si Olivia.

"Salamat."

Matipid nyang sabi at pagharap nya sa akin bigla nalang nawala yung ngiti nya. Anong problema nitong babaeng to?

Ng matapos na practice namin ay nagsiuwian na yung iba. Naalala ko na sabi ni Seungmin na manonood sya sa amin ngayon pero bakit wala sya? Tapos na practice namin di pa rin sya dumadating. Baka busy sya?

Nakita kong umalis na si Olivia. May galit ba sya sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Maya-maya ay lumapit sa akin si Eunwoo.

"Hey!"

Sabi nya. Napahinga ako ng malalim tsaka humarap sa kanya.

"Eunwoo, may galit ba sa akin si Olivia?"

Tanong ko at napakunot naman yung noo nya.

"May galit sya sayo? Bat mo naman nasabi yan?"

"Eh kasi binati ko sya kanina tapos tinarayan nya ako. Like pag sa inyo ngumingiti sya tapos ang bait pa nya. Pero pagdating sa akin ang sama ng timpla ng mukha nya.."

Sabi ko at napaisip naman si Eunwoo.

"Baka ganun lang talaga sya?"

"Sus. Baka nga gusto nya akong patayin eh."

Sabi ko at tumawa naman si Eunwoo at inakbayan ako. May nakakatawa sa sinabi ko?

"Ikaw talaga. Sige, kakausapin ko sya bukas. Tara, uwi na tayo."

"Hays. Sige."

Sabi ko at naglakad na kami palabas ng practice room. Asan kaya si Seungmin?





SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon