Chapter 37: Attack 2

5.6K 159 0
                                        



Mahriya Acele Cyrene Yilvoxe Hartly POV



Habang nakikipaglaban kami nahulog ang isang nakahood sa isang portal.. Siguro kinuha siya ng dimension creator para kalabanin sina Rhyle at Errinaya..

Habang nakikipaglaban kami may isang nakahood na bigla na lang lumaki... Omg resize magic...

Itinaas niya ang paa niya at ibinagsak sa aming direksyon.. nagpagulong gulong ako sa lupa...

"Ice spikes!"-sigaw ko at pinatama sa malaking ito...

Naglabas siya ng axe at ginamit ito para mawasak ang ice spikes ko!

Talagang hinahamon nila ako!

Tumalon ako at malakas kong hinampas ang dark chain ko sa kanya...

"Aaaarrggggg.."-malakas niyang daing

Napangiti naman ako at pinulupot ko ang akong dark chain sa kanyang leeg at binigkas ang mga salitang iyon..

"Dark chain spikes!"-sigaw ko at lumabas ang mga matutulis na bagay sa dark chain ko na nakapulupot sa leeg ng aking kalaban..

Natumba naman ito na wala ng buhay at bumalik na ito sa kanyang dating anyo...

Tumingin naman sa akin ang clone manipulator.. Gagawa na sana siya ng mga clone niya pero may liwanag ang lumabas sa loob niya at lumipad sa isang parteng bahagi ng field, sinundan ko ito ng tingin at nakita ko sa LJ na nasa kamay na niya ang liwanag na iyon pero lumulutang ito sa ibabaw ng kanyang kamay..

Ano yon?

Tumingin ako sa clone manipulator na parang nahihirapang magpakawala ng clone niya!

Anong nangyayari?

"Bakit!?"-galit na galit niyang Sabi..

Sino kinakausap niya?

"Bakit di ko magamit ang magic ko!?"-galit na galit niyang sabi ngunit nakita ko ang mga butil na patuloy na dumadausdos at bigla na lang itong napa-upo at umiyak na na nakatakip ang kanyang mga kamay sa mukha niya..

Nakita kong wala na ang liwanag na nakalutang sa kamay ni LJ kanina..

Alam ko na kung bakit di magamit ng aking kalaban ang kanyang kapangyarihan dahil kinuha ni LJ ang kanyang kapangyarihan..

May dalawa pang liwanag ang nagtungo kay LJ at pumunta ang mga ito sa kamay ni LJ...

Alam kong sa barrier manipulator at ang monster manipulator ang magic na nasa kamay ngayon ni LJ...

Alam kong masakit mawalan ng kapangyarihan, na tingin mo ay wala ka ng kwenta, at wala kang silbi, pero kasalanan nila iyon kung ginamit nila ito sa mabuting paraan hindi mawawala ang kanilang mga kapangyarihan that's their conciquences dapat nila itong pagbayaran..

"LJ hindi mo ba ibabalik ang mga kapangyarihan nila?"-tanong ko sa kanya na ngayon ay nasa aking tabi

Umiling sa sa akin.. bumuntong hininga na lamang ako

Nakita ko ang dalawang maliit na garapon at doon mismo pumasok ang dalawang puting liwanag.. at saka ito nawala..

Ilan na kaya ang nakuha niya?

"Saan ka nanggaling?"-tanong ko habang nakikipaglaban sa invisible at strength manipulator..

"Jan jan lang!"-kibit balikat niyang sabi...

"Nga pala kukunin ko ulit ang ang strength at invisible manipulator.. patulong ha?!"-nakangiti niyang sabi sa akin

Tumango na lang ako..

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon