LUIGI's POV
Tulala lang ako habang nakatingin sa kisame.
Kanino kaya ang panyong iyon? Kay Luna kaya? Pero, sino 'yong nasa picture na 'yon?
Napatigil ako sa pag-mumuni-muni dahil sa katok na 'yon mula sa pintuan ng kuwarto ko.
"Sir, dumating na po si Sir Luis!" Sigaw ng maid sa labas.
Napabuntong hininga ako. I will be bug for a month, that is for sure. No moment of silence for now. But I do miss my brother, so I guess it is not that bad.
"Bababa na!"
Tumayo na ako at tinanggal ang necktie ko. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit galing opisina. Nilipad ata ang utak ko dahil doon sa panyo at picture na iyon. I don't even know why I'm so bothered by it. Fuck this!
Dire-diretso ako sa dining dahil alam kong doon din ang diretso ni Luis.
At hindi nga ako nagkamali. Tumutulong siya sa mga maid na mag-ayos ng lamesa.
"Ano ba iyang ginagawa mo, Luis? Trabaho iyan ng mga maid. Hindi mo na kailangang gawin 'yan!" Saway ko sa kanya. Pero nginitian lang ako nito at pinag-patuloy ang pag-aayos ng lamesa. Maya-maya naman ay naupo na rin siya sa gilid ko.
Pero ang kapansin-pansin...
Hindi nabubura ang ngiti niya. Hindi naman siya ganito, ah.
"Anong meron at naka-ngiti ka ng gan'yan?"
"Wala lang, Kuya. May nakilala kasi ako. Ang ganda niya, Kuya!" Sabi pa niya habang naka-ngiti bago sumubo ng kapirasong pork belly.
Napataas naman ang kilay ko. Maang akong napatingin sa kan'ya. Mukha kasi siyang teenage-boy kung makangiti.
"Are you admiring that girl?" Ngiwing tanong ko sa kan'ya bago nag-patuloy sa pagkain.
"I think so. Ang ganda niya kasi, especially 'yong ngiti niya. Nakakahawa!"
Napangiwi naman ako. Para siyang bumalik sa pagiging 1st year highschool at kinikilig sa pag-daan ng crush niya.
"Hindi ba't may girlfriend ka sa Canada?" I ask him.
Natigilan naman siya sa pag-subo at nawala ang ngiti.
I knew it. I hit him.
"So?" I ask starting to open up that topic.
"Argg! Cut that Kuya. Sinisira mo 'yung admiration ko roon sa babae!"
"Okay! Okay! I'll drop off the topic." I chuckle. "So, hanggang kailan ka mag-i-stay dito?"
He smiles after thanking the maid when it pours some wine on his glass. "Well, I have a month of vacation."
"Good. Bumisita ka bukas sa kumpanya ko."
"Alright!"
LUNA's POV
"Nasaan na ba 'yon?"
Kanina pa ako halwat ng halwat sa bag ko, pero hindi ko pa rin makita ang panyo na dala ko kanina.
Nakaipit pa naman ang picture namin doon. Last na alaala ko na iyon kaya hindi puwedeng mawala 'yon.
Sa sobrang frustrated ko, unti-unti nang tumulo ang luha ko. That picture is too precious to me. That is my last picture with him. With the man that I love the most.
Napaupo na lamang ako sa sofa. Itinaas ko ang paa ko pabaliko at niyakap iyon bago ako sumubsob sa mga tuhod ko.
"Hanzel!"
BINABASA MO ANG
Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)
RomantiekHIGHEST RANK ACHIEVED: #1- wattpadromance #1- tagalogstories #1- secretidentity #2- rivalry COMPLETED (September 02, 2019) Gagawin mo ba ang lahat ng kaya mo para mabuhay sa marangal? Kagaya ka ba ni Luna Velarde? O hindi kaya... Gagawin mo ang lah...
