Chapter 38: Break-up

6.4K 150 5
                                    

Mahriya Acele Cyrene Yilvoxe Hartly POV

Limang buwan ang lumipas.... Naging mas malakas pa ang mga nag-aaral sa Starlight University...

Nanliligaw na si Kyle sa akin! Papahirapan ko muna bago sagutin wahaahah...

Sina Liam at Hyza naman ay nagkakamabutihan narin haha.. ang alam ko ay nanliligaw na si Liam kay Hyza....

"Alam mo ang daming langgam dito!"-nakangising sabi ko habang kunwaring nagkakamot habang nakatingin sa love birds haha

"Patayin mo para di ka makagat!"-patay malisyang sabi ni LJ at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa

Pina-ikot ko na lang ang aking mga mata dahil sa aking nasisilayan na kaharutan! Hahaha..

"Honey!"-nakangusong sabi ni kuya Arcele kay LJ

"Yes honey!?"-nakangiting inlove na sabi ni LJ kay kuya Arcele

"Pakasal na tayo!"-aya ni kuya Arcele kay LJ na ngayon ay kilig na kilig

Hayst!! Andaming langgam promise!!

"Doon nga kayo love birds!!! Respeto naman para sa mga single!"-sigaw naming lahat!

Tumawa naman sila at nagpaalam narin!

"One month na lang Birthday niyo na!"-bulong ng aking katabi...

Lumingon naman ako at tumango...

Oo nga pala Birthday na namin ni kuya sa August 11...

"Ano naman ngayon?"-tanong ko sa kanya

Umiling naman ito sa akin..

***

After 1 month

Andito kami sa Starlight Kingdom...

Ipapakilala na nila ako bilang isang prinsesa at ipagdiwang ang aming kaarawan...

"Ang ganda naman ng kakambal ko!"-nakangiting sabi ni kuya Arcele

"Naman kuya!"-nakangiti kong sabi

"Let's welcome the Birthday celebrants!

Prince Draven Arcele Butch Hartly and his twin sister!"-sigaw ng emcee..

Nagulat ang mga estudyante dahil ang akala nila ay walang kakambal si kuya!

"Let's now meet the Princess of Starlight Kingdom no other than Princess Mahriya Acele Cyrene Yilvoxe Hartly....."-pakilala ng emcee sa akin at lumabas ako at kumapit ako sa kamay ni kuya Arcele at naglakad kami pababa....

Nagpalakpakan ang mga tao at laglag ang mga panga ng iba pa!

Ngumiti lang ako at kinuha na ni Kyle ang aking kamay at si kuya Arcele naman ay nakahawak na sa bewang ni LJ.....

"Let's begin the Royal dance!"-anunsyo ng emcee..

Si Kyle ang partner ko..

Si kuya Arcele at LJ

At bahala na kung sino ang partners ng iba wahahah...

Umupo kami sa isang malaking table at hinihintay ang announcement nina Mom and Dad...

"Good evening maraming salamat sa pagpunta ninyo dito sa aming kaharian upang tunghayan at ipagdiwang ang kaarawan ng aming mga anak..

Napag-isipan namin na ipagkasundo ang aming mga anak sa dalawang Royal family..."-nakangiting sabi ni Dad at nasa tabi naman niya si Mom..

Napasinghap ang iba dahil sa nalaman... Kita ko ang pagkuyom ng mga palad ni kuya Arcele ate hinawakan naman nito ni LJ at pinisil ng kunti...

"Pinagkasundo namin sina Fritz at Acele, at dahil narin sa kagustuhan ng prinsepeng si Fritz!"-dumagundong ang sigawan at tilian ng mga tao sa loob ng Palasyo dahil sa kinikilig at masaya sila...

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon