Forty Three

7.1K 186 81
                                        

Author's Note:

Anong pinagkaiba ng Published Book sa Published Online Book?

Malaki po ang pinagkaiba. Ang mababasa po sa on-line ay raw copy. Unedited. Kapag Published Book mas consized, mas magandang version. May mga scene na mababago at madadagdag. In short, mas maganda kapag Published Book.

Bili po kayo ng "My Wife is My Mistress". Comment or send me a message for more details and order. Thank you

Forty Three

LUNA's POV

Magda-dalawang araw ng wala yung pamilya ko daw. They never call or message Luigi to check me out. Ano kayang pinagkakaabalahan nila?

"Luna, bilis na!" Napangiwi na lang ako sa sobrang kakulitan nitong si Luigi. Akala mo ay seryoso pero napaka-kulit at palaging nagre-request.

Nakalabas na ako sa hospital at dinala niya ako dito sa isang malaking bahay.

Ito raw ang bahay namin, pero pagpasok ko pa lamang kanina ay iba na ang pakiramdam ko. Parang may masasakit akong alaala sa bahay na ito at sobrang lungkot ng aura ng bahay.

Umalis kami sa Ilo-Ilo kanina at dito niya ako idineretso. Sabi niya ay papupuntahin na lang daw niya ang doktor dito sa bahay.

At habang naglilibot kami ay napansin ko ang isang kuwarto na puno ng mga gamit sa paintings at drawings,  mga portraits at iba pa. Ako daw ang may kaniya nito ayon sa mga maid.

Tuwang-tuwa sila na makita ako at may nagsabi pa na buti raw at nabuhay ako at nakatakas sa mga Carter. Kinikilabutan talaga ako sa tuwing naririnig ko ang apelyido na Carter. Ano kayang meron doon?

"Hoy, Luna! Dali na, isa lang naman e!" At itong lalaking to, kanina pa ako kinukulit na magpainting ng kahit ano.

Sa totoo lang, ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya. He always makes me smile, time to time. He even sang a song for me. I like him.

"Oo na, tara. Ang kulit mo!" Pagpayag ko sa gusto niya. Pilit ko ring itinatago ang pag-ngiti ko ng bumalantay ang masayang ekspresyon sa guwapo niyang mukha.

This man is really handsome. He is tall, his body was gorgeous. Now, I was wondering how many girls cry because of this man. Napapailing na lang ako.

Pumasok kami sa Painting Room at naupo ako sa isang silya. Siya naman ay nakangiti habang nakatitig sa akin habang nag-iisip ng ipipinta. Nakakailang pero ang sarap sa pakiramdam.

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi ng magkatingnan kaming dalawa. Agad akong nag-iwas ng tingin. I feel something weird on my stomach, my heartbeat is not beating normal.

"Aha! What if I just paint you?" I ask avoiding myself to smile infront of his handsome face

He bit his lower lip, damn! He was sexy on it. "You'll paint me? Can you?"

I nodded then shrugged. I can't help but to smile sweetly on him. He was so damn gorgeous and hot while bitting his lip.

I start with the outline. I enjoy how my hand smoothly brush the painting's pad as if I am really painting for my dear life. I maybe forgotten my past but I think all of the things that I used to do is still on me.

Alam kong hindi ko matatapos ang paintin sa loob ng isang araw at medyo naiilang na rin ako sa titig ni  Luigi kaya naman mabilis kong dinutdot ang poster paint at ipinahid iyon sa ilong niya.

"Ba-bye! Tinatamad akong magpaint eh!" Nakangising sabi ko at nagsimula nang humakbang palayo pero mabilis niya akong hinablot sa bewang at pinahiran din ng paint sa mukha.

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon