Five

24.2K 365 10
                                        

LUIGI's POV

Panay ang sulyap ko kay Luna habang nagta-type siya ng report. Pinaayos ko na kasi kay Tiffany ang mga kailangan ni Luna kaya alam na niya ang gagawin. Seryosong-seryoso ang mukha niya pero panay ang tingin niya sa relo niya.

I thought Luis doesn't have a female friend here. Then, it seems to me that she knows Luna.

Baka siya 'yong sinasabi ni Luis kagabi. Napakunot ang noo ko sa naisip ko.

Luna is definitely a thousand miles far from what Luis type. How can he admire Luna then?

"Luna!" I call her in monotone.

"Yes, Boss?" Sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"Magkakilala ba kayo ni Luis?"

"Ahm, ano po kagabi po!"

I knew it, they knew each other. Si Luna ba ang tinutukoy ni Luis kagabi? I mean, yeah, Luna is pretty cute because she looks naïve in more ways but smart at the same time. Then she has this smile who can melt everyone's heart, plus the two cute small dimples beside her reddish lips. See? There is n-nothing special on her.

"Saan kayo nagkita?" I shook my head.

"Sa convenience store po, Boss. Ang bait-bait nga po niya, e."

Napatango-tango ako nang may maalala ako. Kinuha ko sa drawer ng lamesa ko ang panyong black and white kasama na ang picture. Lumakad ako papalapit sa table niya.

"Luna, sayo ba ito?" Tanong ko at pinakita ang hawak ko.

"H-Hanzel!" Kitang kita ko kung paano namuo ang mga luha niya at nag-simulang mag-bagsakan iyon. Agad niyang kinuha sa kamay ko ang mga 'yon at hinalikan.

"Thank you! Thank you!" Umiiyak niyang sabi.

Does it cost a lot on her para iyakan niya? And who's that Hanzel?

"Sino iyong mga nasa picture?" I ask without hesitation.

Tiningnan niya ako sandali at marahang pinunansan ang mukha niya.

Nabawasan tuloy ang makapal niyang blush on.

"Ahm, Boss, lunch na po. Mauuna na po ako sa inyo. H-Hinihintay po ako ni L-Luis sa baba."

Hindi na niya ako hinintay sumagot at nagta-takbo na siya palabas ng opisina ko. She's obviously avoiding my questions.

Who are you, Luna? Who is the REAL you?


LUIS' POV

Nakaupo ako sa may lobby at hinihintay si Luna para mag-lunch. Hindi talaga ako makapaniwala na ganoon ang itsura niya sa trabaho. Bakit kaya?

Maya-maya rin naman ay nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa'kin. Nakita ko pa ang ilang beses n'yang pagpahid ng mukha niya ng wipes.

Natanggal na ang make up niya at nakita ko uli ang maganda niyang mukha. She smiles at me showing her white teeth and small dimples.

"Let's go!" Sabi niya.

Tumango na lang ako at sabay kaming nag-lakad palabas ng company at pumunta sa isang cafe.

Gusto ko sana ay sa resto kami kaso ayaw niya.

"So, mind if you tell me your reason kung bakit ganoon ang ayos mo?"

Tipid niya akong nginitian at ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak niya.

"Kahapon kasi pinapaalis na ako sa inuupahan kong apartment dahil ilang buwan na akong hindi nakakabayad. Nag-hanap ako ng trabaho at nakita ko 'yung flyer ng company ni Boss Luigi."

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon