61

638 24 2
                                    

Lea

Andito kami ngayon ni Eunwoo sa isang maliit na coffee shop. Tahimik lamang kaming dalawa habang dinadama ang paligid. Maya-maya ay bigla syang nagsalita.

"Kamusta na daw si Seungmin?"

Tanong nya. Napahinga ako ng malalim.

"Hindi ko pa alam. Sabi ni Chan ngayon palang daw sya ooperahan.."

Sabi ko at tumango-tango nalang sya. Nananalangin pa rin ako na sana makayanan ni Seungmin at sana maging maayos ang kanyang operasyon. I don't want to lose him.

"Mahal mo sya?"

Biglang tanong ni Eunwoo. Napayuko ako ng ulo at di alam ang sasabihin.

"Alam ko naman na mahal mo sya."

Dagdag nya. Sinubukan kong tumingin sa kanya pero di ko magawa.

"Eunwoo–"

"Ok lang sa akin."

Nakangiti nyang sabi pero alam kong malungkot sya. Di na ako nakapagsalita pa at nanatili nalang tahimik.

Maya-maya ay naisipan naming umuwi. Wala ng ibang sinabi sa akin si Eunwoo at nagpaalam na sa akin. Gusto ko sanang mag-sorry sa kanya kaso nakaalis na sya agad. Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan syang maglakad palayo sa akin.

"P-pasensya na, Eunwoo.."

Pabulong kong sabi at naglakad na rin pauwi. Ng makauwi ako ay dumiretso ako sa aking kwarto tsaka nagpahinga. Kinamusta naman nila Mama si Seungmin dahil nasabi ko na rin sa kanila yung tungkol sa nangyari sa kanya. At sinabi kong ok lang. Ayoko ng mag-alala pa sila kay Seungmin kaya nagsinungaling nalang muna ako.

Narinig kong tumunog cellphone ko. Agad ko iyon kinuha at nakitang nagmessage sa akin si Chan. Binasa ko kaagad iyon.

• • •

Chan: lea..

Lea: anong nangyari??

Chan: medyo nahirapan sila kanina. di daw masyado nakakayanan ni seungmin..

Chan: pero lea wag kang mag-alala gumagawa na ng paraan yung doctor at sinusubukan nila ang kanilang makakaya..

Lea: chan pupunta ako dyan

Lea: ayokong mawala si seungmin

Chan: sige

• • •

Agad ako tumayo at nagbihis. Nagpaalam na ako kila Mama at nagmamadaling pumunta ng hospital.









an: aaaa hello!¡ sorry for the super duper late update haha.

anywayss, i just wanna say congratulations to these precious angels, kim seungmin and hwang hyunjin!

anywayss, i just wanna say congratulations to these precious angels, kim seungmin and hwang hyunjin!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


*photos are not mine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


*photos are not mine. ctto.







SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon