Chapter 46:

5.5K 121 1
                                        

Rhyle Justine Brookline POV

Patuloy akong umiilag sa aking kalaban, eh isa siyang acid manipulator... Gamit ang kanyang dura ewww... Nakangisi lang ito sa akin...

"Oh baby be mine"- sabi niya with lip bite pa...

Oh no way.. I won't going to love her... Tsk poor her

Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala ang acid manipulator at hawak na ang aking balikat

Bakit ba kasi ako nawalan sa katinuan..

Hahakbang na sana ako ngunit may matulis na tubig ang bumulusok sa direksyon ng aking kalaban..  Kaya napalayo ito sa akin at sinamaan ng tingin ang may gawa nito...

Uminit ata ang mukha ko! Sh*t..

Nakita ko si Errinaya masama ang tingin sa aking kalaban. Bakit masama ang tingin niya rito? Nagseselos ba siya? May nararamdaman din ba siya sa akin? Hindi na ako one sided love?

"Sa-salamat" nauutal kong sabi kay Errinaya nung napansin ko na nasa tabi ko na pala siya...

Tumingin siya sa akin at tumingin ulit sa kalaban ng matalim...

"Don't be! Hindi ko naman hahayaan na mamatay ka o maakit ka niya"-madiing niyang sabi habang nakatingin sa amin kalaban na ngayon ay nakangisi na nakatingin sa amin...

"Are you.... Uhmm.. Areyouinlovewithme?"-dire-diretsong tanong ko sa kanya, napabatok na lang ako sa aking katangahan at kadaldalan ko.. Ito ang magpapahamak sa akin eh o di kaya ito ang magiging dahilan kong bakit ako mabibisto!

Napahiga ako nang may tumulak sa akin.. Tumingin ako sa taong ito si Errinaya na gumawa pala ng tubig na harang para hindi kami mabuhusan ng acido mahirap nang malapnos baka hindi na ako mahalin ni Errinaya...

"Pwede ba, bumalik ka sa katinuan mo! Wag tatanga tanga ok!"-sigaw ni Errinaya sa akin at pinatamaan ang aming kalaban ng maraming Water spikes...

Umiwas iwas lang ang aming kalaban...

Tumayo ako at gumawa ng air spikes at pinatama sa aming kalaban, umiwas ito..

Tumingin ako kay Errinaya na nakatingin pala sa akin, tumango ako sa kanya bilang gumawa ng isang senyales..

Binuka ko ang aking mga palad, ganon din si Errinaya, nakita ko ang pagbuo ng dalawang ipo ipo sa aking mga kamay, ganon din ang ginawa ni Errinaya nakita ko rin na pinalabas niya sa kanyang mga palad any dalawang ipo ipo na gawa sa tubig...

Unti unti kaming lumuhod at ibinaba ang among mga palad at hanggang naging apat na malalaking ipo ipo kinukuntrol namin ito gamit ang aming mga kamay...

Parang nagsasayaw ang aming mga kamay sa ere at sumasabay naman ang aming mga malalaking ipo ipo.. Nakatingin sa amin ang aming kalaban...

Iginaya namin ang mga ipo ipo sa palibot niya at pinagsaklop namin ang aming mga palad para makulong at mawala na ang aming kalaban...

Ngumiti sa akin si Errinaya, ngumiti rin ako sa kanya. Naglakad siya papunta sa akin at ginawaran niya ako ng isang mabilis na halik sa aking labi... Ohhhh... She kissed me? Yes she did!

Tumingin ako sa kanya ngunit naging tubig na ito at pumunta na sa iba pa.. Matapos makanakaw ng halik iiwan na niya lang ako? Diba dapat ako rin ay humalik din sa kanya para patas? But at the same time I'm happy...

Lyna Bethe Faulkner POV

Napadako ang tingin ko sa aking kalaban hmmm.. pogi siya! Macho, pinky lip, pointed nose. Sayang kalaban kasi siya eh.. I want him to be my husband sana...

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon