Chapter 33: Find the real Lotus and golden Apple

7K 162 18
                                        


Leandra Jazzleen Wilson POV

Nakakamangha talaga dito sa Magic world.. Alam niyo ba kung ano ang ginagawa namin ngayon? Naglalakad lang naman kami sa ibabaw ng tubig!! Ang cool!!

Draven Arcele Butch Hartly POV

Bakit siya pa ang kasama ko!? Hindi ko magawang tumingin sa kanya, kapag kasi tumingin ako sa kanya naaalala ko ang halik namin! Arrgh.. Umiinit na naman ang mukha ko!

"Draven ayos ka lang? Namumula ka!"-tanong niya at sinapo ang aking noo..

Mas lalo ata akong namula dahil sa ginawa niya at ang lapit lapit pa ng kanyang mukha ramdam ko na ang hininga niya...

"Hala mas lalo ka pang—"-hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil ramdam narin niya ang aking hininga... Natigilan siya at unti unting kong binaba ang tingin ko papunta sa kanyang mapupulang labi....

Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya, para bang hinihila ako ng kanyang labi para aking sakupin gamit ang aking labi na kanina pa nagtitimpi dahil gustong gusto ko ng halikan ang kanyang labi!

Hindi ko na mapigilan!!!

Inilalapit ko na ang aking labi nang biglang may humatak kay LJ pababa papunta sa tubig na aming kinatatayuan...

Mga sea monsters! Ibat ibang uri ng mga halimaw ng dagat ang naririto!

"Sh*t!!"-mura ko at dali dali kong hinatak ang kanyang kamay...

Humahatak ako at may humahatak din sa kanya pababa...

"Aaaaahhhhhhhhhh! Nasasaktan na ako!!!"-galit galit niyang sabi...

Napalunok naman ako nang wala sa oras!

Ginamit ko ang aking Light Magic..

"Light ball!"-sigaw ko habang pinatamaan ko sa halimaw na humihila kay LJ....

Nakatayo na si LJ sa tabi ko ngunit rinig na rinig ko ang salpukan ng kanyang mga ngipin dahil sa galit...

"Walang magagawa ang magic ko dahil hindi ako collector ng mga halimaw! Collector lang ako ng mga kapangyarihan.. Pero pagsisisihan nila na hinatak nila ako Kaya nabasa na ang short ko at masakit na rin ang aking paa!"-galit na galit niyang sabi at nagpalabas ng isang chain ngunit sa dulo ay may claws na tatlong matutulis at kumikislap pa ito!

"Maghiwalay Tayo!"- sabi niya at lumayo sa akin

Bakit ganon? Alam ko naman na maghiwalay kami para makapaglaban ng maayos ngunit nasaktan ako sa sinabi niyang maghiwalay kami? Bakit ganito?

Hindi na lang ako umimik at gumawa ng latigo na gawa ng light magic ko! At hinahampas hampas ko sa mga sea monsters at sa nagtatangkang humawak sa paa ko para hatakin ako pababa..

Hindi ko maiwasang hindi tignan si LJ na ngayon ay hinihiwa sa tatlo ang mga halimaw..

Para akong proud boyfriend dito! Habang nakikipaglaban ako nakita kong may tumatakbo sa likod ni LJ at hawak ang isang matulis na kutsilyo at handang handa ng itusok kay LJ...

"LJ!!! Dapa!!"-sigaw ko..

Narinig niya naman iyon at sinunod niya aking sinabi at nagpakawala ako madaming light spikes at pinatama sa mga halimaw...

Isang oras kami atang nakikipaglaban hindi sila maubos-ubos...

"Matanda ka na masyado Butch hinihingal ka na!"-natatawang sabi ni LJ sa akin!

Damn bawas points iyon.. Pero tinawag niya akong Butch!♥

"Tayo na!"- sabi niya at naglakad na kami papunta sa isang kweba ngunit gawa sa tubig!

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon