Thirty Four

8.5K 174 3
                                    

A/n: Tatlong chapters lang kinaya hahaha. Tinatayp ko pa ang dalawa, kaya baka bukas lang yun utang. Pasensya na po!

Penge po akong comments at votes please.

LEVI's POV

Continuation of Flasback

Weeks had passed at habang lumilipas ang araw mas nagiging weird si Ate Athena. Madalas syang may katawagan at pagnangyayari iyon lumalayo sya sa akin.

Hindi na rin sya palaging ngumingiti simula nang mawala si Kuya Lucius.

"Kuya!" Napalingon ako kay Althea na ngayon ay umiiyak at pagulong-gulong sa carpet.

"B-Bakit?" Lumapit ako sa

"Ulo ko, Sakit!" Nagsimula uli syang umiyak.

"Ate! Ate!" Hiyaw ko. Iniangat ko ang ulo ni Althea sa sahig. Ilang araw na rin at puro ganito ang nangyayari sa kanya.

"Anong nangyari?" Tanong ni Ate at kinarga si Althea.

Pilit nya itong pinapatahan pero hiyaw lang ng hiyaw si Althea at sinasabing masakit ang ulo nya.

I wanted to cry but Ate Athena say that I should grown up. H'wag ko daw ipapakita kay Althea na umiiyak ako. Tumalikod ako at pilit kong pinipigilan ang sarili ko na umiyak.

"Levi, dito ka lang. Dadalhin ko sa hospital."

Nilingon ko si Ate. Mas lalong nadagdagan ang pag-aalala sa mukha ni Ate ng makita nya ako.

"Levi, p-please. Don't cry!"

Nilingon ako ni Althea. Mas lalo pa syang umiyak kaya naman pinunasan ko ang luha ko.

"Althea! Stop na, di na iiyak si Kuya!"

Hinalikan ko sya sa pisngi at nagpaalam na. Iniwan nila ako sa yaya namin.

Gabi na nang dumating si Ate Athena. Mugto ang mga mata nya.

"A-Ate? Si Althea? Saan sya?"

Umiling lang si Ate at niyakap ako. Kahit hindi ko kita, alam kong umiiyak sya. Niyakap ko na lang din sya pabalik.

Nag-ring ang phone nya kaya naman kumalas sya sa pagkakayakap. Hinalikan nya ako sa noo bago lumakad palayo. Sinagot nya ang tawag at nagulat ako sa binungad nya.

"H-Hello, Kuya Lucius?"

Diba patay na si Kuya? Diba wala na sya? B-Bakit.. Sino yung kausap ni Ate?

Kinabukasan paggising ko katabi ko na si Althea. Sa sobrang saya ko niyakap ko sya agad at pinupog ng halik sa mukha, pero hindi sya nagising.

Napatingin ako sa kamay nya. May nakatusok doon na white na bagay. Nangsundan ko ang maliit na hose na iyon nakita ko yung katulad nang nakikita ko sa tv na nakakabit sa mga may sakit.

"Levi?" Napatingin ako kay Ate na kakapasok lang sa kwarto ni Althea. Dito kasi ako natulog sa kwarto nya dahil namimiss ko sya.

"Ate, bat may ganito si Althea?" Tanong ko

"She is sick, buddy!" Sabi nya. Mugto pa din ang mata nya. "Levi, makinig ka. Aalis din si Ate Athena ha?"

"A-Ate.."

"B-Babalik ako! Babalik din ako agad." Nagsisimula na uli syang umiyak kaya lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Iiwan mo din kami? Iiwan mo din kami kagaya ni Kuya?" Mas lalong umiyak si Ate.

Inihiwalay nya ako sa kanya at hinawakan ako sa pisngi.

"Makinig ka, Levi ha! Si Ate kasi, m-may bad guys din na gusto syang patayin eh. S-Susunod lang ako kay Kuya Lucius ha."

Hinawakan ko sya sa kamay at tinanggal sa mukha ko. Muli ko syang niyakap sumubsob sa tyan nya.

"Ayaw ko. Paano ako? Paano si Althea? Diba may sakit sya? Bakit nyo kami iiwan? Sino mag-aalaga samin? Sino maglo-love samin?"

Lumuhod si Ate at niyakap ako ng mahigpit. Parehas kaming umiiyak. Kahit bata pa ako, ramdam ko na pag nawala si Ate at sumunod kay Kuya, ako na lang at si Althea ang matitira. Masakit iyon para sa amin.

"A-Aalagaan mo si Althea ha. H'wag mong pababayaan ang sarili mo para...para maprotektahan mo si Althea."

"Ate.."

"Levi makinig ka. Kailangan ni Ate. Kailangan kong umalis at sundan si Kuya. Kapag hindi ko ito ginawa, l-lalo tayong mapapahamak."

"P-Pero paano si Althea? Paano pag hinanap ka nya?"

Umiyak na naman si Ate at muli akong niyakap. Kahit hindi ko maintindihan ay niyakap ko na din sya nang mahigpit.

"W-Wag kang mag-alala kay Althea. Hindi...Hindi na nya kami maaalala."

Napabitaw ako kay Ate, pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang yakap sakin.

"P-Promise me that..that you would not tell anything about us on her. Wag na wag kang magsasalita tungkol sa amin. Naiintindihan mo ba ako, Levi?"

Tumango ako, umiyak sa balikat nya at muli syang niyakap ng mahigpit.

"Ba-Babalik kami ni Kuya."

"K-Kelan?"

"Kapag kailangan mo na kami. Promise babalik kami."

Nakatulog ako kakaiyak habang kayakap si Ate. Nagising na lang ako na nakatabi uli kay Althea.

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko nang magmulat ako. Tulog pa din si Althea at nakakabit pa rin yung maliit na hose sa kamay nya.

"Sir Levi, lumabas po kayo may..may dapat po kayong makita." Sabi sakin ng isa naming katulong.

Inalalayan nya akong bumaba. Kita ko pang naiiyak-iyak sya habang papalabas kami ng kwarto.

Napatigil ako sa paglalakad.

Bakit parang nauulit uli?

"Y-Yaya, si Ate nasan?" Tanong ko habang nakatingin sa apat na naka-orange na lalaki.

May hawak silang higaan at may bagay nanatatalukbungan uli ng puting kumot. Kagaya noong nangyari kay Kuya Lucius.

Iniwan na din kami ni Ate. Iniwan na nya din ako.

End of Flashback

Alam kong nakakababa sa pagkalalaki ang pag-iyak pero wala akong pakialam.

Ayoko na uling maramdaman ang maiwan ng mga kapatid. Alam kong ganito rin ang nararamdaman ni Althea noong iwan ko sya, pero iyon ang kailangan kong gawin.

"Tama na, Ayden. Magiging okay din ang lahat." Sabi ni Mommy habang hinahagod ako sa likod.

"Dude, I got their location now."

Halos sabay kaming napahiwalay ni Mommy sa yakap. Patakbo akong lumapit sa kinauupuan ng pinsan ko.

Mula sa laptop niya ay kitang-kita ko at tatlong pulang tuldok. Nahahaluan iyon ng kulay green na ilaw.

Isa lang ang ibig sabihin nito, nasa hospital sila.

"I think, it is time for us to shown up!"

Napatingin kami kay Daddy. Seryoso ang mukha nya habang nakatingin lang sa picture ni Althea.

"P-Pero paano si Hanzel?"

--

Medyo lumilinaw na, mylabss! Keep reading.

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon