Three

25.5K 420 11
                                        

LUNA's POV

Napaka ni Aling Sena! Pinapaalis na ako ngayon dahil kulang daw 'yung 500.

E, sinabi niya kanina hanggang bukas daw. Ang hirap talaga kapag tumatanda na ang tao. Pabago-bago ng isip. Napanguso na lamang ako.

Ayokong tumira sa kalsada! Whaaa! Pinahiran ko ang luhang tumulo sa mata ko. Kainis nasa harap ako ng bago kong boss, e. Nakakahiya baka biglang niya akong tanggalin.

Manghiram na lang kaya ako kay Tiffany o kaya sa Manong Guard? Kaso, nakakahiya!

Kanino ako mangungutang?

Pailalim akong sumulyap kay Boss. Nakatingin lang siya sa akin at nakakunot ang noo.

Sa kan'ya na lang kaya mangutang? Tutal, pagta-trabahuhan ko naman sa kan'ya, e.

Inhale, exhale. Kapalan na nang todo ang mukha. Whoo! This is it.

"Boss! Kahiya-hiya man. Pautang ako ng pera!"

One...

Two...

Three...

Four...

Five...

"W-WHAT?"

Napangiwi ako sa sigaw niya, habang kumukurap. Takte! Five seconds delay tapos 'what' lang.

"B-Boss..."

"Kakatanggap pa lang sa'yo, ah! Hindi ka pa nga nag-uumpisa."

Napanguso naman ako't napayuko. Paano ko kaya sasabihin sa kan'ya?

Mag-sinungaling kaya ulit ako? Kaso, peke na nga ang katauhan ko sa harap niya, dadagdagan ko pa ng pagsi-sinungaling. Nah! I will tell him the truth kahit nakakahiya.

"A-Alam ko po, Boss. P-Pero ayaw ko p-pong tumira sa k-kalsada!"

Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. "Kalsada? Why?"

"B-Boss, e, kasi ano, e. T-Tatlong buwan na akong hindi nakaka-bayad ng upa." Naka-ngiwi kong sabi.

Nakakahiya! Imagine, kaka-hire lang sa akin tapos ang lakas ng loob kong mangutang.

"Wala ka bang magulang? Kaibigan?"

Napalunok ako at tiningnan siya ng diretso sa mata. Parang piniga ang puso ko dahil sa mga salitang "pamilya" at "kaibigan" na sinabi niya. I bow down my head for a while and heaved a deep sigh before I look at him again.

Dapat ay hindi mo na binanggit ang mga iyon. I know he was just asking, but to me, those words are offensive.

"A-Aalis na po ako. Magha-hanap pa ako ng pera " Matigas kong sabi.

Yumuko ako ng bahagya bago tumalikod. I know, nakaka-walang galang iyon, but I don't really care right now.

You hit me under the belt, Boss!


LUIGI's POV

Did I say something wrong? Bakit ganoon ang tono niya?

"Luna, wait!"

Mabilis akong umalis sa puwesto ko at pumunta sa likuran niya. I grab her wrist to make her stop. Sa pag-lapat ng kamay ko sa braso niya, tila may mga boltaheng hinatid ito sa akin. What the hell?

I shrugged to not entertain those annoying thoughts on my mind.

"Please, Boss. I need to find money right now!"

Tinitigan ko siya sa mata. I can see pain on those beautiful eyes. What did I do?

Ang binanggit ko lang naman kanina ay ang pamilya at kaibigan niya.

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon